ALEX'S P.O.V
Tulad nga ng napag-usapan namin, after naming magbreakfast ay nagdiretso kami sa paborito kong tambayan. Malapit lang ito sa amin, konting lakarin lang, mararating muna ito kaagad. Sa totoo niyan namiss ko ang lugar na ito. Ang tagal ko din hindi nakapunta sa lugar na ito. Buti na lang at hindi napabayaan, still maganda parin.
"Sa inyo din ba ito?"biglang tanong sa akin ni MM.
"Oo! Binili siya ni mama at papa ng malaman na gustong-gusto ko ang lugar na ito"nakangiti Kong sagot. Tumango lang siya at tumingin-tingin na ulit sa paligid. Hinila ko naman siya doon sa may kubo.
"Namiss ko talaga dito"nakangiting sabi ko pa, ngumiti lang naman siya at naupo.
"Dito ka ba lagi tumatambay ng bata ka?"pagtatanongnaman niya. Tumango naman ako
"Oo!"sagot ko.
"Dami Kong magagandang ala-ala dito! Lalo na sa punong iyon"sabi ko pa sabay turo doon sa puno ng mangga. Agad din naman niya itong tiningnan. Kita ko naman napakunot ang noo niya.
"Doon?"tanong pa niya
"Oo! Doon!"agad na sagot ko.
"Ha? Bakit naman doon? Anong meron sa punong iyon? Huwag mong sabihin na umaakyat ka doon?"tanong pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Tama ka! Doon ako madalas umaakyat kapag nagpupunta ako dito. Iyan mismo ang tambayan ko dito. Bukod sa kubong ito"nakangiting sagot ko. Hindi makapaniwalang tumingin naman siya sa akin.
"Seryoso ka? Doon talaga?"paninigurado pa niya. Tumango naman ako
"Oo nga! Bakit parang gulat na gulat ka? Huwag mong sabihin na hindi ka marunong umakyat ng puno?"pagtatanong ko sa kanya, umiwas naman siya ng tingin sa akin
"Hindi ah! Magaling kaya ako umakyat sa puno"sagot naman niya, tiningnan ko naman siya na parang sinusuri ko. Talaga lang ha? Tingnan natin!
"Talaga? Umakyat ka nga doon!"paghahamon ko sa kanya. Kita ko namang nanlaki ang Mata niya.
"Ano?"gulat na sabi niya, tinaasan ko lang naman siya ng kilay.
"Oh bakit? Di ba sabi mo magaling kang umakyat? Kaya sige nga! Patunayan mo. Kuha mo akong mangga"utos ko pa.
"Pero-"
"Natatakot ka ba?"pagtatanong ko pa. Umiling naman siya,
"Hindi ah! Iyan lang eh! Madali lang iyan!"pagyayabang pa niya.
"Yun naman pala eh! Eh di go! Umakyat ka na!"utos ko ulit. Kita ko namang napahinga siya ng malalim habang nakatingala sa puno. Napangiti na lang ako, halata namang natatakot siya eh, ayaw niya lang aminin.
"Oh! Ano pang hinihintay mo! Umakyat ka na!"pagtataboy ko pa sa kanya. Sinamaan lang naman niya ako ng tingin
"Sandali! Huwag kang manulak! Heto na nga! Aakyat na!"napipilitang sabi pa niya. Inirapan ko lang siya at naupo na lang.
"May panguha naman! Bakit kailangan pang umakyat"rinig kong reklamo pa niya. Natawa naman ako
"May sinsabi ka ba baby?"pang-aasar pa.
"Wala!"agad na sagot niya at umakyat na lang sa puno. Gusto ko namang tawanan siya, sa itsura niya ngayon. Naisip ko namang kunan siya ng video. Kaya agad kong nilabas ang cp ko at kinuhan siya.
"Go lang baby! Kaya mo iyan!"cheer ko pa sa kanya, habang binevideohan siya.
"Che! Ang dulas ng puno na ito! Ang hirap akyatin!"reklamo niya.
"Hahaha, sabihin mo lang na hindi ka talaga marunong umakyat ng puno!"sigaw ko sa kanya. Hahaha, nakakatawa talaga, kapit na kapit siya sa puno.
"Marunong ako no! Sadyang madulas lang itong puno na ito!"ganting sigaw niya habang iaabot iyong mangga. Napailing na lang ako, at itinago na ulit ang cp ko.
"Talaga? Check ko nga!"sigaw ko din at naglakad papunta sa puno.
"Teka! Anong gagawin mo?"tanong niya sa akin.
"Aakyat diyan!"balewalang sagot ko. At nagsimula ng unakyat ng puno.
"Hey! Teka lang sandali! Madulas nga ang puno! Baka mahulog ka!"pigil niya pa sa akin. Pero hindi ko lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat.
"Ang kulit mo talaga! Mag-ingat ka!"sabi na lang niya.
"Opo! Mag-iingat ako"sigaw ko sa kanya. Agad din naman akong nakarating sa puwesto niya.
"Madulas daw eh"pagpaparinig ko pa. Natawa na lang siya
"Madulas naman talaga eh!"katwiran pa niya. Ngumiti lang ako sa kanya
"Okay lang iyon! Kanina ko pa naman alam na hindi ka talaga marunong umakyat eh!"sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Nakakahiya kasi! Ikaw na babae ang galing-galing mo! Tapos-"
"Okay nga lang! Ang cute mo kaya!"nakangiting sabi ko pa.
"Ah wait! Picture tayo!"sabi ko pa sabay labas ng cp ko. Napangiti naman siya, ako na iyong lumapit sa kanya.
"Say cheese!!"sabi ko pa sabay click.
"Ang cute!"tuwang-tuwang sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture namin. Lalo pa akong lumapit sa kanya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Sana ganito na lang tayo no?"sabi pa niya sabay halik sa noo ko. Napangiti na lang ako..
'Sana nga'