CHAPTER 91

70 4 0
                                    

MM'S P.O.V
Napahilamos na lang ako ng mukha ko at napaupo pagkaalis ni Alex. Gusto ko siyang habulin para makapagpaliwanag. Pero pininigilan ko ang sarili ko. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko para mapagaan ang pakiramdam niya eh. Baka kung pinilit ko pang magpaliwanag sa kanya! Baka lang lalo ko siyang masakatan. Alam ko naman na kasalanan ko talaga eh! Kasalanan ko! Kaya ngayon umiiyak siya at nasasaktan. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon. Nasaktan ko na naman siya! Pinaiyak ko na naman siya!!
"Kainis ka talaga MM!!! Buwesit ka!!"sabi ko pa habang pinupukpok ang ulo ko. Napahiga na lang ako at pumikit habang umiiyak. Wala akong pakialam kung nakahandusay ako dito. Iyak lang ako ng iyak. Paano ko ba aayusin ito? 
"Sorry Alex! Sorry Baby!"
-

ALEX'S P.O.V
Tanghali na ako nagising, dahil siguro sa kakaiyak ko. Agad akong tumayo at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang panget ko! Gulo-gulo nag buhok tapos mugto pa ang mata. Napasimangot na lang ako at agad na pumasok aa banyo. Nag-ayos muna ako after noon bumaba na ako. Dahan-dahan akong bumaba, at pasilip-silip baka kasi makita ko si MM. Hanggang ngayon kasi nagtatampo pa din ako sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko siya nakita. Siguro may pinuntahan siya, buti naman!. Dire-diretso akong nagpunta sa kusina, para sana ay magluto ng pagkain ko. Pero nagulat na lang ako ng makita kong may nakahanda na doon. Agad ko naman itong nilapitan, puro paborito ko ang lahat ng ito ah! Pero teka! Sinong nagluto ng lahat ng ito? Siya ba? Pero paano niya nalaman lahat ng paborito ko? 
"Nagustuhan mo ba?"
Nanlaki naman ang mata ko at dahan-dahang humarap sa kanya.
"Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya
"Oo! Niluto ko iyan lahat para sayo"nakangiti niyang sagot. Habang naglalakad palapit sa akin. Natigilan na lang ako habang nakatingin sa kanya. Gusto kong magtanong pero tila napako na ang mata ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Sorry! Sorry kung nasasaktan kita! Sorry kung pinapaiyak kita! Sana mapatawad mo ako"hinging paumanhin niya pa. Agad ko naman siyang niyakap. Miss ko na talaga siya! Kahit araw-araw ko siyang nakakasama iba parin! Pakiramdam ko ang layo-layo niya parin sa akin. Gusto ko siya palaging yakapin, halikan pero hindi ko magawa kasi magagalit siya. Ang hirap na hindi ka matandaan ng taong mahal mo! Iyong kahit nasasaktan ka! Hindi ka pwedeng magreklamo. Kailangan tiisin mo na lang kasi mahal mo siya. Iyong wala kang magawa kung hindi ang maghintay na lang na maalala ka na ulit niya.
"Miss na miss na kita!! Please bumalik ka na! Bumalik ka na sa akin!"pakiusap ko pa. Tumingin naman siya sa akin, at pinunasan ang luha ko.
"Nan-"

"Ay sorry!! Nagmoment pala kayo!!"

Sabay naman kaming napalingon kay ate Cassy. 
"Sorru guys!!!"sabi pa niya sabay peace sign pa. At agad naring lumabas. Natawa na lang ako
"Okay na ba tayo? Bati mo na ba ako?"biglang tanong naman niya. Ngumiti naman ako sa kanya tapos ay tumango.
"Oo"sagot ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako.
"Thank you"masayang sabi pa niya. Agad naman akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya
"Oh siya! Tama na ang drama! Puntahan muna natin doon si Ate Cassy. Yayain narin nating kumain, masyadong madami itong inihanda mo eh"pagyaya ko pa sa kanya. Tumawa naman siya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin. Lihim naman akong napangiti, sana maalala na niya ako. Hay!

MM'S P.O.V
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Masaya ako at nagkaayos na kami! Sana nga maging maayos na kami.
"Hoy! Babae! Anong ginagawa mo dito? Agang-aga daot ka!"sigaw ko kay Cassy. Ngumiti lang naman siya at nagpeace sign sa amin.
"Sorry talaga guys!! Hindi ko naman alam eh! Hinahanap ko kasi kayo! Hindi ko naman akalain na nagmomoment pala kayo doon!"paliwanag pa niya. Inirapan ko lang naman siya. 
"Che! Ewan ko sayo! Sabihin mo daot ka talaga!!"sagot ko sa kanya. Rinig ko namang natawa si Alex.
"Hay naku! Tama na iyan! Mabuti pa ay ikain niyo na lang iyan!"pagyaya pa niya. 
"Thanks! Pero kayo na lang! Kakain ko lang kasi! Hintayin ko na lang kayo"sagot naman ni Cassy.
"Sure ka po ate Cassy?"tanong pa ni Alex.
"Sure na sure"sagot naman niya. 
"Oh siya! Ayaw naman pala niya eh! Pabayaan mo na lang! Tayo na lang ang kumain!"pagyaya ko naman kay Alex. Ngumiti naman siya sa akin.
"Okay!"nakangiti niyang sagot. 
"Diyan ka muna po Ate Cassy ha! Kain lang kami"paalam pa niya.
"Okay! Enjoy!"sagot naman ni Cassy. Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla kong binuhat si Alex. 
"Hoy! Ano ba!! Ibaba mo ako!!"pagpupumiglas pa niya. Napangiti na lang ako.
"Hayaan mo na ako!! Enjoyin mo na lang"sagot ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya 
"Mula ngayon aalagaan na kita! Hindi na kita papaiyakin pa"sabi ko pa habang nakatingan sa kanya.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon