CHAPTER 104

69 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Badtrip na badtrip ako ngayon!! Dahil sa halip na magdedate kami ngayon ni Alex! Nandito kami ngayon, sa Hospital para puntahan si Tyrone. Buwesit!! Hindi ba talaga marunong makaramdam iyang buwesit na Tyrone na iyan!? ang ganda ng timing niya ha! Kainis!! 
"Thank you Alex ha! Kasi pinuntahan mo ako dito! Wala na kasi akong matawagan na iba pa eh! Ayaw ko naman na tawagan si Sofia. Baka mag-alala lang siya! Alam mo na"rinig ko pang sabi ni Tyrone kay Alex. Napairap na lang ako. Asus! Sabihin mo para-paraan ka lang! Buwesit! Alam kong masama ang mag-isip ng masama sa kapwa. Pero hindi ko maiwasan! Sana natuluyan na lang siya sa pagkakaaksidente niya! Buwesit eh!
"Wala iyon! Ano ka ba! Magkaibigan tayo di ba!"sagot naman ni Alex. Kaya lalo akong nabuwesit. Isa pa itong babaeng ito! Hindi ba siya nakakaramdam? Hindi ba siya nakakahalata na nagseselos ako? Buwesit eh! Kainis!! Sarap pumatay ngayon!
"Uy! Ate MM! Salamat din ha! Salamat sa pagtulong niyo sa akin ni Alex"sabi pa nito sa akin. Tumango na lang ako. 
"Wala iyon!"sagot ko. Nakakatuwa nga eh! Sarap mong sapakin!
"Thank you talaga sa inyo"ulit pa niya.
"Hay naku! Tama na nga iyang pagpapasalamat mo! Wala nga iyon! Magkakaibigan tayo di ba? Ang mabuti pa ay hatid ka na namin. Baka nag-alala na sayo si Sofia! Alam mo naman na hindi siya pwedeng pag-alalahanin!"sagot pa ni Alex. Napakuyom naman ako. At talaga naman! 
"Di huwag na! Kakahiya naman sa inyo"sagot naman ni Tyrone. Buti alam mo!! Mahiya ka talaga!
"Ano ka ba? Huwag ka ng mahiya! Okay lang sa amin iyon ni MM! Di ba Baby?"tanong naman ni Alex. Patay talaga sa akin itong babaeng ito pamaya! 
"Oo naman!"pilit na sagot ko. Kahit hindi! 
"Oh hayan! So tara na!"pagyaya pa ni Alex at nauna na siyang naglakad. Susunod na sana ako ng tawagin ako ni Tyrone
"Ate MM saglit"pigil pa niya. Kaya lumingon naman ako sa kanya
"Bakit?"tanong ko.
"Salamat ha! Kahit alam kong hindi ka komportable na makasama ako, tiniis mo parin para kay Alex"nakangiti niya pang sabi.
"Buti alam mo"mataray na sagot ko sa kanya. Tinapik naman niya ang balikat ko
"Huwag kang mag-alala ate MM! Wala naman akong balak guluhin kayo eh. Hindi ko naman gustong abalahin pa kayo. Kaso wala na lang talaga akong matawagan na iba eh, si Alex lang talaga!"sabi pa niya.
"Bakit hindi mo tinawagan si Sofia? O ang mga kaibigan mo?"tanong ko pa.
"Hindi ko makontak kasi ang mga barkada ko. Hindi naman pwede si Sofia, ayaw ko siyang mag-alala. Kaya pasensiya na kung si Alex ang tinawagan ko"sagot naman niya.
"Umamin ka nga! May gusto ka pa ba kay Alex?"di ko mapigilang itanong. Natawa naman siya
"Ano ka ba Ate MM! May Sofia na ako! At masaya na ako sa kanya"sagot niya. Pero tinaasan ko naman siya ng kilay
"Pero hindi mo naman sinagot ang tanong ko"pagtataray ko pa.
"Wala na! Wala na akong gusto sa kanya! Kaya wala ka dapat ipangamba pa! Masaya na ako kay Sofia! Mahal ko siya! At magpapakasal na kami! Kaya wala ka dapat ikabahala. Hindi ko siya aagawin sayo! Wala akong balak agawin siya sayo. At isa pa! Mahal na mahal ka ni Alex! Kaya wala kang dapat ipag-alala!"sabi pa niya.
"Pero bakit tinawag mo siyang love noong Nagkita kayo noon?"tanong ko pa. Nakita kong natigilan siya 
"Nakakaalala ka na? Atsaka naroon ka?"tanong pa niya. Napabuntong hininga naman ako
"Sagutin mo na lang ang tanong ko"utos ko pa.
"Maniwala ka o sa hindi! Pero wala lang iyon. Nagkita lang kami, para mag-usap. Nag-usap lang kami, tungkol sa nangyari sa amin dati. Humingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng kasalanan ko. At nagpapasalamat na lang ako at napatawad niya ako."sagot naman niya.
"Sigurado ka bang iyon lang?"tanong ko pa. Tumango naman siya
"Yes ate MM! Iyon lang talaga! Atsaka nga pala nasabi ko din sa kanya ang tungkol sa amin ni Sofia."sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko
"Anong tungkol sa inyo?"tanong ko
"Magpapakasal at magkakaanak na kami. Kaya nga ginusto ko narin ayusin ang lahat. Para makapagsimula kami ng maayos ni Sofia at walang iniisip ng kung anuman."sabi pa niya. Nanlaki naman ang mata ko
"Seryoso?"tanong ko ulit. Tumango naman siya
"Opo ate MM! Kaya huwag ka ng mainis diayn! O mag-alala! Magkaibigan lang talaga kami ni Alex"sagot pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Congrats sa inyo"sabi ko pa. Ngumiti din naman siya sabay tapik sa balikat ko
"Thank you ate MM!"sabi pa niya. 
"Tara na"pagyaya pa niya at nauna ng naglakad. Napabuga naman ako ng hangin. Ngayon alam ko na ang nangyari! Nagugilty ako! Dapat pala hinintay ko na lang na sabihin sa akin ni Alex ang lahat. Hindi na sana ako nag-isip pa ng kung ano-ano. Hay! Paano ko ba ang aayusin ito!!!?

"Hoy! Baby!! Ano pang hinihintay mo diyan? Tara na"tawag pa sa akin ni Alex. Kaya lumapit naman ako sa kanya at inakbayan siya.
"Sorry"nasabi ko pa. Napatigil naman siya
"Para saan?"tanong niya
"Basta! Sorry!"sagot ko. Pinisil naman niya ang ilong ko.
"Ikaw talaga! Ang gulo mo!!"sabi pa niya.
"Hay! Ilong ko naman ang napagtripan mo!"reklamo ko pa. Natawa naman siya.
"Ang cute kasi"natatawang sabi pa niya. Napailing naman ako
"Hay naku! Alam mo? Kung naglilihi ka lang siguro kamukha ko iyong magiging baby natin! Lagi kasi ako iyong napagtitripan mo eh!"sabi ko pa. Muntik naman siyang matampilok, buti na lang at nahawakan ko siya.
"Hey! Careful!"sabi ko pa. Tumingin naman siya sabay yakap sa akin.
"Okay ka lang?"tanong ko sa kanya. Tumango lang siya
"Oo! Natakot lang talaga ako"naiiyak na sabi pa niya. Nagtaka naman ako, anyayare sa kanya? Lately nagiging sensitive siya, tapos ang weird niya! Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka tama ang hinala ko! Sana nga!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon