ALEX'S P.O.V
Palinga-linga lang ako para hanapin si Pauline. Pero hindi ko siya makita. Gusto ko na sana umalis dahil parang may event dito sa park.
"Alex!!?"
Rinig Kong may sumigaw sa akin, agad naman akong lumingon para hanapin kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko naman si Pauline na kumakaway pa. Agad naman akong naglakad ng mabilis para puntahan siya.
"Buwesit ka bes! At sinigaw mo pa talaga ang pangalan ko no? Gusto mo ba pagkaguluhan ako dito"agad na sabi ko aa kanya. Ngumiti lang naman siya at magpeace sign sa akin.
"Pasensiya ka na bes! Nakalimutan ko! Sorry"hinging paumanhin pa niya. Tumango lang ako
"Oh ano pang hinihintay natin? Akala ko ba magpapasama ka! Tara na!"pagyaya ko pa. Umiling naman siya
"Hindi na ako tuloy eh! Kaya dito na lang tayo. Manood muna tayo"sagot niya.
"Ha? Di ka na tuloy? Eh bakit di mo agad sinabi? Hinintay mo pa talaga na makapunta muna ako dito"reklamo ko. Ngumiti lang naman siya at hinila ako
"Huwag ka ng magreklamo diyan bes! Tara na lang"yaya pa niya. Tumigil naman kami sa may gitna.
"Uy! Ano ba bes! Kaloka ka naman eh! At talagang sa gitna mo pa ako dinala"reklamo ko ulit sa kanya. Pero ngumiti lang ulit siya at nagsimulang maglakad palayo sa akin
"Diyan ka lang bes ha! Huwag kang aalis!"bilin pa niya. Nagtaka naman ako
"Teka! Ano ba ito?"tanong ko. Pero nagdire-diretso lang siya sa paglalakad.
"Uy! Bes! Huwag mo akong iwanan dito sa gitna!"sigaw ko. Pero nagthumbs-up lang siya.
"Diyan ka lang bes! Tiwala lang!"sagot pa niya. Nagulat na lang ako ng biglang may nagdatingan na mga nakamascot. Teka! Anong nangyayari?
"Hi miss Alex!!"bati nila at pinaupo ako.
"Hello! Teka ano ba ito?"tanong ko. Ngiti lang naman sinagot nila.
"Sana po magustuhan niyo itong simpleng palabas namin"sabay-sabay pa nilang sabi. Kahit naguguluhan, ay tumango na lang ako. Teka! Sino ba ang mga ito?
"Pikit ka po muna"sabi pa nila. Kaya pumikit na lang ako.
"Bibilang po kami hanggang tatlo tapos imumulat niyo po ang Mata niyo"sabi pa nila.
"Okay"sagot ko.
"Isa...dalawa...tatlo..."bilang nila. Agad ko namang iminulat ang Mata ko. Pero halos wala akong makita sa sobrang liwanag. Teka! Ano ba talaga ito?
"Pumikit po ulit kayo, tapos ibukas niyo ulit ang Mata niyo."utos pa nila. Agad ko naman itong ginawa. Nagulat na lang ako pagkabukas ng Mata ko ay ang Ganda ng buong paligid. May mga paru-paro pang nagliliparan.
"Nagustuhan mo ba?"tanong pa nung isang nakamascot, hindi ko alam kung sino siya. Ang gara kasi ng Boses niya
"Oo! Ang Ganda"nakangiting sagot ko. Habang pinagmamasdan ang buong paligid.
"Di pa tapos iyan!"sabi pa niya. Bigla siyang pumalapak at nagulat na lang ako ng biglang may nakita akong bumabagsak na rose petals. Agad akong napatingila at nakita ko ang dalawang helicopter na umiikot sa tapat namin. Hindi ko naman mapigilang hindi mapahanga. Kahit hindi ko pa siya nakikita, malakas ang kutob ko na si MM ang may pakana nito.
"Nagustuhan mo ba?"tanong ulit niya. Tumango ulit ako
"Oo! Gustong-gusto ko."sagot ko.
"Mabuti at nagustuhan mo! Pero di lang iyan! Meron pa!"sabi ulit ng isang nakamascot. Tingin ko siya iyong leader nila! Siya kasi iyong kanina pang tanong ng tanong eh.
"Ano pa?"tanong ko. Lumapit naman sa akin iyong tatlo pang nakamascot at itinayo ako. Hindi sila umiimik tanging mustra lang ang ginagawa nila.
"Teka! Anong gagawin ko?"tanong ko. Itinayo lang nila kasi ako at inalis ang upuan.
"Stay ka lang diyan"sagot niya. Muli siyang pumalakpak. At nagulat na lang ako ng biglang dumilim ang buong paligid. Tanging ang pwesto ko lang ang maliwanag
"Uy!! Teka!! Huwag naman ganyan! Bakit ang dilim?"tanong ko.
"Huwag kang matakot! Andito lang ako"biglang may sumagot at alam Kong si MM iyon.
"Baby!! Nasaan ka???"tanong ko sa kanya.
"Nandito lang ako"sagot niya. Nagulat na lang ako ng biglang may nagflash na mga picture namin. Di ko alam kung paano nangyari iyon? Basta bigla na lang may nagflash na mga picture namin at palipat-lipat ito. Pinapanood ko lang ito! Natawa naman ako sa huling picture na nagflash. Si MM na nakamascot. Napapailing na lang ako, kaloka! Siya pala iyon!!
"Tawang-tawa ka ah!"bigla ulit na sabi niya. Napangiti na lang ako ng makita ko siya, malayo sa pwesto ko. Hindi na siya nakascot ngayon. Ang porma at ang gwapo na niya ngayon. Ayaw ko man mag-assume, pero parang alam ko na ang nangyayari.-
![](https://img.wattpad.com/cover/154245182-288-k581995.jpg)