CHAPTER 18

106 8 0
                                        

MM'S P.O.V
Kanina pa ako palinga-linga, hinahanap si Alex. Nasaan na ba kasi iyong babaeng iyon? Nagpaalam lang kasi siyang may bibilihin pero hanggang ngayon hindi parin bumabalik. 
"MM!! Be ready!!"sigaw sa akin ni Direk. Tumango lang naman ako, pero patuloy parin ako sa paglinga. Nasaan na ba ang babaeng iyon.?
"Uy meme! Sinong hinahanap mo?"tanong sa akin ni Jon.
"Si Alex! Nakita mo ba siya?"balik na tanong ko sa kanya.
"Kanina nakita ko siya, pero bigla na lang siya nawala eh! Ewan ko lang kung saan siya nagpunta"sagot naman nito.
"Asan na ba iyong babaeng iyon? Nagpaalam lang naman siya na may bibilihin lang saglit, pero hanggang ngayon ay wala parin siya! Kanina pa siya wala eh"nag-aalalang sabi ko pa. Napansin ko naman na ngumiti ng nakakaloko si Jon.
"Iba na iyan meme ah! Hala ka! Ingat ka!"makahulugang sabi pa niya. Napakunot-noo lang ako,
"Ano naman pinagsasabi mo diyan?"tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya,
"Alam mo na iyon!"sagot niya sabay alis, napailing na lang ako. Baliw din ang isang iyon!
"MM! Start na tayo!"tawag pa sa akin ni direk, kaya no choice ako kung hindi ang lumapit na. Pero hindi parin mawala sa isip ko kung saan na napunta ang babaeng iyon! 
"Okay M! May pagbabagong mangyayari sa kwento. Pero hindi ka naman mahihirapan eh, dahil puro adlib lang naman ito. Ikaw ang bahala sa kung ano ang sasabihin mo, at isa pa magpapalitan lang naman kayo ng mga tweet dito."paliwanag pa sa akin ni direk. Tango lang naman ako ng tango, madali nga lang pala.
"Pero ask ko lang direk! Anong topic ang pag-uusapan namin? At sino iyong kaeksena ko dito?"tanong ko pa.
"Wala kang kaeksena dito! Ikaw lang iyong sentro ng eksena ngayon! Magmumukha lang na may kaeksena ka dahil nga may sasagot sa bawat tweet mo! At kung ang tinatanong mo ay kung anong topic? Simple lang naman! Kailangan mo lang itweet iyong tanong na 'bakit may mga taong nagsasabi na mahal ka? Pero iiwan ka rin naman pala'"sagot naman ni direk. Ay! May hugot pala itong eksenang ito!
"Okay po direk!"sagot ko. May mga pinaliwanag pa siya sa akin, kung ano iyong magiging takbo ng story. Patapos na kasi ang shooting namin so malapit ng ireveal iyong ending. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din alam eh! Kung saan ba papunta ito. Ang Dami kasing pagbabagong ginawa ni direk!. Basta daw go with the flow na lang ako, ang eksena ngayon ay makikipagpalitan ako ng tweet sa unknown person, tapos dahil doon pag-uusapan siya ng mga tao. Magiging curious ang mga tao kung sino ba talaga kami, then may guesting na magaganap daw! Kung saan doon kami magkikita ni unknown person. Kaloka di ba? Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ni direk eh! May pasuspense pa siya! Pwede namang sabihin kung ano iyong ending tapos kung sino si unknown person.
(SCENE:)
Dahil nga brokenhearted ako, dahil niloko ako ng bf ko. Naisipan kong magsenti at magdrama sa social media. Lagi na lang kasi ako naloloko! Mapababae man o lalaki! Pareho-pareho lang sila! Wala na ba akong karapatang sumaya? Lagi na lang ba akong nasasaktan?
(Di ba ang taray ng pagdadrama ko? Hahahaha,)
"Makapagtweet na nga lang"nasabi ko pa
[@gandako:
Bakit may mga taong nagsasabi na mahal ka? Pero iiwan ka rin naman pala! ]
Iyan iyong nilagay ko, after noon nagbasa na lang ako ng mga tweet. Pero maya-maya pa ay may nagnotify sa akin, kaya agad kong chineck. 
[@babymo:
Hindi naman porke't iniwan ka! Ibig sabihin hindi kana mahal ]
Agad ko naman itong sinagot
[@gandako:
Eh bakit mo siya iiwan kung mahal mo pala siya? Ano iyon no choice? Walang ganun! Walang valid na reason para sa mga taong nang-iwan! ]
Hindi pa nagtatagal ay may sagot na ulit siya. Bilis ha!
[@babymo:
Walang valid na reason talaga ha? Pero paano kung iniwan ka niya kasi sobrang mahal ka niya. Na ginawa niya lang iyon para mas sumaya ka. Na mas pinili niyang lumayo para hindi ka na pahirapan pa ]
Parang tinamaan naman ako sa sinabi niya, teka sino ba ito? Bakit parang may laman ang mga hugot niya.
[@gandako:
Pagmamahal ba iyong maitatawag doon? Kung mas pinili mong saktan iyong taong mahal mo? Atsaka kailan pa naging solusyon ang pang-iiwan para sumaya ang taong mahal mo? Kailanman walang taong gustong iwan ng taong mahal niya! At walang taong naging masaya after na iwan siya]
Bakit pakiramdam ko personalan na ito?
[@babymo
Pagmamahal ang tawag, kung handa kang magsakripisyo para sa taong mahal mo. Na tiisin ang sakit para sa ikabubuti nito. Mali? Oo marahil tama ka! Mali na iwan ka! Pero sana maisip mo na, hindi lang naman iyong mga taong naiwan ang nasasaktan! Dahil minsan mas double iyong sakit na nararamdaman ng taong nang iwan. ]
Napailing naman ako after Kong mabasa ang sagot niya. Baliw pala ito eh! Anong ibig niyang sabihin?
[@gandako:
Kayo na nga iyong nang iwan! Tapos sasabihin niyo na kayo pa iyong sobrang nasasaktan? Ano ito lokohan?]
Hindi ko mapigilang hindi manggigil sa taong ito! Sa mga pinagsasabi niya!.
[@babymo:
Pinapaliwanag ko lang! Kasi madalas akala niyo porke't nang iwan! Manloloko na! Na hindi niyo muna inaalam iyong dahilan niya kung bakit niya ito nagawa ]
Lalo naman akong nainis sa sagot niya..
[@gandako
Kahit ano pa man ang dahilan niya! Hindi parin nito mabubura o mababago ang katotohanan na ng iwan siya! Na sinaktan niya iyong taong mahal niya! At huwag na huwag mong gagamitin na dahilan iyong pagmamahal mo. Dahil kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya iiwan! At hindi ka gagawa ng isang bagay na possible siyang masaktan.]
After Kong replyan siya ay kaagad na rin akong tumayo. Sobra talaga akong nanggigigil sa taong iyon! Sino ba iyon! Kabuwesit eh!...
"CUT!!!"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon