MM'S P.O.V.
"Iho! Huminahon ka! Magiging okay sila!"pagpapakalma sa akin ni Nanay.
Pero patuloy lang ako sa pag-iyak habang pabalik-balik."Kasalan ko po ito eh! Hindi ko sila naprotektahan!"sisi ko pa sa sarili ko.
"No iho! Wala kang kasalanan! Walang may gusto na mangyari ito"sabi naman sa akin ni Papa. Napaupo na lang ako at napahaguhol na lang.
"Iho! Magiging okay din sila"pagpapakalma pa sa akin ni Mama. Pero hindi ko alam kung paano kakalma. Lalo na ngayon at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila.
"Nasaan po ang asawa ng pasiyente?"
Agad naman akong napatayo at lumapit ng marinig Ko ang tanong ni Dok.
"Ako po Dok! Kamusta na po sila?"tanong ko.
"Tatapatin ko na po kayo sir! Hindi po maganda ang kalagayan ngayon ng mag-ina niyo."sagot ni Dok. Kaya lalo akong kinabahan
"Ano pong ibig niyong sabihin dok?"tanong ko pa.
"Sir, nasa critical condition po ang mag-ina niyo ngayon. Kaya kahit hindi pa po niya kabuwanan ngayon, ay kailangan na po naming ilabas ang bata."paliwanag ni dok.
"Ibig sabihin po..kailangan niyo ng alisin sa tiyan ng asawa ko ang baby namin?"nag-aalalang tanong ko.
"Yes po sir"sagot niya. Napahilamos na lang ako ng mukha ko
"Pero dok magiging okay naman po ang mag-ina ko di ba? Magiging okay ang baby namin?"tanong ko pa.
"Hindi ko pa po masasabi iyan sir! Pero gagawin po namin lahat para maligtas at maging okay ang anak at asawa niyo po sir"sagot naman ni Dok. Napaluhod na lang ako sa harapan ni dok.
"Parang-awa niyo na po dok! Nagmamakaawa po ako sa inyo! Iligtas niyo po ang mag-ina ko! Please po"pagmamakaawa ko. Tinapik naman niya ang balikat ko
"Pangako po sir! Gagawin po namin ang lahat"sagot niya saka siya pumasok ulit. Napahaguhol na lang ako
"Anak! Magiging okay din sila! Magtiwala ka!"sabi naman ni Nanay at niyakap ako.
"Nay! Natatakot po ako! Ang mag-ina ko po!"haguhol ko pa.
"Anak! Magpakatatag ka! Ngayon mo kailangang magpakatatag! Kaya huwag kang panghihinaan! Kailangan ka ng mag-ina mo"sabi pa ni Nanay. Alam ko naman iyon, pero hindi ko talaga alam kung paano hihinahon at magpapakatatag sa mga pagkakataong ito. Lalo na't nasa kritikal na kalagayan ang mag-ina ko. Kung pwede nga lang sanang makipagpalit ng kalagayan gagawin ko. Sana ako na lang!
"Kayo po muna ang bahala dito! May pupuntahan lang po ako"paalam ko.
"Saan naman ang punta mo anak?"nag-aalalang tanong ni Nanay.
"Sa Chapel po!"sagot saka naglakad papuntang Chapel. Pagkapasok ko agad akong lumuhod habang umiiyak.
"Please po! Parang-awa niyo na po! Iligtas niyo po ang mag-ina ko. Aaminin ko po na hindi ako naging mabuting tao. Madami akong nagawang Mali! Hindi din po ako masyadong nagsisimba noon. Pero ng ibinigay niyo siya sa akin. Unti-unti akong nagbago, tinulungan niya po akong mas mapalapit pa sainyo. Kaya sana po, huwag niyo po silang pabayaan. Alam ko pong pahiram niyo lang sila sa akin. Pero parang-awa niyo na po! Huwag niyo muna silang kuhanin, huwag niyo po muna silang bawiin sa akin. Please po! Iligtas niyo po ang mag-ina ko! Parang-awa niyo na po"
Halos nakasubsob na ako sa sahig! At basa ng luha ang mukha ko. Pero wala na akong pakialam! Kung ano na ang itsura ko ngayon! Ang mahalaga sa akin, maligtas iyong mag-ina ko.
"Please po....iligtas niyo po ang mag-ina ko."
Patuloy lang ako sa pag-iyak, habang nakasubsob ang mukha ko. Akala ko, okay na ang lahat! Ang dami na naming pinagdaanan! Ang dami na naming problemang nalampasan. Akala ko tapos na! Akala ko, tuloy-tuloy na iyong kasiyahan namin! Pero bakit may ganito pa? Bakit kailangan pang mangyari ito? Bakit ang mag-ina ko pa? Sana ako na lang!!
"Magpakatatag ka! Magiging maayos din ang lahat"
Rinig Kong may nagsalita kaya agad ko siyang nilingon. Nakita ko ang isang matandang lalaki, na nakatayo malapit sa akin.
"Magpakatatag ka iho! Hindi bingi ang Diyos! Naririnig ka niya! Magtiwala at manalig ka lang sa kanya! Siya na ang bahala!"nakangiting sabi pa niya, saka tinapik ang balikat ko. Ako lang naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Tandaan mo iho! Mabuti ang Diyos! Kaya manalig ka lang! At tiyak hindi ka mabibigo! Magiging maayos din ang lahat!"patuloy pa niya, saka niyakap ako.
"Salamat po"iyon na lang ang tanging nasabi ko.
"Sige iho! Mauna na ako!"paalam pa niya saka naglakad palayo sa akin. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napangiti na lang ako at pumikit.
"Magtitiwala ako at mananalig saiyo Oh Diyos! Ikaw na po ang bahala! Alam ko pong mabuti ka! At hindi nagpapabaya! Salamat po! Amen"-