CHAPTER 123

61 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Tulala lang ako, halos isang linggo na Simula ng umalis si MM, pero hangang ngayon ang sakit parin. Wala din akong balita sa kanya, tumatawag ako Kay ate Cassy pero hindi siya sumasagot. Ganun din sa mga beks, hindi ko din sila macontact. Ang dami din invitation sa akin para interviewhin ako pero lahat ng iyon tinanggihan ko. Ayaw ko munang lumabas ng bahay, nasa kwarto lang ako. Dito na rin ako dinadalhan nina mama ng pagkain ko. Ilang beses na din nilang tinangkang kausapin ako pero hindi ko sila sinagot. Wala akong gustong kausapin ngayon. Ranging gusto ko lang ay ang mapag-isa at umiyak.
"Sorry baby ha! Ganito si Mommy! Alam ko nahihirapan ka din! Kaya patawarin mo si Mommy ha. Ang sakit lang kasi, hindi kayang tanggapin ni Mommy na iniwan tayo ni Daddy mo, ang sakit! Sakit!"kausap ko pa sa baby ko. Umiiyak na naman ako, halos araw-araw na lang. 
"Princess!"pagtawag sa akin ni mama, pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Princess umiiyak ka na naman! Nag-aalala na kami sayo ng Papa mo. Baka makasama iyan sayo"sabi pa ni mama. Tahimik lang naman ako habang umiiyak.
"Please naman Princess oh! Kausapin mo si mama! Nag-aalala na ako sayo"pakiusap pa niya, pero tulala lang ako. Niyakap naman niya ako, ramdam kong umiiyak na si mama.
"Nahihirapan akong makita kang ganyan! Kung pwede lang sana ako na lang ang makaramdam ng sakit, para maging okay ka lang"umiiyak na sabi pa ni mama. Yumakap naman ako sa kanya habang umiiyak.
"I'm sorry ma! Ang sakit! Sakit lang kasi"hinging paumanhin ko. 
"Kaya mo iyan anak"sabi pa ni mama habang yakap-yakap ako.
"Hindi ko kaya ma! Hindi ko kaya"iyak ko pa.
"No! Kaya mo iyan! Kakayanin mo iyan"sabi pa ni mama. Sana nga kayanin ko...

MM'S P.O.V
Ang hirap na hindi ko siya nakikita, ang hirap na hindi ko siya nakakausap. Sobrang hirap na malayo sa kanya. Sa loob ng halos dalawang linggo hirap na hirap ako. Gusto ko ng umuwi para puntahan siya pero hindi pa pwede. Kailangan ko pang makuha ang result ko. Nananalangin na lang ako na sana okay lang ako! Na sana Mali iyong sabi ng mga doktor sa akin. Dahil hindi ko kakayanin! Gusto ko pang makasama ng matagal ang mag-ina ko. Gusto ko pang magpakasal kay Alex, gusto ko pang makitang lumalaki ang baby ko. Kay sana please! Sana okay lang ako.
"Anak!"tawag sa akin ni Nanay. Napatingin naman kay Nanay.
"Handa ka na ba?"tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid at tumango. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.
"Magiging maayos din ang lahat!"sabi pa ni Nanay.
"Sana nga po!"sagot ko. Gusto ko ng makabalik. Nag-aalala na ako kay Alex, sabi kasi nina mama at papa na hindi daw siya lumalabas ng bahay. Iyak lang daw siya ng iyak.
"Nay! Gusto ko ng umuwi! Gusto ko ng makita ang mag-ina ko"umiiyak na sabi ko.
"Makakasama mo din sila! Tiwala lang anak! Magiging maayos din ang lahat"sabi pa ni Nanay. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tumango.
"Salamat po Nay"sabi ko pa. Ngumiti lang naman siya sa akin.
"Nanay mo ako! Kaya palagi lang akong nandiyan para sayo"sagot naman ni Nanay. Kaya napangiti na lang ako, salamat at may Nanay ako na ganito na laging nandiyan para sa akin. 
"Tara na! Baka malate pa tayo"yaya pa sa akin ni Nanay. Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko. Aamin ko kinakabahan ako, kinakabahan ako sa magiging resulta ng test sa akin. Natatakot ako na malaman na baka nga may sakit ako! Na baka nga may cancer ako! Ayaw ko! 
"Huwag kang mag-alala! Malakas ang tiwala ko na wala kang sakit! Na okay ka lang!"sabi pa ni Nanay habang hawak-hawak ang kamay ko. Napangiti na lang ako 
"Sana ng po!"sabi ko pa.
"Magtiwala ka lang!"sabi pa ni Nanay. Tumango naman ako at sumakay na kami ng sasakyan. Magtitiwala ako! Okay ako! Makakauwi din ako sa mag-ina ko! Makakasama ko pa sila! Tiwala lang! Habang papunta naman kami at biglang tumunog ang cp ko. Kaya agad ko itong sinagot..
"Hello"sagot ko.
"Baby..."sagot niya sa kabilang linya. Nanlaki naman ang Mata ko dahil sa gulat. 
"Alex?.."tanong ko.
"Ako nga."sagot niya. Teka! Paano nito nalaman ang number ko?
"Bakit di mo sa akin sinabi? Mas ginusto mo pang itago sa akin! Akala mo ba hindi ako mag-aalala? Akala mo ba hindi ako mahihirapan? Nagkakamali ka! Kasi hirap na hirap ako ngayon! "Sabi pa niya. 
"I'm sorry Baby! Patawarin mo ako kung nilihim ko sayo! Payawarin mo ako kung umalis ako! Patawarin mo ako sa ginawa ko! Patawad"umiiyak na sabi ko pa. Rinig kong umiiyak din siya, 
"Please baby, huwag ka ng umiyak oh! Makakasama iyan sayo"pakiusap ko pa. 
"Kainis ka!"sigaw niya.
"Alam ko"sagot ko.
"Nakakainis ka! Kasi ikaw na nga itong may sakit ako pa iyong inaalala mo!"sabi pa niya. Napangiti naman ako
"Kaya Kong kalimuatan ang sarili ko para sayo"sagot ko. Hindi na naman siya sumagot..
"Hello baby!! Andiyan ka pa ba?"tanong ko. 
"Oo..nandito pa ako"sagot niya.
"Miss na miss na kita"sabi ko pa.
"Miss na miss na din kita.."sagot niya bago niya pinatay ang tawag. Nagulat man ako pero naiintindihan ko naman. 
'Uuwi din ako! Hintayin mo ako!!'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon