ALEX'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kisame habang umaagos ang luha sa aking mga mata. Hawak-hawak ko lang ang aking tiyan. Nagpapasalamat ako at hindi nawala sa akin ang Baby ko. Dahil kung nangyari iyon, hinding-hindi ko kakayanin. Baka hindi ko mapatawad ang sarili ko, lalong-lalo na si MM. Hanggang ngayon galit parin ako sa kanya sa ginawa niya. Hindi ko matanggap na gagawin niya iyon sa akin.
"Makakasama iyan sayo"
Agad naman akong napalingon sa nagsalita. Si ate Cassy pala, kasunod naman niyang pumasok ang mga beks.
"Kayo po pala!"sabi ko habang pilit na ngumiti. Agad naman silang lumapit sa akin
"Kamusta ka na?"tanong pa ni ate Cassy.
"Okay lang po! Medyo nanghihina lang po"sagot ko. Ngumiti naman sila
"Mabuti naman kung ganun! Tinakot mo kami eh! Lalong-lalo na si MM"nakangiting sabi naman ni Jon. Napatingin naman ako sa paligid, wala siya! Akala ko ba nag-aalala siya! Eh bakit wala siya ngayon?
"May pinuntahan lang siya! Pero babalik din naman siya kaagad. Kaya huwag ka ng malungkot diyan"sabi pa ni ate Cassy. Umiling naman ako sa kanya
"Kahit po huwag na siyang bumalik"sagot ko pa. Bigla naman silang tumawa kaya nakakunot-noong tiningnan ko naman sila.
"Bakit po kayo tumatawa?"tanong ko.
"Nakakatawa ka kasi! Halata naman hinanap mo siya! Huwag kang tatanggi!"natatawang sabi pa ni Jon. Napanguso na lang ako..Oo na! Aaminin ko na! Hinahanap ko siya!
"Oh ano? Tama ako no?"sabi pa niya. Umiling naman ako
"Hindi! Hindi ko siya hinahanap"tanggi ko.
"Okay! Sabi mo eh!"pagsuko na lang niya.
"Oo nga pala! Bakit di mo sinabing buntis ka? Kung hindi pa nangyari ito! Hindi pa namin malalaman na buntis ka!"tanong naman ni RC.
"Pasensiya na! Ngayon ko sana balak sabihin eh! Kaso nangyari nga ito!"malungkot na sabi ko pa. Iyong balak ko na supresahin si MM, naibalik sa akin! Ako ang nasupresa!
"Okay lang iyon! Ang mahalaga okay kayo ni Baby"nakangiting sabi naman ni Rhian.
"Sana nga lang maging okay narin kayo ni meme"pahabol pa niya...kita ko namang siniko siya ni Jon.
"Magiging okay din kami....pero hindi pa ngayon! Masakit kasi iyong ginawa niya eh!"sagot ko.
"Naiintindihan namin! Pero sana lang Alex...bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag"pakiusap pa ni Jon.
"Hindi na kailangan.."
"Please Alex!! Kami na ang nakikiusap at nagmamakaawa sayo. Sana please hayaan mo siyang magpaliwanag sayo."pakiusap pa ni RC. Malungkot na napangiti na lang ako..
"Alex alam namin na galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero sana pakinggan mo muna siya. Dahil sa maniwala ka man o hindi! Hindi niya din gusto na magsinungaling sayo"sabi pa ni Ate Cassy. Natahimik na lang naman ako.
"Kita namin kung paano siya nahihirapan! Kung paano siya nasasaktan sa tuwing pinagtatabuyan ka niya noon! Sa tuwing tinatarayan ka niya! Kita namin iyong lungkot at sakit sa mata niya sa tuwing nakikita niya kayong magkasama ni Tyrone. Kaya kahit alam namin na wala talaga siyang amnesia, hindi kami nagsalita. Kasi alam namin na paraan niya lang iyon para ipakitang okay siya kahit ang totoo ay hindi!. Kaya sana Alex, intindihin ko din siya! Sana pakinggan mo siya. Kasi kung nasasaktan ka ngayon, lalo na siya. Masakit para sa kanya na nasaktan ka niya, masakit para sa kanya na makitang umiiyak ka. At masakit para sa amin na makitang kayong ganyan!"patuloy pa ni ate Cassy. Hindi ko naman mapigilan pumatak ang luha ko.
"Kaya sana Alex, sana mapatawad mo siya. Sana huwag mong saraduhan ang puso mo. Oo! Nagsinungaling siya! Mali iyong ginawa niya! Pero sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon. Dahil alam namin na mahal na mahal ka niya. At alam namin na alam mo din iyon! Kaya sana huwag niyo ng pahirapan pa ang mga sarili niyo. Mag-usap kayo! At ayusin niyo iyan! Maawa naman kayo sa sarili niyo! Lalong-lalo na sa magiging baby niyo."sabi naman ni Jon. Napatingin naman ako sa tiyan ko. 'Sorry baby ha! Dahil nagkakaganito kami ni Daddy mo'
"Tama!! Bago kayo magpadalos-dalos! Isipin niyo muna iyong inaanak namin! Dahil sa huli siya ang apektado sa mga nangyayari sa inyong dalawa."dagdag naman ni Rhian. Alam ko naman iyon eh!
"Sorry guys ha! Pati kayo nahihirapan sa amin"hinging paumanhin ko pa.
"Kaibigan niyo kami! Kaya pati kami apektado sa inyong dalawa. Kaya sana maayos niyo na iyan! Kasi nakakaloka na kayo!! Madali akong tatanda sa inyo eh!"sagot pa ni Ate Cassy. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Magiging okay din po kami......kaso hindi pa ngayon! Hindi ko pa po kasi siya kayang kausapin eh"sagot ko. Kita ko naman nalungkot sila pero ngumiti na lang..
"Naiintindihan namin! Pero sana hindi na matagalan! Kasi baka habang tumatagal lalong mahirapan kayong ayusin iyan!"sabi naman ni RC. Tumango naman ako
"Salamat sa inyo guys ha!"nakangiting sabi ko. Tumango naman sila at yinakap ako.
"Sana maayos niyo iyan! Sana maging okay na kayo"sabi pa nila. Agad din naman silang himiwalay sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila. Sana nga maging maayos na ang lahat. Napatingin naman kami sa may pinto ng biglang may kumatok..
"Tok...tok...tok..."
Agad naman lumapit si RC para buksan ito.
"Baka si meme na iyan!"excited na sabi pa niya. Napahinga na lang naman ako ng malalim. Wwoooohhh kinabahan ako...bakit ganun! Kahit galit ako sa kanya...gustong-gusto ko parin siyang makita. Hay!
