CHAPTER 155

47 6 0
                                    

CHAPTER 155
ALEX'S P.O.V
Gusto ko sanang matawa sa mukha ni MM. Kulang na lang pagsabitan ng hanger ang nguso niya sa sobrang haba. At alam ko kung bakit ganyan iyan! Una! Nagfailed ang Plano niya! Pagkatapos ngayon naman! Wala siyang nagawa ng kunin nina mama si Baby Sofia. Sila na muna daw ang bahala! Kaya ngayon! Heto siya! Hindi maipinta ang mukha!
"Baby ko...Dali na! Bawiin na natin si baby Sofia sa kanila! Baka lamugin lang nila siya eh!"pilit pa niya. Kaya hinawakan ko ang mukha niya para iharap sa akin.
"Hayaan na natin si Sofia doon! Tulog na siya eh! Kawawa naman kung maaabala pa ang pagtulog niya."sagot ko. Pero lalong humaba ang nguso niya at padabog na umalis sa Kama at naglupagi sa sahig.
"Naman eh! Anak natin iyon! Tapos hindi natin siya kasama!"reklamo pa niya. Kaya tumayo na ako para puntahan siya.
'Hay naku! Ano ba naman ito!? Mas mahirap pa siyang alagaan kaysa kay baby eh!'
"Tumayo ka na diyan! Tara na sa Kama!"pag-aaya ko pa sa kanya. Umiling naman siya
"Ayaw!! Kunin mo na natin si baby doon!!"sagot niya. Kaya napailing na lang ako
"Hay naku MM! Para ka talagamg bata diyan!"reklamo ko pa. 
"Tara na kasi!! Bawiin natin ang anak natin sa kanila!"pagyaya pa niya.
"Hindi na nga kasi! Tulog na doon si baby!"sagot ko pa. Lalo naman siyang sumimangot at parang batang nag-aatungal
'Paano ba ito? Paano ko ba papatigilin ito?'
"Baby ko.."malambing na pagtawag ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinapansin.
"Baby ko..pansinin mo naman ako! Tayo na nga lang ang nandito sa kwarto natin tapos hindi mo pa ako papansinin"sabi ko pa. Pero deadma lang siya. Kaya tumayo na lang ako at naglakad papunta sa Kama.
"Hay! Sayang naman! Dalawa lang tayo oh! Wala si baby! Pero hindi mo naman ako pinapansin! Okay lang! Matutulog na lang ako"sabi ko pa at himiga na sa Kama. Bumilang naman ako sa isip ko, dahil sigurado ako, tatayo iyan!!
'1...2...3'
"Uy! Pamaya ka na matulog! Sulitin muna natin itong pagkakataong ito!"sabi pa niya sa akin. Kaya lihim akong napangiti, sabi ko sa inyo eh. Humarap naman ako sa kanya.
"Akala ko ba nagtatampo ka?"tanong ko pa. Agad naman siyang umiling, 
"Hindi ah! Bakit naman ako magtatampo"sagot niya sabay ngiti. Natawa na lang ako,
"Asus! Sa galing! Matulog na nga tayo"yaya ko sa kanya. Umiling naman siya
"Pamaya na! Sulitin muna natin itong pagkakataong ganito! Na tayo lang sa kwarto..wala si baby.."nakangising sabi pa niya. Kaya hinampas ko siya ng mahina.
"Kaloka ka! Pag sa ganyang usapan ang galing mo talaga!"sabi ko pa sa kanya. Ngumiti lang naman siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Dali na! Sayang naman ang moment oh!"bulong pa niya. 
"Sira! Ang hilig mo talaga! Magtigil ka nga diyan! Hindi pa magaling ang sugar ko no!"sagot ko. Ngumisi lang naman siya.
"Okay lang iyan!...mag-iingat ako"sagot pa niya. Kaya tinulak ko siya, pero hindi siya natinag.
"Baliw!!! Tumigil ka nga diyan! Matulog na tayo!"saway ko sa kanya. Pero ngumuso lang siya.
"Dali na! Kahit isa lang!"pilit pa niya sabay lapit ulit. 
"Aya-"hindi na ako nakatapos ng sasabihin ng bigla niya akong hinalkan. Kahit gusto ko siyang itulak, pero nadala na ako. Unti-unti na akong tumugon sa halik niya....
"Tok...tok...tok..."
"MM may kumakatok"sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang naririnig. Kaya tinulak ko siya
"What???"inis na sabi niya. Tinuro ko naman ang pinto.
"Tok...tok..tok..tok..."
Padabog na tumayo naman siya at nagpunta sa may pinto.
"Buwesit!!"rinig ko pang reklamo niya. Kaya natawa na lang ako, pamilyar ang pangyayaring ito ah!
"Kanina pa ako katok ng katok ah!! Bakit ang tagal niyong buksan ang pinto!!!?"pasigaw na tanong ni Nanay. Kaya agad din akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Sorry po! Nakatulog lang po kami"pagsisinungaling pa ni MM.
"Asus! Nakatulog o...may ginagawa?"tanong pa ni Nanay. 
"Hindi po! Teka nga po..bakit po kayo naparito? Eh nasa inyo na po si Baby Sofia ah!"tanong pa ni MM. Ngumiti naman si Nanay.
"Wala lang naman! Kilala ko na kasi kayo eh! Alam kong may kalokohan na naman kayong gagawin! Kaya heto nandito ako! Para istorbohin kayo! Galing ko di ba?"nakangisingsagot ni Nanay sabay takbo.
"Nay!!!!"inis na sigaw ni MM. Natawa na lang ako
"Hoy anak! Paalala lang! Baka magising si Sofia! Atsaka matulog na kayo! Hayaan mo munang makabawi si Alex ng lakas! Hindi iyong pinghihinain mo pa lalo!"bilin pa niya saka tuluyang umalis. 
"Buwesit!!! Kainis!!!"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon