CHAPTER 168

32 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Hindi ko alam kung anong nangyayari? Basta paggising ko, ganyan na sila! Mukha silang may sira sa ulo! Nakangiti sila sa akin tapos si mama at papa! Ang O.A! Kung ano-ano ang pinagsasabi. Akala mo ay kung saan ako pupunta!
"Anak tandaan mo, nandito lang kami!" Si mama po iyan. Hay!
"Oo nga anak! Tandaan mo mahal na mahal namin ikaw! Kayo!" Dagdag pa ni Papa. Hay! Ewan! Bahala sila diyan!
"Ang bilis ng panahon! Dati buhat-buhat lang kita tapos ngayon! Heto na may sarili ka ng pamilya" naiiyak na sabi ni Mama.
"Oo nga! Dati ako lang ang lalaki sa buhat mo! Ngayon may iba na" dagdag pa ni Papa habang nagpupunas ng luha. 
"Huhuhu! Sweetheart! Iiwan na tayo ng anak natin" sabi pa ni Papa sabay yakap Kay Mama. At para silang Ewan na magkayakap habang umiiyak. Hindi naman ako nakatiis at magsalita na ako
"Ma! Pa! Ano po bang problema niyo? Iyak kayo diyan ng iyak! Para kayong ano!" Sabi ko..nakakainis kasi, kung makapagdrama sila akala mo naman, mawawala na ako.
"Mahal na mahal ka namin anak" sagot nila at niyakap ako. Ano ba ito? Hindi na ako nakapagpigil kaya tumayo na lang ako
"Tapos na po ako kumain! Aakyat na po ako" paalam ko. At umalis na, pero bago pa lang ako makahakbang paakyat ng hagdan, ay biglang may narinig akong sigaw.
"Alex!!" Hay naku! Isa pa ito! Tinatamad na pumunta sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Pero ang mga baliw ngumiti lang at niyakap ako. Ano bang nangyayari?
"May problema ba ha? Kasi kanina pa ako nagtataka sa mga kinikilos nina mama at papa! Tapos ngayon! Kayo naman" tanong ko pa.
"Ha? Walang problema! Bakit magkakaroon ng problema?" Balik na tanong niya. Napailing na lang ako
"Ewan ko sa inyo! Diyan na nga kayo!" Sagot ko at tumalikod na sa kanila.
"Hep!" Pigil nila sa akin.
"At bakit na naman?" May bahid na inis na tanong ko.
"May pupuntahan tayo" sagot ni Pauline habang nakangiting nakakaloko.
"Hindi ako pwede! Aalagaan ko pa si Sofia" sagot ko.
"Hindi pwede! Kailangan mong sumama! Kung gusto mong makasama si MM" nakangising sabi naman ni Lexi. Nanlaki naman ang mata ko! Dahil sa gulat
"What? Si MM?" Tanong ko. Tumango naman sila
"Yap!" Sagot nila
"Pero Hindi pwede! Magagalit sina mama at papa" may pag-aalalang sabi ko.
"Don't worry girl! Pumayag na sila! Dahil alam naman nila mahalaga ito!" Sagot ni Ate Cassy.
"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila tapos ngumiti sa akin.
"May wedding pictorial kayo ngayon!" Sagot nila. Ha?
"Ha? Matagal pa naman ang kasal namin ah!" Sabi ko.
"Eh gusto ni MM na ngayon na ito gawin! Kaya Tara na! Baka malate ka pa! Tapos aayusan ka pa" yaya pa nila. Napaisip naman ako, nagsasabi ba ang mga ito ng totoo? Sasama ba ako? 
"Sige na Princess! Sumama ka na sa kanila" rinig Kong sabi ni Mama. Kaya gulat na tumingin ako sa kanila
"Po?" Gulat na sabi ko
"Sige na! Sumama ka na! Kami na ang bahala Kay Sofia" sagot naman ni Papa
"Sigurado po kayo? Nandoon po si MM?" Paninigurado ko pa
"Okay lang! Alam na namin iyan! Kaya sige na! Lumakad na kayo! Baka malate kayo" sabi pa ni Mama. Kaya wala akong nagawa ng bigla akong hilahin ni Ate Cassy.
"Teka lang! Papaalam lang ako Kay Sofia" awat ko. 
"Pamaya na iyan! Kailangan na nating umalis! Baka malate ka na" sagot ni ate Cassy. At patuloy akong hinila, at sapilitang isinakay sa sasakyan.
"Grabe kayo sa akin! Kinaladkad niyo na ako eh!" Reklamo ko. Pero ngumiti lang sila. 
"Hayan! Nandito na tayo" sabi nila at hinila ako palabas. Pumasok kami sa isang hotel
"Teka! Bakit tayo nandito?" Takang tanong ko. 
"Basta! Sumama ka na lang! At saka ako hinila ulit.
"Saglit lang naman! Kailangan ba talaga hilahin ako!?" Tanong ko sa kanila. Pero tumawa lang sila, kaya napailing na lang ako. Pumasok naman kami sa isang kwarto at doon nila ako inayusan. 
"Teka! Bakit iyan ang susuotin ko?" Tanong ko sa kanila. Bakit nakawedding gown pa.
"Basta! Suotin mo na lang!" Utos nila sa akin. Kaya wala akong nagawa,
"Hayan! Ang ganda mo talaga Alex! Bagay na Bagay sayo ang wedding gown na suot mo!" Manghang sabi pa ni Ate Cassy. Napangiti na lang ako at nagpasalamat. Nagulat na lang ako ng bigla nila akong yakapin. Pero isinangwalang bahala ko na lang. 
"Bes sorry" rinig ko pang sabi ni Pauline
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Dahil dito" sagot niya. Nabigla naman ako ng bigla niya akong takpan ng panyo sa ilong.
"Bes..ano..ba..ito?" Tanong ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon