ALEX'S P.O.V
Natakot talaga ako, akala ko totoo na ang lahat. Buti na lang at panaginip pala iyon.
"Okay ka lang ba?"biglang tanong ni Tyrone sa akin. Agad naman akong tumango
"Yeah! Ayos lang ako"tipid na ngiting sagot ko. At agad na akong bumaba ng kanyang sasakyan. After kasi namin mag-usap ni Tyrone, agad na akong nagpasyang umuwi. Nagvolunteer naman siyang ihatid ako, noong una nag-alangan pa ako. Dahil baka nandoon na si MM at makita niya pa si Tyrone. Eh baka magkagulo pa. Pero nagpumilit siya! Kaya wala narin akong nagawa, kaya pumayag narin ako. Bahala na! Ipapaliwanag ko na lang kay MM ang lahat.
"Thank you nga pala Tyrone sa paghahatid"nakangiting sabi ko pa, pagkababa ko.
"Wala iyon! Sa totoo lang ako dapat ang magpasalamat eh! Salamat talaga Alex at pumayag kang makipagkita sa akin. At salamat din at napatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko"sagot naman niya.
"Wala iyon! Ayaw ko narin naman ng may dinadalang sama ng loob eh. Atsaka hindi ka pa man humihingi ng tawad na patawad na kita. Kaya nga pumayag akong makipagkita at makipag-usap sayo eh. Kalimutan na natin ang nangyari! Nakaraan na iyon! Marami naman tayong natutunan sa nangyari eh. Ata masaya tayo ngayon"nakangiting sabi ko pa. Ngumiti naman siya at tuluyan ng umalis. Napangiti na lang ako at naglakad na papasok. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang tumunog ang cp ko. Kaya napatigil ako, teka! Bakit bigla akong kinabahan? Atsaka parang nangyari na ito ah? Dali-dali kong kinuha ang cp ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Lalo naman akong kinabahan at natakot ng makita kong si Ate Cassy ang tumatawag.
'No! Relax ka lang Alex! Hindi mangyayari ang nasa panaginip mo! Kaya Relax ka lang okay!'pagpapakalma ko pa sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim at sinagot ki ang tawag.
"He-hello"kinakabahang sagot ko.
"Hello Alex"bati naman ni ate Cassy, rinig ko iyong pagkabasag ng boses niya. Halatang umiiyak siya. Napatakip naman ako sa bibig ko. No! Okay lang si MM! Kaya huwag kang matakot! Relax lang!
"Bakit po ate Cassy? Bakit po kayo umiiyak"tanong ko pa habang pilit na pinapalakas ang loob ko.
"Alex!!...huwag...kang...mabibigla..ha"putol-putol pa niyang sabi. Kaya lalo akong nakaramdam ng takot. No! Huwag naman sana! Please po!
"Bakit po? Ano pong nangyari?"tanong ko. Rinig kong lalo siyang napahaguhol ng iyak.
"A-alex..si..MM..kasi..."hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi humagulhol na lang siya ng iyak. Pilit ko namang pinipigilan ang luha ko.
"Please...ate Cassy...ano pong nangyari kay MM? Huwag niyo naman po akong takutin oh! Please..."pakiusap ko pa. Naiiyak na talaga ako, kahit anong pilit kong pigilan hindi ko talaga kayang pigilan.. Kusa siyang bumabagsak.
"Ate!! Ano pong nangyari sa kanya!!? Please naman po oh!! Sabihin mo po sa akin na okay lang siya!! Please po!"naiiyak na sabi ko.
"So-ssorry Alex...pero si MM kasi...naaksidente kasi siya"umiiyak na sagot niya. Dahilan para mabitawan ko ang cp ko.
"No!! No!! Hindi totoo iyon! Hindi totoo ito! Panaginip lang ito!! Panaginip lang ito!!"
Napaupo na lang ako habang napahagulhol sa pag-iyak. Hindi totoo ito!! Please sabihin niyo sa akin! Hindi totoo ito!!!
"Alex nakalimu-.....hey! Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?"
Napaangat naman ang tingin ko kay Tyrone.
"Okay ka lang? Bakit ak umiiyak? May problema ba?"tanong niya ulit. Lalo naman akong napahagulhol sa pag-iyak
"Si MM kasi...si MM..naaksidente daw siya"sagot ko.. Agad naman siyang lumapit at niyakap ako.
"Ssshhh...tahan na ikaw! Magiging okay din ang lahat"sabi pa niya. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumayo.
"Kailangan ko siyang puntahan"sabi ko pa at pinulot ang cp ko.
"Samahan na kita"alok pa niya, umiling naman ako
"No! Huwag na! Kaya ko naman eh! Ako na lang"tanggi ko pa.
"No! Sasamahan na kita! Hindi din kasi ako mapapalagay kung hahayaan kita na magbiyahe sa ganyan kalagayan"sabi pa niya. Natahimik na lang ako..
"Kaya tara na! Hatid na kita!"pag-aaya pa niya.
"Pero"sabi ko pa, agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Samahan na kita! Kaya tara na"pag-aaya pa niya sabay alalay sa akin papuntang sasakyan niya. Sumama na lang ako...
"Huwag kang mag-alala! Magiging okay din ang lahat! Matatag si Ate MM! Kaya niya iyon"nakangiti niya pang sabi. Tumingin naman ako sa kanya
"Pero natatakot ako! Paano kung...."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil napahagulhol na lang ako. Kaya niyakap niya ako
"Sssshhh...tahan na!! Hindi gugustuhin ni ate MM na makita kang nagkakaganyan"pagpapatahan pa niya. Pinunasan ko naman ang mga luha ko, tama siya! Ayaw niyang makita na umiiyak ako.
"Ano? Okay ka na? Tara na?"pag-aaya pa niya. Tumango naman ako, agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami, nagdadasal lang ako na sana okay lang siya. Hindi sana ganun kalala ang nangyari sa kanya. Kasi hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin. Hinding-hindi..
"Mahal mo talaga siya no?"biglang tanong ni Tyrone. Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ngumiti muna ako sa kanya bago tumango.
"Oo! Mahal na mahal ko siya! Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin! Hindi ko kaya"sagot ko pa. Kita ko namang napangiti siya tapos ibinalik na ulit ang tingin sa kalsada.
"Huli na talaga ako!"rinig kong sabi pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Ang mahalaga sa akin ay makarating kaagad doon. Ang makita si MM!.
"Nandito na tayo"sabi pa niya. Agad ko namang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Pero bago pa ako makakababa ay bigla niya akong pinigilan.
"Sandali!"pigil niya. Tumingin naman ako sa kanya na nagtataka
"Bakit?"tanong ko, ngumiti lang siya tapos ay umiling
"Wala! Sasabihin ko lang na, hanggang dito na lang ako. Hindi na kita masasamahan sa loob! Pasensiya na"sabi pa niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya
"Salamat ha! Sige una na ako"sabi ko pa at dali-daling tumakbo papasok ng Hosptal....
"Baby ko! Nandito na ako"bulong ko pa habang tumatakbo....-