CHAPTER 70

70 6 0
                                    

MM'S P.O.V

"Saan mo ba ako dadlhin? Bakit kailangan may ganito pa?"tanong sa akin ni Alex habang nakapiring siya. 
"Basta nga! Surprise nga kasi iyon! Kaya wait ka lang"sagot ko, habang nagdadrive.
"Surprise! Surprise! Dami mong alam!"pagtataray naman niya. Napangiti na lang ako..Bakit ba ang taray nito sa akin ngayon?
"Meron ka ba ngayon?"biglang tanong ko.
"Siraulo ka! Buwesit ka! Pasalamat ka nakapiring ako! Kung hindi pinaghahampas na kita ngayon"sagot naman niya sa akin. Natawa na lang ako at nagdrive na lang ulit. Mukhang badtrip ang baby ko ngayon ah! Pero sigurado ako mawawala ang badtrip niya kapag nakita niya ang supresa ko. 
"Malayo pa ba?"pagtatanong pa niya.
"Nope! Actually nandito na tayo"sagot ko at inihinto ang sasakyan. 
"Wait ka lang!"sabi ko pa at lumabas na ng sasakyan. Agad ko din naman siyang pinagbuksan.
"Dahan-dahan lang! Hawak ka lang sa akin"bilin ko pa sa kanya. 
"Nasaan na ba talaga tayo?"tanong niya ulit. 
"Basta nga! Magtiwala ka lang! Sigurado ako magugustuhan mo ito"nakangiting sagot ko. Habang inaalalayan siya..dito ko siya dinala sa secret place namin. Pinasadya kong pailawan ang buong paligid. Ang tagal kong pinaghandaan ito.
"Okay baby! 1...2...3..!! Surprised!!"sabi ko sabay tanggal ng piring niya. Kita kong nagulat siya..
"Ano ito? Para saan ito?"naiiyak na tanong niya. Ngumiti naman ako, 
"Di ba sabi ko sayo? Kaya kong higitan ang ginawa noong Justine na iyon doon sa movie"sagot ko. Iyak lang naman siya ng iyak kaya lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya.
"Sshhh...hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka umiiyak?"tanongko pa. Umiling lang naman siya at yumakap sa akin.
"Nagustuhan ko...pero hindi mo na dapat ginawa ito"sabi pa niya. Tumingin naman ako sa kanya at umiling
"No! Gusto kong gawin ito para sayo! Gusto ko iparamdam sayo, kung gaano ka kaspecial at kahalaga sa akin."seryosong sagot ko sa kanya. Lalo naman siyang napaiyak..
"Baby may problema ba?"tanong ko pa. Umiling naman siya..at yumakap lang ulit sa akin. Nagtaka naman ako...bakit parang nakaramdam ako ng kaba..
"Di ko deserve ito MM"umiiyak na sabi niya, kunot-noo naman akong tumingin sa kanya. Patuloy lang siya sa pag-iyak..
"Sorry"sabi pa niya, 
"Teka! Ano bang pinagsasabi mo? May problema ba? Bakit ka nagsosorry?"naguguluhang tanong ko sa kanya. Kumalas naman siya ng pagkakayakap sa akin. 
"Sorry talaga! Di ko sinasadya! Di ko gusto paasahin ka!"naiiyak na sabi pa niya. Kahit gulong-gulo ako ay pinilit ko paring maging kalmado. Kahit nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko.
"Baby! Anong ibig mong sabihin?"tanong ko pa, kahit may pakiramdam na ako kung ano talaga ang nangyayari. Ayaw ko lang talagang tanggapin
"Sorry! Sorry! "Hinging paumanhin niya lang habang umiiyak. 
"Ano ba Alex!! Puro ka sorry! Hindi kita maintindihan! Ano bang nangyayari?"hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Kita ko namang nagulat siya, kaya kaagad ko siyang niyakap.
"Sorry! Baby! Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses"hinging paumanhin ko pa. Tinulak naman niya ako palayo sa kanya. Takang-taka naman akong tumingin sa kanya. Ano ba talagang nangyayari? Okay naman kami ah? Pero ano ito?
"Ako dapat ang humingi ng tawad sayo MM. Sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi ko gustong saktan ka! Hindi ko gustong paasahin ka! Kaya patawarin mo ako. Patawarin mo ako!"umiiyak na sabi pa niya at akmang luluhod. Agad ko naman siyang pinigilan..
"No! Huwag mong gagawin iyan!"pigil ko sa kanya.
"MM sorry! Pero hindi kita kayang mahalin! Katulad ng pagmamahal ko Kay Tyrone"
Paran namang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi niya. At kusang tumulo ang mga luha ko na kanina pang nagbabadya. Nakatulala lang ako sa kanya, at hindi makapagsalita. Sabihin niyong joke lang ito di ba? Hindi totoo iyon di ba? Di ito totoo!
"Baby! Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo? Nagjojoke ka ba?"tanong ko habang pilit na pinatatatag ang sarili ko. Umiling naman siya, at akmang hahawakan ako.
"Teka!"pigil ko sa kanya.
"Sabihin mo munang nagbibiro ka lang di ba?"tanong ko pa habang patuloy na tumutulo iyong luha ko.
"Sorry! Sorry! Patawarin mo ako! Hindi ko gustong saktan ka!"sabi pa niya. Pinahid ko naman ang luha ko at napangiti ng mapait.
"Hindi mo ako gustong saktan? Eh ano itong nararamdaman ko! Bakit nasasaktan ako? "Tanong ko sa kanya. Habang patuloy na umiiyak. Ang bakla nito!
"Sorry! Patawarin mo ako! Pero mahal ko parin siya eh! Mahal ko parin si Tyrone"sabi pa niya. Tuluyan naman akong napaluhod sa lupa habang umiiyak. Parang pinupunit iyong puso ko. Ang sakit! Hindi ko kaya ang sakit! 
"Bakit siya parin? Sinaktan ka na niya di ba? Bakit siya parin? Bakit hindi na lang ako?"tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot tanging iyak lang niya ang naririnig ko.
"Bakit ang unfair mo! Ginawa ko naman lahat para sayo ah! Pero bakit siya parin ang pinili mo? Sinaktan ka niya! Niloko! Pero bakit siya parin! Ang daya naman! Bakit di na lang ako? Ako na lang ang piliin mo! Please!"patuloy na sabi ko pa.
"Sorry"tanging iyon lang ang narinig ko sa kanya. 
"Tama na please! Ayaw ko ng marinig ang sorry mo! Ang gusto kong marinig ay sabihin mong ako ang pinipili mo"sabi ko pa. Umiling naman siya habang umiiyak lang.
"Please! Baby! Ako na lang ang piliin mo! Ako na lang!"pagmamakaawa ko pa.
"Sorry"sabi pa niya at nagtatakbo ng paalis. Agad naman akong tumayo para habulin siya, 
"Ale-"natigilan ako ng makita kong magkayap sila ni Tyrone. Napangiti na lang ako ng mapait, at tila tulad sa isang eksena sa pelikula. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbuhos ng ulan.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon