MM'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko mapigilang hindi maiwasang humanga. I mean hindi iyong gaya ng iniisip niyo, humahanga lang amo kasi ang ganda niya lalo ngayon! Iyon lang!
"Ang Ganda"Nagulat na lang ako ng bigla na lang itong lumabas sa bibig ko. Kita Kong napatingin ang lahat sa akin, marahil siguro nagulat sa sinabi ko. Kaya kaagad akong umiwas ng tingin..
"Ano iyon meme?"pagtatanong pa ni Rhian, na may mapang-asar na ngiti. Inirapan ko naman siya sabay tingin sa paligid.
"Ang sabi ko ang ganda! Ang Ganda ng view oh!"pagsisinungaling ko, at naglakad na ako papunta sa dapat na puwesto ko. Napatingin naman ako ulit kay Alex na nakatingin sa akin, pero kaagad din umiwas ng makalapit ako sa kanya.
"Okay! Start na tayo!! Sayang naman ang MAGANDANG VIEW!!"sabi pa ni direk na sadyang diniinan ang 'magandang view' habang nakatingin sa akin. Nang-aasar din eh!!
"Baliw!"bulong ko pa sabay iling...
"Oh magandang view..este ate girl!! Lapit ka ng kaunti doon sa mga bulaklak"utos pa ni direk. Na kaagad naman itong sinunod ni Alex. Sinamaan ko naman ng tingin si direk, nang-aasar talaga eh! Patay ito talaga sa akin! Pasalamat siya nasa trabaho kami!
"Ikaw naman MM!! Lumayo ka ng konti kay magand-"
"Isa!"may pagbabantang sabi ko, tumawa lang naman siya! Sabay peace sign.
"Dalawa?"sabi pa ni direk sabay tawa! Buwesit na iyon! Akala ko pa naman nagpeace sign siya iyon pala! Buwesit!!
"Okay! Okay!! Seryoso na!! MM move ka ng konti palayo kay ate girl"sabi pa ni direk. Agad ko naman itong sinunod.
"Tingin ka lang sa mga bulaklak ate girl, habang ikaw naman MM ay nakatingin sa kanya"utos pa ni direk. Ganun nga iyong ginawa namin.
"Alright! Very good! Next shot naman!"
"Lalapit ka MM kay ate girl tapos sabay niyong hahawakan ang bulaklak, at magkakatitigan kayo"utos ulit ni direk. Agad naman akong lumapit kay Alex, at ginawa ang pinagagawa ni direk. Sabay naming hinawakan ang bulaklak at tumingin sa isa't-isa. Kita ko namang kinakabahan siya, at medyo nahihiya. Kaya ngumiti ako sa kanya para kahit papano mawala iyong kaba niya.
"Good shot!! Ang Ganda niyong tingnan! Very good!"sigaw pa sa amin ni Direk. Kaagad naman akong umiwas ng tingin sa kanya sabay layo..
"Okay! Next! Magdikit kayo!"
Napalingon naman ako kay direk! Teka anong magdikit?
"Ano iyon direk?"tanong ko.
"Sabi ko magdikit kayo! Iyong para lang kayong nagsasayaw! Pero malapit ang mukha niyo sa isa't-isa"sagot naman ni direk. Na parang balewala lang sa kanya ang pinagagawa niya sa amin.
"Seryoso ka direk? Bakit may ganun pa? Kailangan pa ba iyon?"tanong ko ulit, kaloka ha! Di naman ako nainform na may paganito pala!
"Oo! Kaya gawin niyo na!! Dali!para makamove na tayo! Go!!"utos pa niya. Kaasar!! Dapat talaga si sisteret ko ang kasama ko ngayon eh! Para okay lang!
"Kailangan pa ba iyon?"nahihiyang tanong naman sa akin ni Alex. Tumango na lang ako at walang pasabing hinigit siya palapit sa akin. Kita ko namang nagulat siya sa ginawa ko! Kahit ako din naman eh!
"Relax ka lang!"bulong ko pa sa kanya,
"Kinakabahan ako"sabi pa niya, ngumiti lang naman ako. At unti-unting nilapit iyong mukha ko sa mukha niya. Halos pigilin ko ang paghinga ko! Kaloka ito! Parang gusto kong himatayin ngayon ah!!. Kita ko sa mukha niya iyong kaba! Hiya, at namumula siya..
"Ano ba iyan!!? Ayusin niyo naman! Konting lapit pa sa isa't-isa!!"sigaw sa amin ni Direk. Di ko naman napigilan na tingnan siya ng masama! Buwesit na iyan! Anong konting lapit pa! Siya kaya ang gumawa!!
"Sobrang lapit na po namin direk! Kaya dali na! Bago ako himatayin dito! Kaloka iyang mga pinagagawa mo ha! Hindi ko kinakaya!!"sagot ko sa kanya. Lumapit naman siya sa amin at inaayos ang tayo namin
"Ganito kasi! Ilagay niyo ang kamay niyo dito! Tapos ang mukha niyo ilapit niyo sa isa't-isa! Parang ganito!"sabi pa niya, para naman kaming robot lang na sumusunod sa sinasabi niya.
"Hayan! Then ngumiti kayo sa isa't-isa! Iyong parang inlove na in love kayo! Ganun!"dagdag pa ni direk. Grabe iyong mga pinagagawa niya sa amin! Photoshoot pa lang ito ha! What more kapag nagshoot na kami bukas? Parang gusto ko na ring magback-out ah!!
"Hayan!! Ganyan! Very good!"sabi pa niya, nakatingin lang naman kami sa isat-isa. Sobra iyong kabog ng dibdib ko, grabe! Pakiramdam ko konti na lang hihimatayin na ako.
"Okay na! Baka gusto niyo ng maglayo diyan?"
Agad naman kaming napabitaw sa isa't-isa, at tumingin kina direk, na nakangising nakatingin sa amin.
"Mukhang gusto niyo iyong shot na iyon ah! Gusto niyo bigyan ko kayo ng copy?"pang-aasar pa niya.
"Che!! So ano ng sunod? Para matapos na ito?"pagtataray ko pa. Nagtawanan lang naman sila, patay talaga sila sa akin! Halata namang pinagtitripan lang nila ako eh! Kami ni Alex. Napatingin naman ako Kay Alex na nakatungo lang! Mahiyain talaga!!!