CHAPTER 66

71 7 0
                                    

MM'S P.O.V
Maaga akong bumangon, medyo hindi din ako nakatulog ng ayos eh! Namamahay yata ako. After kong mag-ayos eh agad narin akong bumaba. Nadatnan ko ang mga katulong nila na naghahanda ng almusal namin, kaya nagvolunteer na lang akong tumulong. Busy ako sa paghihiwa ng sibuyas ng may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran. Napangiti na lang ako..
"Good morning baby"bati niya habang nakayakap parin. Agad kong hinugasan ang kamay ko, at umikot paharap sa kanya. 
"Good morning din baby"bati ko sabay halik sa noo niya. Rinig ko naman ang mahinang tili ng mga katulong na kasama namin. 
"Ang sweet talaga nila"
"Bagay na bagay sila"
"Fans nila ako eh!"
Ilan lang iyan sa mga naririnig ko, napangiti na lang ako habang yakap-yakap si Alex. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin siya
"Kamusta ang tulog mo?"tanong niya
"Okay lang naman! Pero Hindi ako masyadong nakatulog eh! Ganun yata talaga kapag namamahay ka"sagot ko.
"Kaya pala ang aga mo nagising"sabi pa niya, tumango naman ako
"Gusto mo gumala pamaya? After natin magbreakfast"tanong pa niya
"Sure! Saan tayo pupunta?"excited na tanong ko.
"Diyan lang sa tabi-tabi! Hindi naman tayo pwedeng lumayo eh. Alam mo na baka may makakilala sa atin. Kaya dadalhin na lang kita sa favorite spot ko dito sa amin"nakangiting sagot niya.
"Okay! Kahit saan mo man ako dalhin okay lang! Basta magkasama tayo, okay na sa akin"sagot ko sabay pisil ng mahina sa mukha niya.
"Asus! Ang aga-aga nagpapakilig ka! Pag ako nasanay sa kakaganyan mo! Sige ka!"sabi niya sa akin sabay hampas ng mahina sa akin. Seryosong tumingin naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya
"Eh ano kung masanay ka, wala naman akong balak itigil ito eh"seryosong sabi ko pa sa kanya. Pinisil naman niya ang ilong ko at agad na umiwas ng tingin sa akin.
"Che!! Tumingil ka diyan! Akala mo naman ikaw si John Lloyd! Atsaka hindi po ako si Sarah no!?"pagtataray pa niya. Natawa naman ako at ako naman ang nagback-hug sa kanya.
"Seryoso naman ako doon eh! Wala naman talaga akong balak itigil ito. Dahil masaya ako sa ginagawa ko"paglalambing ko pa. Hindi naman siya umimik, kaya nagsalita ulit ako.
"Ikaw ba masaya ka ba?"tanong ko. Humarap naman siya sa akin tapos ngumiti.
"Sobra! Kaya natatakot ako na baka masanay ako sa ganito tapos-"pinigilan ko naman siya..
"Sshhhh...wala kang dapat ikatakot! Dahil tulad ng sinabi ko, wala akong balak itigil ito!"sabi ko pa sa kanya. 
"Pero paano kapag narealize mo na hindi mo na pala ako gusto? Na lalaki na ulit ang gusto mo?"pagtatanong pa niya. 
"Eh di saka ka umiyak kapag dumating ang araw na iyon"pagbibiro ko sa kanya, kita ko namang sumimangot siya sabay hampas sa akin.
"Naman eh! Kainis ka!!"dabog pa niya, kaya naman natawa na lang ako at niyakap siya.
"Joke lang naman! Atsaka ikaw kasi eh! Tanong ka ng tanong!"natatawang sabi ko pa, hinampas niya ulit ako pero mahina lang.
"Ako pa ang sinisi mo! Eh sa gusto ko lang itanong iyon eh! Kainis ka! May pa sabi-sabi ka pa diyang 'wala akong balak itigil ito' tapos ganun iyong sagot mo! Buwesit ka!"inis na sabi pa niya. Natawa na kang talaga ako, ang cute niya kapag naiinis.
"Ang cute mo talaga"nakangiti Kong sabi. Pero sumimangot lang siya at inirapan ako. 
"Ito naman! Huwag ka ng magalit diyan! Sorry na"paglalambing ko pa. Pero lumayo lang siya sa akin, kaya hinila ko siya 
"Sorry na talaga baby! Nagbibiro lang naman ako eh"paglalambing ko..pero nakasimangot parin siya. Kaya kiniss ko naman siya, sa pisnge lang po. Kita kong nagulat siya
"Sorry na talaga baby! Huwag ka ng magalit! Bati na tayo! Please!"pagpapacute ko pa, kita ko namang napangiti siya.
"Hayun oh! Ngumiti na siya! Ngumiti na siya"tuwang-tuwang sabi ko pa habang tinutusok-tusok ang tagiliran niya. 
"Ano ba! Huwag ka nga!"saway pa niya sa akin habang hinahampas ang kamay ko. Tumigil naman ako, at hinila na lang siya para yakapin ulit.
"Sorry na talaga! Huwag ka ng magalit"sabi ko pa. Tumingin naman siya
"Hindi naman ako galit! Naiinis lang"sabi naman niya. 
"Ikaw naman kasi!"dagdag pa niya sabay kurot sa akin.
"Awww! Mesheket"daing ko pa. Ngumiti lang naman siya sabay kiss sa pisnge ko. Napangiti na lang ako

"Asus!! Ang aga-aga!! Kaya pala pila ang langgam sa labas!"
Sabay naman kaming napalingon Kay Papa, At ngumiti 
"Good morning po"sabay naming bati. Tumango lang siya at nilampasan kami. Nagkatinginan naman kami ni Alex at sabay tumawa..

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon