CHAPTER 167

35 5 0
                                    

CHAPTER 167
MM'S P.O.V
Napapangiti na lang ako sa tuwing maalala ko ang mga kalokohan namin ni Alex. Halos mahirapan sa pagsaway sa amin sina mama at papa. Halos palayasin na nga nila ako. Buti na lang huminahon, hahaha
"Mukhang ang ganda natin ah!" Rinig kong sabi ni Cassy kaya Napalingon ako sa kanya.
"Wala ito! Naisip ko lang iyong mga pinagagawa namin ni Alex." Nakangiting sagot ko.
"Kaya pala ganyan ang ngiti mo!" Sabi niya pa.
"Ayos na ba?" Tanong ko. Tumango naman siya
"Yap! Ayos na ang lahat!" Sagot niya.Nagpapasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko at nandiyan sila para tuluyan ako.
"Excited ka na para bukas?" Tanong pa niya. Ngumiti naman ako at tumango
"Oo! Sobra! Wala na ngang paglagyan itong excitement ko eh!" Sagot ko.
"Halata naman eh!" Natatawang sabi niya.
"Pero sa kanbila ng excitement ko! Nandito parin iyong kaba ko!" Sabi ko pa. 
"Huwag kang kabahan! Magiging maganda ang araw bukas" sabi pa nito.
"Sana nga!" Sagot ko.
"Natatakot ka ba na Hindi ka niya siputin?" Tanong pa nito.
"Hindi naman sa ganun! May tiwala naman ako sa kanya eh!" Sagot ko.
"So bakit ka kinakabahan?" Tanong ulit niya
"Ewan! Siguro dahil big day namin bukas! At Hindi maiiwasang kabahan talaga ako! Normal naman iyon eh!" Sagot ko.
"Sabagay! Ganun naman talaga kapag ikakasal na! Hindi maiwasang kabahan" pagsang-ayon nito.
"Siguro nga! Wala naman yatang ikinasal ng hindi kinabahan" dagdag ko pa.
"Si Alex! Hindi siya kinakabahan" sabi pa niya.
"Hindi naman kasi niya alam na ikakasal na kami eh," sagot ko.
"Iyon lang!" Natatawang sabi niya.
"Eh ikaw? Kailan ang kasal niyo?" Pag-iiba ko. Hinampas naman niya ako
"Sira! Kakabago lang naman eh!" Sagot niya.
"Asus! Sigurado ako! Malapit na din kayong magpakasal!" Sabi ko naman.
"Baliw! Wala pa kami sa ganung stage!" Sagot niya
"What if? Niyaya ka niyang magpakasal! Papayag ka ba?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya
"Hindi ka pa ready?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya
"Hindi naman sa ganun! Ayaw ko lang isipin pa! Bahala kapag nangyari na iyon" sagot niya.
"So kung niyaya ka niya ngayon, papayag ka!" Tanong ko pa.
"Pwede!" Sagot niya. Tumawa naman ako. Mukhang may nagdidiwang na ngayon ah.
"Pwede? So you mean? Papayag ka?" Paninugurado ko.
"Oo!" Walang alinlangan na sagot niya. Napatingin naman ako sa may likuran niya. Kung saan nandoon si Jon na ang laki ng ngiti!
"Mukhang may nagdidiwang na sa likuran mo" sabi ko Kay Cassy sabay nguso sa likuran niya. Agad naman siyang Lumingon
"Honey!!" Gulat na sabi niya. 
"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya pa.
"Hindi naman! Pero sakto lang para marinig ko ang sinabi mo" sagot naman ni Jon.
"Hala! Nakakahiya!" Nahihiyang sabi ni Cassy habang nagtataklob ng mukha niya. Lumapit naman sa kanya si Jon. Ako naman ay tumayo na
"Oh sis! Saan ang punta mo?" Tanong ni Cassy sa akin
"Ichecheck ko lang iyong venue!" Sagot ko.
"Asus! Iiwan mo lang kami dito eh!" Sabi pa ni Cassy
"Parang ganun na nga! I know kailangan niyo ng time para mag-usap na dalawa" sagot ko.
"Thank you meme" pasasalamat ni Jon. Tumango lang naman ako sa kanya.
"Hoy sis! Dito ka muna!" Pigil naman sa akin ni Cassy. Umiling naman ako
"No! Makakaabala lang ako sa inyo!" Sagot ko sa kanya. 
"Atsaka wala akong balak na panoorin kayo! Naiinggit lang ako" dagdag ko pa. Dahilan para napatawa sila
"Konting tiis na lang! Makakasama mo na siya bukas" nakangiting sabi niya.
"Tama ka" sagot ko saka tuluyang umalis. 
'Makakasama ko na ulit sila bukas'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon