CHAPTER 25

126 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
After ng aksidenteng iyon sa sasakyan, hindi parin kami nag-uusap. Nagpapansinan naman kami, at nag-uusap kung tungkol lang sa trabaho. Pero hindi tulad ng dati na kukulitin ko siya, ganun! Ang ackward kasi. Sa loob ng tatlong araw wala talaga kaming pansinan. Buti na nga lang at pahinga day niya, kaya hindi rin gaano kailangan na kausapin ko siya at kausapin niya ako. At buti na lang din at nandito ang mga beks. 
"Hanggang nagyon hindi parin kayo nag-uusap?"biglang tanong ni RC, kaya napatingin naman ako sa kanya, sakto din na pagtingin niya. Kaya nagkatinginan kaming dalawa. Ako na ang unang umiwas
"Hindi niyo na kailangang sagutin! Halata naman!"sabi pa niya. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa TV. Nagmomovie marathon kasi kami ngayon, wala kasing ganap ngayon kaya pahinga-pahinga din.
"Ay! Nakalimutan pala ko na may pupuntahan pa pala kami! Di ba mga bakla?"biglang sabi pa ni Jon sabay tayo. Napalingon naman ako sa kanila
"Ay oo nga pala! Buti na lang naalala mo iyon!"sagot naman ni Rhian sabay tayo din. Tumayo na din naman si RC.
"Meron ba tayong lakad ngayon?"kakamot-kamot na tanong ni RC sa dalawa. Napakunot-noo naman ako habang nakatingin sa kanila. Kita Kong pinandilatan ng Mata ni Jon si RC
"Oo di ba? Nakalimutan mo na ba?"sabi pa niya. 
"Ah! Oo nga pala! Naalala ko na"sagot naman ni RC, napailing na lang ako. Sobrang halata naman kasi sila eh! Mga sira talaga ang mga ito!
"Sige ha! Mauna na kami sa inyo! Kayo na lang dalawa ang manood ng movie. Enjoy!!"paalam pa ni Jon at hinila na ang dalawa paalis. Natahimik naman ang paligid pagkaalis nila. Tanging ang maririnig lang ay ang pinapanood namin. Nakatingin lang ako sa pinapanood namin, ewan ko lang kung ano ang ginagawa niya. Medyo nakaramdam naman ako ng uhaw, magsasalin sana ako ng juice ng sabay namin mahawakan ang pitsel. Nagkatinginan namin kaming dalawa, pero dahil hindi ko kayang tagalan, kaagad Kong binawi ang kamay ko at umiwas sa kanya.
"Sige ikaw na muna"sabi ko pa.
"Hindi ikaw na muna!"sagot naman niya, umiling naman ako
"Hindi ikaw na muna! Go!"sabi ko sa kanya.
"No! Ikaw na muna!"pilit naman niya.
"Hindi nga! Ikaw na muna!"pilit ko din, napailing naman siya at pasimpleng napangiti. Napangiti narin naman ako
"Namiss ko iyong kakulitan mong iyan!"natatawang sabi niya. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ako din! Namiss kita"nakangiting sabi ko. Nagkatinginan naman kami at sabay na natawa. Agad naman siyang lumapit sa akin at umakbay sa akin.
"Hay! Juice lang pala ang kailangan para magkaayos tayo"natatawang sabi pa niya.
"Hahaha! Oo nga!"sang-ayon ko, habang tumatawa parin.
"Pero sorry ha! Sa nangyari!"seryosong sabi niya. Natigil naman ako sa pagtawa at ngumiti sa kanya.
"Okay lang iyon! Aksidente naman kasi iyon! At walang may gusto."nakangiting sagot ko.
"Pero kahit na! Sorry parin"sabi pa niya.
"Oo na nga eh! Atsaka wala ka namang nakita di ba?"pagtatanong ko pa, umiwas naman siya ng tingin.
"Ha? Oo naman!"agad na sagot niya,
"Sigurado ka?"tanong ko pa habang hinuhuli ang Mata niya. Pero Panay iwas naman niya.
"Oo nga! Wala akong nakita"sagot niya. Pero hindi parin siya makatingin sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasang magduda sa kanya.
"Sigurado ka talaga? Wala kang nakita? Iyong totoo?"tanong ko ulit at diretsong tumingin sa Mata niya. Nagbuntong-hininga naman siya.
"Oo na! Sige na! Aamin na!"pagsuko pa niya. Nanlaki naman ang Mata ko dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"gulat na tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya..
"Oo na! Aaminin ko na! Meron akong nakita! Pero konti lang!"nahihiyang pag-amin pa niya. Napatayo naman ako dahil sa gulat,
"Ano?? Ibig sabihin may nakita ka talaga?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya..
"Oo! Sorry"sagot niya sabay peace sign. Napasapo na lang ako sa mukha ko, oh my!! Kakahiya!!
"Uy! Hindi mo naman kailangan mahiya eh! Hindi ko naman masyado nakita! Atsaka hindi rin naman ako interesado no! Walang malisya iyon!"sabi pa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas
"Walang malisya nga! Pero kakahiya parin! Kahit sabihin na bakla ka! Lalaki ka parin"nahihiyang sabi ko pa. Bigla naman siyang tumayo at nakapameywang na humarap sa akin.
"Lalaki talaga? Sa Ganda Kong ito! At huwag kang mag-alala girl! Hindi ako interesado sayo no! Lalong-lalo na sa katawan mo no! Ewww duh!!"maarteng sagot pa niya.
"Ewww talaga? Grabe ka ha! Ako na nga iyong nasilipan! Tapos kung makapagsalita ka! Diyan! Huwag ka ding mag-alala hindi rin ako interesado sayo! Baklang ito!!"sagot ko naman sa kanya. 
"Atsaka maganda ang katawan ko no! Makapagsabi ka ng ewww diyan!!"pagtataray ko pa sabay irap sa kanya. Bumalik na lang ako ulit sa pinapanood ko. Naramdaman ko naman na umabay siya sa akin sabay akbay. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry"nakangiting sabi pa niya habang nakapeace sign.
"Sexy ka naman talaga eh! At maganda pa"dagdag pa niya, kaya napangiti naman ako sa kanya.
"Hayan! Buti't alam mo!"sabi ko pa sabay pisil sa Ilong niya...

-
Good eve guys😊

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon