CHAPTER 86

63 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V

"Hi Baby! Good morning!!"bati ko sa kanya pagkapasok ko sa kwarto niya. Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Hay! Grabe talaga itong baklang ito!!
"Good morning din Alex!! Kahit hindi kami ang binati mo"sagot naman ng mga beks. Nginitian ko naman sila 
"Hehehe, sorry! Good morning pala"nahihiyang bati ko. Tumango lang sila at bumalik na ulit sa pag-aayos ng gamit. Ngayon kasi ang labas ni MM sa hospital. Naglakad naman ako palapit kay MM at niyakap siya mula sa likod.
"Hi Baby! Bakit di mo ako pinapansin? Di mo ba ako namiss?"paglalambing ko pa sa kanya. Agad naman niyang tinanggal ang kamay ko at humarap siya sa akin.
"Pwede ba! Agang-aga nang bubuwesit ka na naman! At anong namiss ka diyan? Eh Wala pang isang oras kang nawawala! So paano kita mamimiss diyan! Aber? Babaeng ito!!"pagtataray pa niya. Napanguso na lang ako
"Aww! Hindi mo pala ako namiss! Samantalang ako kahit isang segundo palang na hindi kita nakikita! Namimiss na kita!"malungkot na sabi ko.
"Naku! Naku! Tigilan mo ako sa kakaganyan mo! Kaloka ka! Pero maiba! Wala ka bang ibang ginagawa? At lagi kang narito? Wala ka bang trabaho?"pagtatanong niya.
"May trabaho naman ako! Kaso gusto kong bantayan at alagaan ka! Atsaka hindi pa ako makakapagsimula no! Kasi iyong partner ko wala pa!"sagot ko naman. Inrapan lang naman niya ako
"Ewan ko sayo! At hindi mo naman ako kailangang alagaan at bantayan! Kasi okay na ako! Sa totoo nga niyan lalabas na ako eh! Kaya no need ng puntahan mo pa ako"sabi naman niya. Hahaha! Natawa naman ako doon
"Wala kang magagawa kung gusto kitang bantayan at alagaan! Dahil iyon ang gusto ko! At sa sinabi mo naman na hindi na kita kailangang puntahan! Tama ka naman! Hindi na nga kita kailangang puntahan pa-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumabat na siya
"Hay buti naman! Matatahimik na ang buhay ko!"sabi pa niya. Lalo naman akong natawa
"Hahahaha katawa ka!!!"natatawang sabi ko pa. Oo nga pala! May amnesia ito!!
"At bakit ka naman tumatawa aber?"tanong niya, taray talagang nakataas pa ang kilay eh!!
"Nakakatawa ka kasi! Akala mo naman na hindi mo na ako makikita! Pwes!! Sinasabi ko sayo! Araw-araw mo parin ako makikita! Kaya hindi mo ako mamimiss!!"sagot ko naman. Napakunot naman ang noo niya
"Anong ibig mong sabihin? Araw-araw parin kitang makikita?"tanong niya
"Yap! Araw-araw tayong magkakasama! Araw-araw!! Gabi-gabi"nakangiting sagot ko.
"No!!! Hindi mangyayari iyon! Hindi ka makakapasok ng bahay ko!! Hindi ka welcome doon"sigaw naman niya sa akin. Dahilan para matawa kaming lahat ng nasa loob.
"Hahaha! Patawa si meme! Hindi ka daw welcome sa bahay niya Alex!! Hahaha"tawang-tawang sabi ni Rhian.
"True!! Ang sakit ng tiyan ko dahil sa joke niya!! Hahahaha"sabi naman ni RC.
"At sino namang may sabi sa inyong nagpapatawa ako aber? Seryoso ako no?"sabi pa niya. Lalo naman nagtawanan ang tatlo.
"Hahaha! Meme! Malabong mangyari iyon! Malabong hindi siya makakapasok sa bahay mo!"natatawang sabi naman ni Jon. 
"At bakit hindi? Bahay ko iyon no? Kaya may karapatan akong pagbawalan ang ayaw kong pumasok sa bahay ko!"pagtataray pa niya.
"Talaga lang ha?"
Napalingon naman kami sa nagsalita, si ate cassy!
"Oh? Nandito ka din"nakasimangot na sabi pa ni MM.
"Yap! Namiss kasi kita Sis eh! Tapos nalaman ko na ngayon pala ang labas mo"nakangiting sabi pa ni Ate Cassy. Inirapan lang siya nito.
"Taray! Pero balik tayo sa pinag-uusapan niyo! Ano itong narinig ko na wala kang balak na papasukin si Alex sa bahay niyo!"sabi pa ni ate Cassy.
"Anong bahay niyo ka diyan! Bahay ko lang iyon!! Ako ang gumastos doon no! Kaya paano naging kanya iyon?"mataray na sabi pa niya.
"Kakasabi mo lang noon sa akin na sa inyo iyong bahay na iyon eh!"sagot naman ni ate Cassy.
"Wala akong natatandaan na sinabi ko iyon!"sagot naman ni MM
"Kasi nga wala kang naalala!"sabay-sabay na sabi pa nila. Napailing na lang ako, hay!
"Tama na iyan! Hayaan niyo na siya guys! Maalala din niya iyon! Mabuti pa ay umalis na tayo"pag-aaya ko.
"Anong tayo? Ako lang ang uuwi! Hindi kayo kasama!"matigas na sabi naman ni MM. 
"Sa ayaw at gusto mo! Sasama kami! At wala kang magagawa doon!"pagtataray ko sa kanya.
"Okay lang naman sa akin na sumama sila! Pero hindi ka kasama!"sagot naman niya sa akin. Inirapan ko lang siya
"Hay! Ewan ko sayo! Ayaw ko ng makipagtalo sayo! Mabuti pa ay tara na! Umuwi na TAYO sa BAHAY NATIN!"may diin na sabi ko, sabay taas ng susi ng bahay niya. Kita ko namang nanlaki ang mata niya.
"Paano iyan napunta sayo?"gulat tanong niya. Ngumiti lang ako
"Binigay mo sa akin! Kaya tara na! Huwag ng maraming tanong Baby!"sagot ko sabay kindat sa kanya. Mauuna na sana akong maglakad ng may nakalimutan akong sabihin sa kanya.
"Ay oo nga pala!"sabi ko pa sabay harap ulit sa kanya.
"Ano iyon?"tanong niya
"Nakalimutan ko lang sabihin na MAGKASAMA PALA TAYO SA BAHAY!!! Baka kasi magulat ka at doon ako nakatira!"nakangiting sagot ko 
"Ano?????!!!!!"gulat na sigaw niya. Natawa na lang ako, hahaha
"Bye Baby!! Kita na lang tayo sa BAHAY NATIN!"paalam ko pa at natatawang naglakad palabas. Nakakatawa talaga ang mukha niya, hahahaha!!!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon