ALEX'S P.O.V
Nakatulala lang ako, habang nakatingin sa cp ko. Gusto ko itext o tawagan si Tyrone, pero natatakot ako. Natatakot ako sa pwede niyang sabihin, natatakot ako na kapag tinanong ko siya, hindi siya magsabi sa akin ng totoo. Kahapon ko pa siya gustong kausapin, kaso di ko magawa. Hindi niya rin ako binati, talagang nakalimutan niya na anniversary namin kahapon. Sobrang sakit noon, tapos nadagdagan pa ng makita ko siyang may kasamang iba. Ayaw kong isipin na niloloko niya ako, kasi alam kong hindi naman siya ganun. May tiwala ako sa kanya, pero hindi ko maiwasang isipin iyong nakita ko kahapon. Ang sweet niya doon sa kasama niya, hindi mo masasabing magkaibigan lang sila. Hay! Naloloka na talaga ako! Halos magdamag akong umiiyak at iniisip siya! Umaasang baka sakali magtext o tumawag siya. Pero wala! Buti na lang nandiyan si ate M,
"Hindi parin ba tumatawag o nagtext man lang?"
Napalingon naman ako sa nagsalita, at umiling.
"Bakit Hindi na lang ikaw ang unang magtext?"tanong pa niya habang lumalapit sa akin. Kaagad naman siyang umupo sa kaabay ko.
"Natatakot ako"sagot ko habang nakayuko. Iniangat naman niya ang ulo ko.
"Gusto mo ako na lang ang tumawag sa kanya?"pagtatanong pa niya. Hindi naman ako nakasagot. Agad naman niyang kinuha ang cp niya. Nakatingin lang ako sa kanya, alam ko na tinatawagan niya si Tyrone.
"Hello"rinig Kong sabi niya, agad naman niyang niloudspeaker ang cp niya.
"Hello ate M! Bakit ka napatawag?"rinig Kong sagot ni Tyrone. Tumingin naman sa akin si ate M.
"Tatanong ko lang sana kung nasaan ka? At kung busy ka ba?"tanong pa niya. Nakaramdam naman ako ng kaba sa isasagot ni Tyrone.
"Medyo po ate M! Hanggang ngayon nga po ay nandito parin kami sa Davao. Nagshohoot po kasi kami ngayon, baka po sa isang araw pa po ang aming uwi"sagot naman ni Tyrone. After Kong marinig iyong sagot niya ay tuluyan ng bumagsak iyong luha ko.
"Ah ganun ba! Sayang naman pala! Pero kailan ka pa ba nandiyan?"tanong pa ni Ate M.
"Noong isang araw pa po!"sagot pa niya. Napaubob na lang ako at tahimik na umiiyak.
"Ah! Oh siya ibababa ko na ito, baka nakakaabala na ako"rinig Kong sabi pa ni ate M.
"Okay po ate M, ikaw na po muna ang bahala Kay Alex ha! Pasabi na lang din po na hindi po ako makatawag sa kanya kasi medyo mahina din po ang signal dito. Buti na nga lang po at medyo malakas ang signal ngayon"sabi pa ni Tyrone bago iend ang tawag.
"Okay ka lang?"kaagad na tanong sa akin ni Ate M. Hindi naman ako sumagot at patuloy lang akong umiiyak. Ang sakit pala! Sobrang sakit! Niloloko niya ako! Nagtiwala ako sa kanya! Tapos ganito! Sabi niya mahal niya ako, pero bakit niloko niya ako!
"Sige iiyak mo lang iyan!"sabi pa niya sabay yakap sa akin.
"Kaibigan ko si Tyrone!pero hindi ko siya kakampihan. Mali iyong ginawa niya! At kung ano man iyong maging desisyon mo, nandito lang ako"dagdag pa niya. Yumakap na lang ako sa kanya habang patuloy parin na umiiyak.
"Ate M! Ang sakit! Ang sakit-sakit! Minahal ko siya, mahal na mahal. Pero bakit niya ako niloko?"umiiyakna sabi ko
"May mali ba sa akin? Alam ko na hindi ako sikat katulad niyo. Pero minahal ko naman siya ah! Pinagkatiwalaan ko siya! Inintindi, pumayag ako na itago namin iyong relasyon namin. Never akong umangal o nagreklamo! Sinuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Pero bakit ganun? Bakit nagawa niya parin akong lokohin?"pagtatanong ko pa. Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko.
"Ito ang pagkakatandaan mo, walang mali sayo! At hindi mo kasalanan kung bakit ka niya niloko. Kasalanan niya iyon! Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. At huwag mo siyang panghinayangan! Kasi hindi siya kawalan! Okay lang na umiyak ka kasi nasasaktan ka pero huwag mo siyang iiyakan dahil hindi niya deserve ang mga luha mo. May iba pa na mas deserving para sayo."sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Lalo naman akong naiyak kaya yumakap na lang ako sa kanya at patuloy na umiyak.Buti na lang nandito siya, hindi pa man kami ganun kaclose pero nandiyan parin siya para pagaanin ang kalooban ko.
"Mukhang magpapalit na naman ako nito"bigla niyang sabi dahilan para tumingin ako sa kanya.
"Ha?"tanong ko
"Tingnan mo oh! Basang-basa na ako sa kakaiyak mo! Kaya no choice ako kung hindi ang magpalit na lang ulit"sabi pa niya. Hinampas ko naman siya..pero medyo natawa ako doon.
"Sige iiyak mo lang! Sulitin mo na! Basa narin naman ang damit ko! Tapos mukhang enjoy na enjoy ka pa sa pagkakayakap sa akin"dagdag pa niya. Natawa naman ako lalo at hinampas ulit siya.
"Baliw! Kapal mo ha! Nagdadrama iyong tao! Panira ka!"sabi ko pa sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin
"Hayan tumatawa ka na! Galing ko talaga"pagyayabang pa niya. Napailing na lang ako..
"Ewan ko sayo! Pero salamat ha!"nakangiti Kong sabi, hinawakan naman niya ang mukha tapos pinanggigilan.
"Aray"daing ko..sabay hampas sa kamay niya.
"Ang cute mo talaga!"sabi pa niya. Inirapan ko naman siya, tapos kaagad narin akong tumayo at tumingin sa orasan.
"Oh my late ka na! Di ba may shooting ka ngayon?"gulat na sabi ko pa sa kanya. Tumango lang naman siya
"Oo meron! At tama ka nga late na ako! Kaya ikaw ang bahala magpaliwanag Kay direk."sagot niya.
"Naman eh! Di mo naman kasi sinabi sa akin! Hayan tuloy! Patay tayo nito!"sabi ko pa. Natawa naman siya
"Relax! Joke lang! Pamaya pa naman! Kaya huwag ka ng mag-alala diyan!"sabi pa niya.
"Buwesit ka! Tinakot mo ako!"sabay hampas ko sa kanya. Pero tawa lang siya ng tawa.
"Mas maganda kang tingnan kapag nagagalit ka! Kaysa umiiyak ka"sabi pa niya bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Ano raw?
-
