MM'S P.O.V
At dahil alam ko na malungkot siya, kaya naisipan ko na pasayahin siya kahit papano. Kaya kahit alam ko na delikado, dahil baka makilala ako. Niyaya ko parin siya papuntang mall, bahala na.
"Uy! Sigurado ka ba dito? Paano kung makilala ka nila?"pagtatanong pa niya habang hila-hila ko siya.
"Huwag kang mag-alala! Okay lang iyan! Mag-iingat naman ako eh"paninigurado ko sa kanya.
"Bahala ka! Pero ano naman ang gagawin natin dito?"tanong ulit niya. Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Kahit ano! Kung ano ang gusto mo"sagot ko, medyo nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Talaga? Bakit bigla ka namang bumait ngayon?"pagtatanong pa niya, ngumiti naman ako sa kanya.
"Huwag mo ng itanong! Sulitin mo na lang okay!"sabi ko pa sabay hila ulit sa kanya. Gusto ko lang siyang mapasaya ngayon. Alam ko kasi ang pakiramdam na binabalewala. At alam Kong nasasaktan siya ngayon, siraulo kasi talaga itong si Tyrone eh! Kapag nagkita talaga kami, sasapakin ko iyon! Ng matauhan.
"Wait lang! Hila ka ng hila eh! Kapagod kaya!"pigil niya sa akin. Huminto naman ako..
"Eh saan mo ba gustong pumunta?"tanong ko pa sa kanya. Agad naman niyang nilibot ang paningin niya sa mall.
"Wala akong maisip eh"sagot niya,
"Movie? Gusto mo manood?"tanong ko.
"Pwede rin"sagot niya
"Pero mukhang ayaw mo naman eh! Ano ba talaga ang gusto mong gawin? Ano ba iyong Magpapasaya sayo?"tanong ko ulit. Nag-isip naman siya, at habang nag-iisip siya nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. At may isang tao na hindi ko inaasahang makita. Napatingin naman ako kay Alex na nag-iisip parin. Kita ko namang napalingon siya malapit sa kinaroroonan ni Tyrone. Yes tama kayo! Si Tyrone ang nakita ko kasama ang isang babae na hindi ko masyadong mamukaan.
"Alex Tara na! Doon tayo"pagyaya ko sa kanya. At hinila siya para mailayo ng hindi niya makita ang siraulo niyang bf. Pero pinigilan niya ako, kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin pero kita ko iyong lungkot sa Mata niya.
"Bakit?"tanong ko.
"Hindi mo na naman kailangan ilayo ako!"malungkot na sabi niya, sabay lingon sa kinaroroonan nina Tyrone. Nagulat naman ako..
"Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ko. Parang gusto Kong hampasin ang sarili ko, ikaw kaya iyong makita ang bf mo na may kasamang iba, tingin mo magiging okay ka lang?
"Okay lang ako!"sagot niya, pero alam ko naman na hindi talaga siya okay.
"Gusto mo bang lapitan ko siya? Sasabihin ko kasama kita"pagtatanong ko pa. Pero umiling naman siya.
"Hindi na! Kita mo naman na may kasama siya di ba?"malungkot na sabi pa niya. Lalo naman akong naawa sa kanya, alam kong pinipigilan lang niyang hindi maiiyak eh.
"Pero mal-"hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Umuwi na lang tayo please!"pakiusap pa niya. Tumango naman ako at niyakap siya.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para maibsan iyang nararamdaman mo. Pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako. Hindi bilang boss mo kung hindi bilang kaibigan mo"sabi ko pa sa kanya. Hindi naman siya umimik pero ramdam kong umiiyak siya. Nakayakap lang siya sa akin.
"Shhhh...tahan na! Uuwi na tayo"sabi ko pa. Tumingin lang siya sa akin at pilit na ngumiti.
"Salamat"sabi pa niya, kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang luha niya.
"Huwag ka ng umiyak..lalo ka kasing pumapanget eh"pagbibiro ko pa. Napangiti naman siya at hinampas ako.
"Hayan! Nakangiti ka na! Huwag ka ng umiyak diyan! Sayang lang ang luha mo"sabi ko pa. Yumakap naman ulit siya sa akin.
"Salamat talaga ha!"sabi pa niya.
"Wala iyon! Minsan ko na rin naman naranasan iyan eh! Kaya alam ko kung ano ang pakiramdam ng ganyan"sabi ko pa. Tumingala naman siya sa akin
"Talaga ba? Paano mo kinaya?"tanong pa niya.
"Madali lang! Sinabi ko lang sa sarili ko na masyado akong maganda para iyakan siya"sagot ko naman. Natawa naman siya..
"Sira! Ewan ko sayo"sabi pa niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Natawa naman ako at hinawakan ang kamay niya.
"Look oh! Ang sweet nila no?"
"Oo nga! Bagay na bagay sila"
Nagkatinginan naman kaming dalawa.
"Napagkamalan pa tayong magjowa"natatawang sabi ko sa kanya.
"Oo nga! Kaloka! Kung alam lang nila"natatawangsabi din niya. Napailing na lang kami pareho at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Mga tao nga naman sa mundo oh!-