MM'S P.O.V
Dahil nga sa nangyari kanina, hindi ko muna naituloy ang Plano kong kausapin at gantihan siya. Tahimik lang kaming dalawa at hindi nagpapansinan. Ni hindi nga kami nagtitinginan eh! Nasa sasakyan kami, pauwi kasama ang tatlong beks. Buti na nga lang at kasama namin sila para hindi masyadong ackward.
"Anong nangyayari? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik niyong dalawa"tanong naman ni Rhian sa amin. Napalingon naman kami sa kanya
"Oo nga! Kanina ko pa din iyan napapansin. Ni tingnan nga ang isa't-isa hindi nila magawa eh."pagsang-ayon naman ni RC. Habang nakatingin sa amin, na akala mo ay sinusuri kami.
"Dahil ba ito sa kiss niyo kanina? Hindi parin ba kayo makaget-over?"tanong naman ni Jon, agad naman akong umiling.
"Hindi ah!"sabay na sagot namin, dahilan para magkatinginan kami. Pero kaagad din kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.
"Eh bakit kayo ganyan?"tanong pa nila.
"Wala!"sabay ulit naming sagot.
"Huwow naman!! Ano ito sabayang pagbigkas? Anyayari ba ha?"pag-uusisa pa ni RC. Tiningnan ko naman siya sabay iling.
"Wala nga!"sagot ko pa, pero halata namang hindi sila kumbinsado.
"Anong wala? Maniwala kami sa inyo! Eh halata namang may kakaiba sa inyo"sabi pa ni Rhian.
"Oo nga! Lalo ka na meme! Kanina ka pa ganyan! Daig mo pang nakakita-"hindi ko an naman pinatapos ang sasabihin ni Jon dahil kaagad akong sumagot.
"Hoy! Wala akong nakita ha! Promise! Wala na talaga akong nakita! Wala talaga!"pagtanggi ko pa, na may kasama pang iling. Kita ko namang napakunot-noo lang iyong tatlo, na nakatingin sa akin.
"Ha? Anong sinasabi mo meme? Ano iyong nakita mo?"pagtatanong pa ni Jon. Kita ko namang nakatingin din sa akin si Alex.
"Anong nakita ka diyan? Sabi ko di ba? Wala akong nakita no? Hindi ko talaga nakita? Nagulat lang talaga ako! Iyon lang"sagot ko pa.
"Ha? Teka nga! Ano ba iyang pinagsasabi mo meme? Wala kaming maintindihan eh"pagtatanong pa ni RC. Doon naman ako natauhan, ay! Mali!
"Ha? Wala! Kalimutan niyo na"sagot ko.
"Ano ba kasi iyon? Ano ba talagang nangyari sa inyo?"tanong pa ulit nila.
"Wala nga! Bakit ang kulit niyo!"kunwari ay naiinis na sagot ko.
"Naman eh! Dali na sabihin niyo na! Huwag na kayong mahiya!"pangungulit pa ni Jon. Pero hindi ko naman sila pinansin. Nanahimik naman sila, hay salamat! Pasimple naman akong tumingin Kay Alex na nakatingin din sa akin. At tulad kanina, agad din siyang umiwas.
"Ang damot nila no! Marunong na silang magsikreto sa atin"pagpaparinig pa ni Rhian.
"Oo nga! Pero ano sa tingin niyo kaya ang nangyari?"rinig ko pang tanong ni RC. Nakatingin lang ako sa kanila at nakikinig.
"Wala akong ideya eh! Pero di ba kanina ng dumating tayo, nakasandal lang sa sasakyan si meme tapos nakahawak sa dibdib niya? Iyong parang may nakita"rinig kong sagot pa ni Jon. Kita Kong nagkatinginan silang tatlo, na animo'y nag-uusap. Medyo kinabahan naman ako, parang gets na nila ah! Huwag naman sana!
"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?"tanong pa ni Jon, tumango naman ang dalawa. Napalunok na lang ako, patay!
"Oo"sagot pa ng dalawa, hindi na naman ako nakatiis.
"Hoy! Makapag-usap kayo ha! Sasabihin ko lang sa inyo na naririnig namin kayo!"sigaw ko pa sa kanila. Tumingin naman sila sa akin tapos ngumisi.
"Oh anong ngini-ngisi niyo diyan ha!?"tanong ko pa,
"Wala naman! May naisip lang kami"sagot pa nila.
"At ano naman iyong naisip niyo?"tanong ko ulit. Pero kinakabahan na talaga ako, kilala ko mga ito! Matalino sila!
"Naisip lang namin meme na, may naganap na kakaiba kanina. Bago kami dumating"nakangiting sagot ni RC.
"Ang kulit niyo din no! Sabing wala nga di ba!"pagtataray ko pa.
"Huwag kami meme! Hindi kami naniniwala!"sabi naman ni Rhian. Inirapan ko lang naman sila,
"Bahala kayo! Ewan ko sa inyo!"sabi ko pa.
"Asus! Pero meme may itatanong kami sa iyo"sabi naman ni Jon. Tumingin naman ako sa kanya
"Ano iyon?"tanong ko.
"Itatanong ko lang sana kung...."nagkatinginan naman sila tapos ngumiti.
"Kung ano?"tanong ko..
"Kung wala ka nga ba talagang nakita?"tanong pa niya, nanlaki naman ang Mata ko dahil sa tanong niya.
"Wala nga di ba? Wala akong nakita kanina no! Bakit ba ang kulit niyo! Wala akong nakita!! Atsaka kaagad ko din namang sinaruduhan ang pinto ah!"pasigaw na sagot ko. Huli na bago magsink-in sa akin na pakana lang nila iyon para hulihin ako. Buwesit!!!
"Hahahaha!! Confirmed!!! May nangyari nga!!"sabay-sabay pa nilang sabi.
"Mali!! May nakita nga!!"sabi pa nila, sabay tawa ng malakas. Kainis!!!! Naisahan ako doon ah!!!-