CHAPTER 170

48 7 0
                                        

CHAPTER 170
MM'S P.O.V
Buong seremonya nakatitig lang ako Kay Alex. Halos Hindi ko na nga naintindihan ang sinasabi ni Father. Basta sumagot na lang ako ng 'I do'.
"Ang ganda mo talaga" Hindi ko napigilang ibulong sa kanya. Kinurot naman niya ako.
"Ehem!" Tikhim ulit ni Fathe, para mapatingin ulit kami sa kanya. Hindi ko namalayan na exchange of vows na pala. Kinuha ko ang isang sing-sing at humarap sa kanya.
"Hi! Alex! I know nagulat ka! Hindi mo inaasahan na kasal na pala natin. Sinadya ko talaga iyon! Hindi ko na kasi matiis na Hindi ko kayo kasama ni baby Sofia. Kaya talagang pinilit Kong maayos agad ang kasal natin. At ito na nga! Matagal na natin itong hinintay! Matagal na natin itong pinalano. At ngayon! Heto na!" Nagpause muna ako para punasan ang luha ko.
"Alam mo ba? Walang paglagyan iyong kasiyahan ko! Habang pinapanood kita habang naglalakad palapit sa akin. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Sa daming pwede mong mahalin! Ako ang pinili mo. Napakaraming lalaki, pero ako ang minahal mo. Na kahit bakla ako, Hindi na naduwag na panindigan at ipaglaban ako. Kahit maraming batikos ang binabato sa ating dalawa. Hindi ka umalis sa tabi ko! Kahit na marami akong pagkukulang, at mga kapalpakan sa buhay, nandiyan ka parin. Hindi mo ako iniwan! Hindi mo ako sinukuan." Huminto muli ako para punasan ang luha ko.
"Kaya Alex! Baby ko! BabyLove ko! Maraming salamat sayo at dumating ka sa buhay ko. Akala ko noon, wala ng magmamahal sa isang baklang katulad ko. Pero dumating ka! At tinanggap mo ako bilang ako. Hindi mo ako hinusgahan! Tinanggap at minahal mo ako ng buong-buo. Muntik na ako sumuko, pero nanatili kang lumalaban. Palagi mong pinalalakas ang loob ko. Pinasasaya ako, kaya salamat sayo! Salamat at minahal mo ako! Salamat kasi ako ang pinili mo. Salamat at binuo mo ako. Binuo mo ang pangaral ko. At ngayon! Narito tayo sa harap ng altar, sa harap ng Diyos, at sa harap ng mga Taong mahal natin. Gusto Kong sabihin at ipangako sayo na kahit kailan, Hindi kita iiwan. Pang habang-buhay kitang mamahalin. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Aalagaan kita at ang mga anak natin. Mahal na mahal ko kayo ni Sofia, higit pa sa buhay ko" sabi ko at isinuot ang singsing sa kanya. Kita ko namang umiiyak siya kaya agad kong pinunasan ang luha niya.
"Hi! MM! Alam mo ba nakakainis ka! Ang hilig mo talagang manggulat! Wala akong kaalam-alam na kasal ko na pala! Hindi man lang ako nakapaghanda. Pasalamat ka mahal kita! Kaya okay lang. Pero huwag kang Tarawa ha! Alam mo naman na Hindi ako handa. Kaya kung ano na lang laman nito(sabay turo sa puso niya) iyon na lang ang sasabihin ko." Sabi niya saka kinuha ang singsing.
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Siguro sa pagpapasalamat na lang muna. Gusto ko lang magpasalamat sayo kasi dumating ka sa buhay ko ng panahon na mag-isa lang ako at nasasaktan. Ikaw iyong naging sandalan ko, naging unan at panyo ko, na tagapahid ng luha ko. Sa panahon ng kailangan ko ng karamay nandiyan ka. Kaya salamat sayo, sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Maraming salamat kasi pinili mo ako, kahit madami namang magagandang lalaki diyan. Nagpapasalamay din ako dahil kahit makulit ako Hindi mo ako iniiwan. Lagi mong pinaparamdam na mahal mo ako. Mas pinipili mo pang masaktan, maprotektahan lang ako. Kahit dumaan man tayo sa maraming pagsubok, nandiyan ka parin. Kaya maraming salamat sayo" umiiyak na sabi niya. Pinunasan ko naman agad ito
"Ikaw ang nagsilbing lakas ko, at pag-asa ko. Tinulungan mo akong matupad ang pangarap ko. Hindi mo ako sinukuan, Hindi mo ako pinabayaan. Akala ko nga noon, wala akong pag-asa sayo! Kasi alam ko na bakla ka. Pero Mali pala ako, at ang swerte ko kasi mahal din pala ako ng Taong mahal ko. At tulad ng sabi mo, sa harapan ng lahat! Ng Diyos! Ipinapangako ko sayo ngayon at magpakailanman na mamahalin at aalagaan kita at maging ang mga anak natin. Gagawin ko ang lahat para naging masaya kayo. Mahal na mahal kita at ng anak natin" sabi niya pa sabay suot ng singsing sa akin. Napangiti na lang ako at niyakap siya. 
"I love you now and forever Alex" sabi ko sa kanya.
"I love you too until forever Marcos Miguel" sagot niya. 
"Ehem! Masyado talaga kayong excited mga bata kayo!"
Nahiya naman kami sa sinabi ni Father kaya agad na humarap kami sa kanya. Nakadagdag pa ang tawanan ng mg tao.
"Alam ko na excited na kayo kaya sige na! Iho! You may now kiss your wife" sabi ni Father. Ngumiti muna ako Kay Father
"Thank you po Father"pasasalamat ko saka humarap Kay Alex. At hinigit siya at hinalikan. 
'Finally!!! Asawa ko na siya!!! Yes!!!'
Tanging palakpakan lang ang naririnig namin habang naghahalikan kami ni Alex.
"Oh! Siya! Time-out muna iyan! Tandaan niyo nasa simbahan pa kayo"awat sa amin ni Mama. Napangiti na lang ako.
"Congrats sa inyong dalawa! Best wishes!" Bati nila.
"Salamat! Maraming salamat po sa pagdalo niyong lahat sa mahalagang araw sa amin ni Alex" pasasalamat ko pa. At agad na hinawakan ang kamay ni Alex.
"Honeymoon time na!" Masayang sigaw ko pa.
"Aray!" Reklamo ko ng biglang may bumatok sa akin.
"Hoy! Hoy! Tumigil ka diyan!" Talak sa akin ni Nanay.
"Masakit iyon Nay"reklamo ko.
"Masasaktan ka talaga kita! Puro ka talaga kalokohan!" Sagot ni Nanay sabay pingot sa tainga ko.
"Aray nay! Mashaket! Kakahiya sa kanila oh!" Reklamo ko.
"Wala akong pakialam! Hala! Lumakad na kayo! Kasama niyo ako sa kotse! Baka kung saan pa kayo magpunta." Sabi pa ni Nanay. Nanlaki naman ang mata ko
"What? Kasal na kami! Pero bakit po ang higpit niyo parin!" Di ko maiwasang magreklamo.
"Eh! Kasi! Gusto mo agad honeymoon! Hoy! Na bata ka! Reception muna!" Sagot sa akin ni Nanay sabay hila Kay Alex.
"Sabi ko nga po" nakasimangot na sabi ko. Saka sumunod sa kanila

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon