ALEX'S P.O.V
"Hi miss pwede bang makipagkilala?"pagbibiro pa niya. Kaya natawa ako at hinampas siya ng mahina.
"Joke lang!"natatawang sabi pa niya.
"Teka! Ano ba ito?"naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang naman siya tapos hinawakan ang kamay ko. Akala ko pa naman kasi, magpopropose na siya kaya siya lumuhod pero di naman. Tumayo na rin siya at inakbayan ako.
"Akala mo siguro magpopropose ako no?"natatawang sabi pa niya. Nahihiyang tumango naman ako.
"Oo! Paano naman kasi! May paluhod-luhod ka pa!"sagot ko. Tumawa lang naman siya ulit at iniharap ako sa kanya.
"Dadating din tayo diyan! Pero bago iyon..may gusto mo na akong sabihin sayo"nakangiting sabi pa niya.
"Ano iyon?"tanong ko.
"Alex....baby...alam mo bang mahal kita?"tanong niya sa akin. Napangiti naman ako at tumango.
"Oo"sagot ko.
"Buti alam mo"sabi naman niya.
"Kahit hindi mo man sabihin, nararamdaman ko naman eh"sagot ko. Ngumiti ulit siya at niyakap ako.
"Sorry kung hindi ko man nasasabi sayo ha! Pero Alex, Mahal na mahal kita"sabi pa niya. Napangiti na lang ako, ang tagal Kong hinintay na sabihin niya iyong mga salitang iyon. At heto na nga! Finally! Nahopia man ako kasi akala ko magpopropose na siya sa akin pero okay lang. Makakapaghintay naman ako eh.
"Mahal na mahal din kita MM"sagot ko habang nakatitig sa mga Mata niya.
"Alam ko"nakangiting sagot niya.
"Buti alam mo?"panggagaya ko sa kanya. Kaya natawa siya lang siya at hinila ako palapit sa kanya.
"Ang cute mo talaga! Kaya mahal kita eh"sabi pa niya. Habang papalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit na lang ako,
"Hindi kita ikikiss baby...kaya ibukas mo na ang Mata mo"bulong niya sa akin. Kaya agad Kong iminulat ang Mata ko at hinampas siya.
"Kainis ka! Buwesit ka! Palagi mo na lang akong pinapaasa!!"inis na sigaw ko pa sa kanya habang hinahampas siya. Pero tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Saglit lang baby!!! Pasensiya ka na! Hindi pa kasi tapos ang surprise ko sayo eh"sabi pa niya. Kaya natigilan naman ako
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko. Pero ngumiti lang siya at tumingala siya sa langit. Kaya tumingala din ako
"Ang daming mga bituin no?"tanong niya.
"Oo"sagot ko. Habang nakatingin sa mga bituin.
"Baby"tawag niya.
"Oh? Bakit?"sagot ko,
"Pwede bang basahin iyon!"utos niya.
"Ha? Ang alin?"tanong ko. At tumingin ako sa kanya.
"Iyon oh!!"turo niya, agad naman akong tumingin sa itinuturo niya. Nanlaki naman ang Mata ko ng makita ko ang tinuturo niya...
"Will you marry me?"basa ko.
"Yes Baby.."sagot niya. Kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya. Napaluha na lang akong makita siyang nakaluhod muli sa harap ko. Habang hawak-hawak ang isang sing-sing.
"Alex...Baby...Will you marry me??"
Kasabay ng pagtatanong niya ang paglabas ng mga taong mahahalaga sa amin. Lalo akong napaluha ng makita ko sila. Sina Mama at Papa, si Ate at Nanay. Kumpleto din amg mga kaibigan namin.
"Say yes!!!!!"
"Yes na iyan!!!"
Sigawan pa nila, napangiti na lang ako at muling tumingin kay MM.
"Baby.."tawag pa niya. Halata namang kinakabahan na siya.
"Baby please say Yes..."pakiusap pa niya.
"Hindi mo na kailangang makiusap pa.."nakangiting sagot ko.
"Kasi..."putol ko sa sasabihin ko.
"Kasi??"ulit niya.
"Kasi...pumapayag akong magpakasal sayo"nakangiting sagot ko. Rinig ko naman ang mga palakpakan. Agad namang isinuot ni MM ang singsing sa daliri ko at niyakap ako.
"Thank you Baby"masayang sabi niya.
"I love you so much"sabi pa niya. Ngumiti na naman ako
"Mahal na mahal din kita"sagot ko. At muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi na naman ako pumikit, mahirap na baka mahopia na naman. Napangiti na lang ako ng maglapat ang aming mga labi.