CHAPTER 76

60 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Kasalukuyan kaming nagkukulitan dito sa sala ng mga beks. Maya-maya pa ay dumating narin ang mga girls. Sila na kasi ang nagvolunteer na maggrocery. Gusto naman namin sumama pero ayaw nila. Kaya hinayaan na lang namin sila. 
"Si Alex?"agad na tanong ko sa kanila pagkapasok nila.
"Wow naman sis! Si Alex agad ang hinanap mo! Hindi mo man lang kami muna tulungan dito!"sarkastikong sabi naman ni Cassy. Bunganga talaga nito! Agad naman akong lumapitbsa kanila at tinulungan sila sa mga pinamili nila.
"Ano ba itong mga pinamili niyo? At parang ang bigat!"tanong ko.
"Kung ano-ano lang! Atsaka mga drinks narin!"sagot naman niya. Kaya pala! 
"At may balak talaga kayong mag-inuman dito sa bahay namin ni Alex no?"talak ko sa kanila. Napangisi naman siya
"Bahay niyo? Bahay niyo na pala ito ngayon? Di ako nainform!"nakangising sabi pa niya.
"Oo bahay na namin ito! Anong paki mo!"pagtataray ko pa sa kanya. 
"Wow naman! Kayo na ba?"tanong pa niya, natigilan naman at napaisip. Oo nga no? Ano nga ba kami? Kami na nga ba? Kasi nagkakaintindihan na naman kami di ba? Ginagawa namin iyong ginagawa ng normal na couples. So ano na ba talaga kami?
"Oh natigilan ka diyan! Anyare?"tanong pa niya.
"Wala! Napaisip lang kasi ako sa tanong mo! Kung kami na ba?"sagot ko.
"Bakit naman? Wala ba kayong napag-usapan tungkol sa status niyo ngayon?"tanong ulit niya, umiling naman ako.
"Wala eh! After namin magkaaminan! Wala na! Hindi na ulit namin napag-usapan!"sagot ko. Napailing naman siya
"Mahirap iyan sis! Parang kayo, pero hindi!"sabi pa niya. 
"Pero okay naman kami eh! Kahit wala kaming napag-usapan! Pakiramdam ko kami na!"sagot ko pa.
"Pakiramdam mo parang kayo! Pero wala pa talagang kayo! Magkaiba iyon brad!"sabi pa niya. Napasimangot naman ako, tama siya! Wala parin akong karapatan sa kanya! Kaya dapat linawin namin ito sa isa't-isa. Tama! Iyong plano! Nakalimutan ko na dahil sa buwesit na panaginip ko noong nakaraang araw! 
"May plano ako!"nakangiting sabi ko. Agad naman nagliwanag ang mukha niya.
"Ano iyon?"agad na tanong niya.
"Basta! Sabihin ko sayo! Pero hanapin ko muna si Alex"sabi ko sa kanya. Agad naman akong umalis at nagpunta sa sala para tingnan si Alex. Pero wala siya doon..
"Guys! Nakita niyo ba si Alex?"agad na tanong ko.
"Nasa labas yata!"sagot naman ni Pauline. Kaya agad akong nagtungo sa labas para puntahan siya....

ALEX'S P.O.V
Papasok na sana ako sa loob ng biglang tumunog ang cp ko. Kaya kaagad ko itong kinuha at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello"sagot ko.
"Alex"
Nagulat naman ako ng magsalita siya, kaya kaagad kong tiningnan ang pangalan ng tumawag. At tama nga ang hinala ko...
"Tyrone?"paniningurado ko.
"Ako nga"sagot niya. Anong problema nito? Bakit siya tumawag? 
"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong pa niya.
"Di ba nag-uusap na tayo"sagot ko
"I know! Pero sana sa personal! May gusto lang akong sabihin sayo"sabi pa niya.
"Bakit hindi mo pa ngayon sabihin!"sabi ko pa.
"Gusto sana kitang makausap ng personal! Sana pumayag ka!"pakiusap pa niya. Papayag ba ako o hindi? Pero kailangan din naming mag-usap, hindi naman pwedeng mag-iwasan lang kami habang panahon. Pero paano si MM? Sigurado akong hindi niya ito magugustuhan!
"Please Alex! Huli na ito! Gusto lang talaga kitang makausap. Hindi naman ako manggugulo eh! Mag-uusap lang tayo! Kaya please sana pumayag ka"pakiusap pa niya. Napabuntong-hininga na lang ako bago sumagot. Sana tama itong desisyon kong ito..
"Okay! Sige! Payag na ako"sagot ko. Rinig ko naman sumigaw siya...at halatang tuwang-tuwa.
"Maraming salamat Alex! Salamat at pumayag ka"sabi pa niya.
"Mabuti narin naman iyon! Kailangan din talaga nating mag-usap! Kaya pumayag ako"sagot ko naman.
"Oo alam ko! Pero salamat talaga!"sabi ulit niya. 
"Oo na nga! Okay sige na! Sabihin mo na lang sa akin kung kailan at saan?"utos ko pa. Ayaw ko ng patagalin pa ang pag-uusap namin. Baka hinahanap narin kasi ako ni MM.
"Sa dati parin! Bukas 5pm"sagot niya. Napakunot naman ang noo ko, sa dami ng lugar doon pa talaga? Atsaka 5pm? Ano kaya ang idadahilan ko kay MM nito? Sigurado akong magtatanong iyon? Hindi ko naman siya pwedeng isama! Sigurado akong magkakagulo lang silang dalawa! Hay!
"Hello Alex! Nandiyan ka pa ba?"tanong pa niya.
"Yeah! Nandito pa ako"sagot ko
"Ano? Okay lang ba sayo? O gusto mo baguhin?"tanong pa niya.
"No! Hindi na! Okay na iyon!"sagot ko. Bahala na!
"Okay sige! Salamat ulit! See u tomorrow Alex.."sabi pa niya.
"See u Tomorrow Tyrone! Sige na! Ibaba ko na ito!"sabi ko pa. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at kaagad ko ng inend ang tawag. Hay! Paano ba ito? 
"Alex!"
Agad naman akong napalingon..
"MM"gulat na sabi ko pa. Narinig kaya niya? 
"Kanina ka pa ba diyan?"agad na tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi! Kakarating ko lang! Bakit?"sagot naman niya. Ngumiti naman ako, hay! Salamat!
"Wala!"maikling sagot ko. At kaagad na lumapit sa kanya.
"Ah! Oo nga pala! Anong ginagawa mo dito sa labas?"tanong naman niya sa akin.
"May tumawag lang kasi sa akin"sagot ko.
"Sino naman?"tanong niya ulit. Natigilan naman ako, sasabihin ko ba ang totoo o hindi? Pero sigurado ako hindi siya papayag!
"Uy! Okay ka lang?"tanong niya pa. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.
"Ha? Oo naman!"sagot ko
"So sino nga iyong tumawag sayo?"tanong niya ulit.
"Ha? Si mama! Siya iyong tumawag nangangamusta lang!"pagsisinungaling ko pa. Sorry MM! 
"Ah! Sayang hindi ko na abutan!"nanghihinayang na sabi pa niya.
"Okay lang iyon! Tayo na lang ang tumawag sa kanila kapag free tayo"sagot ko naman. Ngumiti naman siya sabay akbay sa akin.
"Oo nga! Sige tara na sa loob baka kung ano pang isipin ng mga iyon"pag-aaya pa niya. Tumango na kang ako at sabay na kaming pumasok. 
'Hindi ko naman gustong magsinungaling eh! Pero kailangan! Sorry MM!'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon