CHAPTER 75

68 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Nakatingin lang ako ng masama sa mga buwesit na dumating sa bahay namin.
"Sama mo naman makatingin sis! Mukhang gusto mo kaming patayin ah!"mapang-asar na sabi ni Cassy. Inirapan ko lang siya
"Oo nga meme! Bakit nakaabala kami?"tanong naman ng mga beks. Lalo naman sumama ang tingin ko sa kanila.
"Mukhang nakaabala nga yata tayo!!"singit naman ng mga kaibigan ni Alex. Mga buwesit na mga ito!! Anong meron at kumpleto sila? Di ba nila alam na istorbo sila!! Kainis eh!!
"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito ha? At talagang kumpleto pa kayo!! Mga buwesit!!"inis na tanong ko sa kanila. Pero tinawanan lang nila ako at dire-diretsong umupo. Ang kapal talaga ng mga mukha! Grabe!!!
"Grabe ka naman sa amin! Pero okay lang! Hindi naman ikaw ang pinunta namin dito eh! Si Alex"sagot naman ni Cassy. 
"At bakit? Anong kailangan niyo kay Alex?"mataray na tanong ko sa kanila.
"Wala naman kaming kailangan! Nalaman lang kasi naming nagkasakit siya. Kaya heto dumadalaw kami"sagot naman ni Pauline. 
"Wow naman! Salamat guys ha! Pero okay na ako!"nakangiti namang sabi ni Alex sa kanila..
"Mukha ngang okay ka na! Ang galing talagang mag-alaga ni meme"makahulugang sabi naman ni Jon. Dahilan para batuhin ko siya, agad naman iyang nakailag. Sayang!!
"Muntik na ako doon ah!"sabi pa niya pero inirapan ko lang siya.
"Ay siya nga pala! May dala nga pala kaming mga prutas!"sabi naman ni Lexi. Tumango lang ako at agad itong kinuha.
"Salamat! Nag-abala pa kayo guys!"sabi naman ni Alex 
"Wala iyon Alex! Naisip talaga naming dalhan ka ng mga prutas! Kasi kailangan mo iyan. Baka kasi hindi ka pinakakain ni meme ng masusustansiyang pagkain kaya ka sakitin"sagot naman ni RC. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Akala niya hindi ko gets kung anong ibig niyang sabihin.
"Hehehe, salamat pero may mga prutas naman dito! Hindi lang talaga ako mahilig kumain"sagot naman ni Alex.
"Kaya ka sakitin eh! Kahit kailan talaga Alex!"sabi naman ni Pauline. Napakamot na lang sa ulo si Alex.
"Hindi naman sa ganun! Hindi naman ako sakitin eh! Napagod lang talaga ako ng sobra tapos naulanan pa kaya hayun! Nagkasakit ako"paliwanag naman ni Alex. Nagkatinginan naman sila! Tapos ngumiti! Naku! Iba na naman ang nasa isip ng mga ito.
"Ah napagod! Masyado mo yata siyang pinapagod meme eh!"nakangising sabi naman ni Rhian. Sinasabi ko na nga ba eh!
"Mga siraulo kayo! Puro kadumihan ang nasa utak niyo!"sabi ko sabay bato sa kanila.
"Hala siya! Wala naman kaming sinasabing ano ah! Baka ikaw naman meme ang madumi ang utak"tukso pa sa akin ni Jon.
"Asus! Huwag ako! Kilalang-kilaka ko na kayo! Alam ko mga tumatakbo sa utak niyo!"sabi ko pa sa kanila. Napangiti naman sila at seryosong tumingin sa akin.
"At kilalang-kilala ka din namin meme"mapang-asar na sabi pa ng mga beks. Buwesit talaga ang mga ito!!
"Hay naku! Tumigil na nga kayo diyan! Baka magkapikunan pa kayo"saway naman sa amin ni Alex sabay lapit sa akin para kunin ang mga prutas.
"Akin na nga ito! Ayusin ko na!"sabi pa niya. 
"Kainin mo iyan Alex ha! Maganda iyan para sayo,!"bilin pa ni Lexi.
"Sure! Kakainin ko ito!"sagot niya.
"Dapat lang! Para healthy si Baby!!"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Cassy. Samantalang si Alex naman ay nabitawan ang hawak-hawak niyang prutas. Halatang nabigla din siya, agad naman akong humarap kay Cassy
"Anong pinagsasabi mo diyan ha! Kaloka ka! Anong baby ka diyan? Grabe! Ang advance lang mag-isip? Kaloka! Sis!! Ang bil-"natigilan naman ako
"Oh? Bakit natigilan ka diyan? May tinatago sis?"tanong naman niya sa akin. 
"Wala!"agad na sagot ko, 
"Talaga lang ha? Sige! Wala namang sikretong hindi na bubunyag eh!"sabi pa niya
"Atsaka nga pala! Ang O.A mo naman magreact ha! Healthy naman talaga ang prutas ah! Healthy para kay Baby! Di ba baby mo si Alex!"paliwanag pa niya,
"Baby si Alex iyon?? Siya iyong tinutukoy mo?"tanong ko pa. tumango naman siya
"Oo! Bakit may iba pa ba? Bakit may baby ka na ba?"tanong pa niya. Agad naman akong napailing...
"Wa-wala! Si Alex lang ang baby ko"agad na sagot ko. Tiningnan niya ako parang sinusuri bago umirap sa akin.
"Okay sabi mo eh!"sabi pa niya. Napabuga na lang ako ng hangin..at bumaling kay Alex na ngayon ay umiinom ng tubig. Agad akong lumapit sa kanya para makiinom din.
"Painom"sabi ko pa sabay agaw ng baso sa kanya. Hindi ko naman alam na sumunod pala si Cassy. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang lumapit sa amin.
"Iyong totoo? Wala talagang ganap sa inyo? You know? Alam niyo na"tanong pa niya sa amin. Muntikan ko namang maibuga ang tubig na iniinom ko buti na lang at napigilan ko.
"Susmaryosep! Ano ba naman iyan iyang pinagsasabi mo? Kaloka ka!"gulat na sabi ko sa kanya.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako sa inyo ah! Anong masama doon?"patay malisyang tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Iyang mga pinagsasabi mo! Iyan ang masama! Isama mo na pati iyang utak mo!"sagot ko sa kanya. Pero umirap lang siya at humarap kay Alex.
"Si Alex na lang ang tatanungin ko"sabi pa niya.
"May nangyari na ba sa inyo?"
Naibuhos ko naman sa kanya iyong tubig na iniinom ko dahil sa gulat. Samantalang si Alex naman ay kaagad uminom ulit ng tubig.
"Ano ba naman iyan sis!!!"sigaw niya.
"Ikaw ang dapat kong sabihan niyan!"ganti ko sa kanya.
"Pwede ba lumayo-layo ka nga sa amin! Ang bastos ng bunganga mo!"pagtataboy ko pa. Dinilaan niya lang naman ako...at nagtatakbo na palayo....buwesit eh!!

-.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon