CHAPTER 44

106 8 0
                                    

MM'S P.O.V 
Kahit late na kami nakauwi, maaga pa din akong nagising ngayon. May photoshoot kasi ako ngayon kasama si Cassy. After kong mag-ayos ay agad na akong bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si Alex na naghahanda ng almusal namin. Tumingin siya sa akin pero kaagad din umiwas. Tahimik lang akong lumapit, gustuhin ko man siyang kausapin, pero nahihiya ako. After ng nangyari kagabi, hindi parin kami nakakapag-usap. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko eh. Dahil kahit ako, Hindi ko din alam kung anong nangyari sa akin. At aaminin kong naloloka ako, kalurkey naman talaga kasi eh, muntikan ko na siyang mahalikan ng walang dahilan.
"Kumain ka na! Bihis lang ako"sabi pa niya. Tumingin naman ako sa kanya at huminga ng malalim.
"Teka! Ikaw? Hindi ka ba kakain muna?"tanong ko, umiling naman siya, 
"Kakatapos ko lang kumain, nauna na ako sayo"sagot niya pero hindi parin tumitingin sa akin. Napatango na lang ako, 
"Okay!"sagot ko na lang, at tuluyan na siyang umalis. Napabuntong hininga na lang ako, halata namang iniiwasan niya ako eh. Saglit kong tinitigan ang mga pagkain bago kumuha ng tigkakaunti. Parang nawalan ako ng gana kumain eh, hindi na ako sanay kumain ng mag-isa. Hay!! Tahimik lang akong kumakain ng biglang may nagdoorbell. Baka ang mga beks na ito, sila lang naman ang hinihintay kong dadating eh. Uminom muna ako bago tumayo at punagbuksan sila.
"Good morning meme"masiglang bati nila, tumango lang ako sa kanila.
"Good morning din"bati ko.
"Ay! Bakit parang ang tamlay mo meme? May sakit ka ba? O inaantok lang?"pagtatanong naman ni Rhian. 
"Wala akong sakit, medyo pagod lang, dahil kagabi"sagot ko. Tumango-tango naman sila
"Kumain na ba kayo? May pagkain diyan! Baka gusto niyong kumain, sayang din eh. Wala akong gana kumain ngayon eh"alok ko pa sa kanya. Napangiti naman sila at nagdire-diresto nng umupo at kumain. Napailing na lang ako, kahit kailan talaga! Ang tatakaw nila.
"Ubusin niyo na iyan!"utos ko pa, nagthumbs-up lang naman sila. Ako naman ay umupo na lang muna at kinulikot ang cp ko.
"Oo nga pala meme! Nasaan si Alex?"biglang tanong ni Jon. Tumingin naman ako sa kanya
"Nasa taas, nagbibihis"sagot ko, at bumalik na ulit sa paglalaro sa cp ko. Mabilis din naman nakatapos sa pagkain ang tatlo. 
"Oh my!! Nabusog talaga ako"masayang sabi ni RC, 
"Halata naman"sagot ko sa kanya. 
"Oh! Linisin niyo na iyong pinagkainan niyo!"utos ko pa. Napasimangot naman sila
"Oh! Bakit ganyan ang mga mukha niyo? Alangan naman na ako ang maglinis niyan! Pinakain ko na kayo! Paglilinisin niyo pa ako"dagdag ko pa. Wala naman silang nagawa kung hindi ang sumunod.
"Kaloka! Kaya pala tayo inalok na kumain! Para paglinisin"dinig kong reklamo ni Jon.
"Pasalamat kayo at pinakain ko pa kayo! Dahil ang balak ko lang talaga ay paglinisin kayo"pagtataray ko sa kanila. Inirapan naman nila ako, kaya natawa ako. Ganito talaga kami sa isa't-isa nagiging lambingan na namin ang pag-aaway hahaha.
"Hay!!! Natapos din!!"sigaw pa ni Rhian.
"Ano Tara na?"pag-aaya ko.
"Si Alex pa ha! Hindi pa siya bumababa"sabi naman ni RC. Oo nga pala!
"Puntahan mo na kaya meme sa taas!"utos naman sa akin ni Jon. Umiling naman ako
"Bakit hindi ikaw ang pumunta! Ikaw ang nakaisip eh"balik ko sa kanya.
"Grabe! Ang tamad mo talaga!"reklamo pa niya at akmang aakyat na. Pero dumating na si Alex na nagmamadaling tumatakbo pababa. 
"Careful"hindi ko maiwasang sabihin, habang nakatingin sa kanya. Kita ko namang nagsenyasan ang mga beks at pasimpleng ngumiti. Tumingin lang sa akin si Alex sandali, at bumaling na sa mga beks.
"Sorry nagtagal ako"hinging paumanhin pa niya, 
"Okay lang iyon! Sexy mo ha!"sagot naman nila, napatingin naman ako sa suot ni Alex, nakashort siya tapos, isang simpleng T-shirt. Sexy nga siya, pero hindi ko gusto ang suot niya sobrang iksi, pagtitinginan lamang siya.
"Magpalit ka!"may diin na utos ko sa kanya. Di makapaniwalang tiningnan naman niya ako.
"What meme? Okay naman ang suot ni Alex ah!"react naman ni Rhian, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oo nga naman! Okay naman itong suot ko ah? Atsaka late ka na"katwiran naman niya
"Basta magpalit ka! Tapos! At wala akong pakialam kung late na ako!"seryosong sagot ko sa kanya. Umiling lang naman siya
"No! Hindi ako magpapalit! Ito na ang suot ko! Kaya Tara na!"matigas na sabi niya at nauna ng maglakad. Hinablot ko naman ang kamay niya para pigilan siya.
"Aakyat ka sa taas at magpapalit ka"utos ko pa.
"Ayaw ko nga! Ano ba! Kaya bitiwan mo na ako, at umalis na tayo"sagot niya. Talagang sinusubukan ako ng babaeng ito eh!
"Magkukusa kang magpalit o ako mismo ang magpapalit sayo! Mamili ka"may pagbabantang tanong ko. Inirapan lang naman niya ako, sabay hila ng kamay niya.
"Che! Para namang kaya mo! Hahaha!"panghahamon pa niya sabay lakad ulit. At talaga naman ah! Tingnan natin! 
"Talagang sinusubukan mo ako ah! Sige! Tingnan natin!"sabi ko at sinundan siya. Walang pasabi na binuhat ko siya..ano ka ngayon!?
"Uy! Ano ba? Ibaba mo nga ako!!"pagpupumiglas pa niya. Dinilaan ko lang naman siya at dire-diretsong naglakad pataas.
"Binalaan na kita! Pero ang tigas ng ulo mo eh!"sabi ko pa, pinaghahampas naman niya ako
"Ibaba mo na ako! Ano ba!!"pagpupumiglas pa niya..umiling lang naman ako.
"Ayaw ko nga! Kaya tumahimik ka diyan! Dahil kapag hindi ka nanahimik diyan! Hahalikan kita"pagbabantako. Agad naman siyang nanahimik at tinakpan ang bibig niya. Napangiti naman ako, takot pala siya eh!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon