ALEX'S P.O.V
Medyo maayos na naman ang pakiramdam ko ngayon. Kaya bumaba na ako para sana ay magluto, kaso pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si MM na nagluluto na. Agad naman siyang lumingon sa akin ng maramdaman niya ang presensiya ko.
"Oh bakit ka bumaba? Okay ka na ba?"agad na tanong niya at naglakad palapit sa akin. Napangiti naman ako ng makita ko ang itsura niya. Hehehe, ang cute!
"Hehehe, okay na ako! Kaya huwag ka ng mag-alala diyan. Magluluto na nga sana ako kaso naunahan mo na pala ako"sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin
"Hayaan mo na muna ako ang magluto ngayon! Magpahinga ka na lang muna diyan! Paluto narin naman iyon! Kaya relax ka lang diyan! Baka mabinat ka pa"sabi naman niya at inalalayan ako sa may upuan.
"Kaya ko na! Thank you! Sige na! Bumalik ka na sa niluluto mo. Baka masunog pa iyon"utos ko sa kanya.
"Okay! Diyan ka lang ha! Ako na bahala magprepare ng kakainin natin. Okay!?"sabi pa niya. Tumango na lang ako at nagthumbs-up sa kanya.
"Okay po! Sige na!"natatawang sagot ko. Agad narin naman siyang tumalikod at bumalik na ulit sa niluluto niya.
"Ay oo nga pala! Baby!"tawag ko sa kanya, dahilan para lumingon ulit siya sa akin.
"Bakit? Ano iyon Baby?"tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Nakalimutan ko lang sabihin na ang cute mo sa pink na apron!!"nakangiting sabi ko sabay kindat sa kanya. Natawa na lang naman siya. At tumingin na ulit sa niluluto niya, samantalang ako naman ay pinapanood lang siya. Naisipan ko naman kunan siya ng litrato. Napangiti na lang ako at agad itong inupload, na may caption na:
[ Ang cute niya no? Baby ko iyan😍😍😍 ]
Kaka-upload ko lang eh, ang dami na agad nagreact at nagcomments. Kinikilig daw sila, may nagtatanong pa kung kami na daw ba talaga? At kung ano-ano pa. Pero hindi din nawawala ang mga negative na comments. Na desperada daw ako kasi pumatol sa bakla! Manggagamit! At kung ano-ano pa! Pero hindi ko na lang pinansin. Kaysa patulan, pabayaan na lang! Lalo lang kasi silang hindi titigil kapag pinatulan ko pa eh. Kahit naman magpaliwanag ka sa kanila, hindi ka rin nila maiintindihan. Kaya bakit mo pa sila papansinin? Magkakagulo lang! Kung di sila napapagod eh! Eh di bahala sila diyan! Bahala sila! Kung ano ang isipin nila, ang mahalaga masaya ako! Masaya kami! Deadma na lang sa sasabihin nila. God bless na lang sa kanila!!
"Oh? Anong tinitingnan mo diyan sa cp mo At ang seryoso mo?!"biglang tanong sa akin ni MM. Umiling lang naman ako at tinago na ulit ang cp ko.
"Wala iyon! May binasa lang ako"sagot ko. Pero nakakunot parin ang noo niya na tila hindi na niniwala.
"Patingin nga!"sabi pa niya at kinuha ang cp ko.
"Hindi ko alam na kinuhanan mo pala ako"nakangiting sabi niya, ngumiti na lang din ako.
"Daming comments oh! Ganda kasi ng caption eh!"tuwang-tuwang sabi niya pa. Pero nawala ang ngiti sa mukha niya at bigla siyang naging seryoso. Siguro nabasa na niya ang mga negative comments..
"Grabe naman sila makapagsalita! Nakakagigil eh! Sarap ipagood-job eh"gigil na gigil na sabi niya. Natawa naman ako.
"Hayaan mo na lang sila!"sabii ko pa sabay agaw ng cp ko.
"Ano pa nga ba? Pero minsan sumusobra na din sila eh! Ang sakit nila makapagsalita. Kung makapanghusga sila akala nila kilalang-kilala ka nila! Hindi naman! Nakakabuwesit! Ang lakas makasira ng araw!"inis na inis na sabi pa niya. Napailing na lang ako at hinawakan ang mukha niya para iharap sa akin.
"Pabayaan na lang natin sila! Wala namang magandang maidudulot kung papatulan natin sila eh. Lalo lang silang hindi titigil, kaya mabuti pa ay huwag na lang natin silang pansinin. Kung hindi sila napapagod kakabash eh di bahala sila! Ang mahalaga masaya tayo!"nakangiting sabi ko sa kanya. Napanguso na lang naman siya
"Okay! Tama ka naman eh! Pero nakakainis lang kasi talaga eh! Wala ka namang ginagawang masama kung makapagsalita sila! Akala nila ang perpekto nila! Hay! Nakakabuwesit! Bakit kaya hindi na lang sila manahimik kung ayaw nila! Hindi iyong ang dami pa nilang sinasabi! Hindi naman natin sila pinipilit na magustuhan tayo ah! Eh kung hindi nila tayo gusto, eh di wag! Wala namang pilitan ah! Makapagsalita sila!!"nakasimangot na sabi pa niya. Napailing na lang ako
"Hayaan mo na nga lang kasi! Huwag mo na lang sila intindihin! Smile ka na diyan!"sabi ko pa. Ngumiti naman siya pero pilit lang..
"Hay naku! Bakit ba kasi ang bait mo!"sabi pa niya, yumakap naman ako sa kanya.
"Kaya nakakainis lalo eh! Sa bait mong iyan! Nakukuha pa nilang ibash ka!"sabi pa niya. Napangiti na lang ako sa kanya..
"Wala naman akong pakialam sa paninira nila eh! Kaya pabayaan na lang natin sila! Bahala na si God sa kanila"sagot ko pa. Napangiti naman siya sabay higpit ng yakap sa akin.
"Hay! Ibang klase ka talaga! Ang bait mo! Kung ako iyon sinagot ko na sila! Pero ikaw! Tanging 'God bless' lang ang isinagot mo sa kanila."sabi pa niya, sabay halik sa noo ko.
"Mabait nga kasi ako"natatawang sagot ko sa kanya. Natawa naman siya sabay titig sa akin. Nakipagtitigan din naman ako sa kanya. Inilapit naman niya ang mukha niya sa akin, napangiti na lang ako.
"Surprised!!!!"
"Ay sorry!!"
Napalayo naman kaming dalawa sa isa't-isa.
"Buwesit!"rinig ko pang sabi ni MM. Natawa naman ako....hahaha, wrong timing talaga sila! Kahit kailan!-