ALEX'S P.O.V
Tahimik lang ako habang nakasakay sa sasakyan. Hanggang ngayon kasi nahihiya parin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na ganun iyong look niya ngayon. Akala ko kasi nagpapaganda siya kaya ang tagal niya, iyon pala simple lang ang ayos niya. Madalas ko na naman siyang nakikita na nakapormang panglalaki, pero palagi parin akong nagugulat. Ngayon alam ko na kung bakit ang lakas ng tama sa kanya ni Lexi, ang lakas din kasi ng dating ng baklang ito eh.
"Uy! Bakit ang tahimik mo yata? May problema ba?"tanong niya pa sa akin. Umiling lang naman ako,
"Wala? Eh bakit ang tahimik mo?"tanong niya ulit.
"May iniisip lang! Huwag mo na lang akong pansinin"sagot ko, nang hindi parin tumitingin sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang inihinto ang sasakyan.
"Bakit mo itinigil?"tanong ko
"Anong problema mo?"seryosong tanong niya sa akin.
"Wala nga!"sagot ko but this time nakatingin na sa kanya.
"Wala eh? Bakit ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan eh!"tanong niya pa.
"Grabe ka naman! Parang sinabi mo naman na maingay ako"sagot ko sa kanya. Medyo natawa naman siya
"Sadya namang maingay ka talaga eh!"natatawang sabi niya sabay pisil sa mukha ko. Medyo nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Ay!sorry!"hinging paumanhin pa niya.
"Okay lang iyon! Pero grabe ka talaga sa akin! Sabihan ba naman akong maingay!"kunwaring nagtatampong sabi ko pa sa kanya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo! Kaya huwag ka ng magtampo diyan! Hindi bagay!"sabi pa niya habang natatawa. Inirapan ko lang naman siya
"Che! Ewan ko sayo! Magdrive ka na nga lang ulit!"utos ko pa.
"Wow! Naman! Lakas makapag-utos ah! Boss ka? Ginawa mo pa akong driver ha! Naks naman! Ang galing! Ikaw na!"sabi pa niya. Natawa naman ako ang bakla kasi ng pagkakasabi niya.
"Hahaha! Baklang-bakla ka doon! Hindi bagay sa itsura mo ngayon! Hahaha"natatawang sabi ko sa kanya.
"Bakit ano ba ang itsura ko ngayon?"biglang tanong niya sa akin. Tiningnan ko naman siya habang tumatawa parin.
"Ang gwapo mo kaya sa itsura mo ngayon! Tapos ganun ka magsalita hahaha!!"sabi ko pa.
"Ah! Ang gwapo pala ako today!? Kaya naman pala! Ganun na lang ang reaksiyon mo kanina! Kaya pala napanganga ka."nakangiti niya pang sabi at pinaandar na muli ang sasakyan. Napatigil naman ako sa pagtawa at napaiwas ng tingin sa kanya.
'Ano ba iyan Alex?! Ang bibig mo din no! Ang daldal!'saway ko pa sa sarili ko.
"Oh! Natahimik ka diyan? Kanina lang tawa ka ng tawa ah? Huwag mong sabihin na nahiya ka bigla?"tanong niya sa akin. This time naman siya naman ngayon ang tumatawa. Napanguso lang ako,
"Uy! Nahihiya siya! Siguro may crush ka sa akin no?"tukso pa niya. Nanlaki naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ano? Oo nahiya ako dahil sa sinabi ko! Pero ano iyong sinabi mo? Crush kita? Ay!grabe! Malabo iyon!"agad na sabi ko sa kanya.
"Ay! Grabe iyong reaksiyon ah! Pero mabuti naman at wala kang crush sa akin! Kasi mahirap na baka saan pa mapunta iyan! Alam mo naman na hindi kita kayang saluhin if ever na mainlove ka sa akin"mayabang na sabi pa niya sabay kindat sa akin.
"Inang! Ang yabang ha! Never mangyayari iyon no! Baklang ito! Laki ng tiwala sa sarili ha! Akala mo naman ang gandang lalaki niya"sagot ko pa.
"Sadya namang hindi ako magandang lalaki no! Kasi hindi naman ako lalaki! Baklang ito!"sabi naman niya
"Iyon na nga eh! Hindi ka tunay na lalaki! Kaya paano naman ako magkakagusto sayo?"nagulat naman ako sa nasabi ko. Kita kong biglang nagbago ang expression ng mukha niya.
"Sorry! Hindi naman ga-"
"Okay lang iyon no! Ano ka ba? Atsaka dapat lang talaga na hindi ka magkagusto sa akin no! Masasaktan ka lang"pagbibiro pa niya. Pero ramdam ko na medyo nalungkot talaga siya, hay ano ba iyan!
"Ikaw din! Baka ang lakas mo makapagsabi ng ganyan! Tapos ikaw pala itong maiinlove sa akin"pagsakay ko sa biro niya. Medyo natawa naman siya
"Yun ang malabong mangyari! Ang mainlove ako sa babae! Tapos sayo pa? Inang hindi pa ako nasisiraan ng bait!"sagot naman niya. Hinampas ko naman siya
"Uy! Nagdadrive ako! Ano ka ba?"saway pa niya sa akin
"Ay!sorry"hinging paumanhin ko
"Pero Ate M! Huwag kang magsasalita ng tapos ha! Baka kainin mo iyang sinabi mo kapag narealize mo na in love ka na pala sa akin"babala ko pa sabay kindat sa kanya.
"Ikaw din! Hawakan mo iyang puso mo! Baka mahulog sa akin"sagot niya sabay kindat din sa akin.
"Tingnan natin!"sagot ko nalang!
