CHAPTER 78

54 4 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kanina pa ako hindi mapakali, ngayon kasi ang usapan namin ni Tyrone. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano ang gagamitin kong dahilan para hindi maghinala o magtaka si MM.
"Hi Baby!"bati niya sabay lapit sa akin. Ngumiti naman ako..
"Hello"bati ko din..
"Okay ka lang ba?"tanong niya sa akin.
"Ha? O-oo naman okay lang ako"sagot ko.
"Ah! Kanina pa kasi kita napapansing hindi mapakali diyan! Tapos bihis na bihis ka pa! May pupuntahan ka ba?"tanong naman niya. Nagulat naman ako sa tanong niya, sasabihin ko na ba? Ano ba dapat ang isasagot ko? Hay! Paano ba ito? Bahala na!
"Ahhmm...ganito kasi iyon Baby...ahhmmm.."kinakabahang sabi ko pa.
"Ano iyon?"tanong ulit niya.
"Ahmmm...magpapaalam sana ako"sabi ko pa. Napakunot naman ang noo niya
"Saan ka naman pupunta?"nagtatakang tanong niya. Patay! Ano ang sasabihin ko? 
"Ahmm..sa park!"sagot ko. Kita kong lalo siyang nagtaka.
"At anong gagawin mo sa park ng ganitong oras?"pagtatanong niya ulit. Buwesit! Ang hirap pala nito! Nagsisisi na ako kung bakit pumayag pa ako.
"Ah..ganito kasi iyon! May usapan kami nina Pauline at Lexi! Kaya magkikita kami sa Park"pagsisinungaling ko pa. 'Patawarin niyo po ako! Kung nagsinungaling ako! Kailangan lang po'
"Ah ganun ba! Saan naman ang punta niyo? At anong gagawin niyo sa ganitong oras?"tanong pa niya. Konting-konti na lang talaga, hihimatayin na ako dito! Ang dami niyang tanong!
"Hindi ko pa alam eh! Nagyaya lang kasi sila!"sagot ko pa. 'Oh my!! Ang sinungaling ko na! Kainis!'
"Okay!"sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko! 
"Pumapayag ka na?"hindi ko mapigilang itanong. Tumango naman siya
"Oo! Bakit naman hindi ako papayag! Eh mga kaibigan mo naman ang kasama mo. Atsaka wala naman akong karapatang pigilan ka!"nakangiting sabi pa niya. Napangiti narin ako at niyakap siya.
"Salamat baby ko!"nakangiting sabi ko pa.
"Wala iyon! Atsaka may tiwala naman ako sayo eh! Alam kong wala kang gagawin na ikakasama ng loob ko o kaya ikakagalit ko! Di ba?"sabi pa niya. Nakonsensiya naman ako,

'Sorry MM! Hindi ko gustong magsinungaling sayo! Sasabihin ko din naman eh! Pero hindi lang sa ngayon'

"O-oo naman!"sagot ko. At niyakap siya ng mahigpit. 'Sorry'
"Oh siya! Mabuti pa ay hatid na kita! Tutal may pupuntahan din ako ngayon! Sabay na tayo, para maihatid na muna kita"sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko, at tumingin sa kanya.
"At saan ka naman pupunta?"tanong ko.
"Sa bahay lang ng mga beks may aayusin lang kami"sagot naman niya.
"Sigurado ka?"paninigurado ko pa.
"Opo! Siguradong-sigurado"nakangiting sagot niya. Tumango naman ako.
"Okay!"sagot ko na lang at nauna ng tumayo.
"Tara na!"pag-aaya pa niya.
"Tara!"sagot ko at nauna ng lumabas. Hinintay ko na lang siya sa sasakyan. Agad din naman siyang sumakay sa sasakyan after niyang mailock ang bahay. Ngumiti lang siya sa akin at agad na pinaandar ang sasakyan. Buong biyahe hawak-hawak lang niya ang kamay ko..
"Hindi mo naman ako ipagpapalit di ba?"biglang tanong niya sabay hinto ng sasakyan. Nagulat naman ako, saan galing iyon?
"Ha? Saan naman galing iyon? Atsaka bakit mo naman naitanong iyon?"nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman siya
"Wala lang!"sagot pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Hinding-hindi kita ipagpapalit! Promise iyan!"nakangiting sabi ko pa. 
"Pangako iyan ha!?"tanong pa niya. Tumango naman ako, bakit parang malungkot siya? 
"Promise!"sagot ko at kiniss siya. Mabilis lang naman.
"Oh siya! Bababa na ako! Ingat sa pagdadrive ha! Text mo ako kapag nakarating ka na"bilin ko pa.
"Yes ma'am!"sagot naman niya. Napapailing na lang ako habang natatawa. 
"Bye Baby! Ingat ka!"sabi ko pa sabay kindat sa kanya. Natawa naman siya 
"Bye din Baby! Ako lang ha!"bilin pa niya. Natawa na lang ako pero kanina ko pa napapansin na ang weird niya. 
"Para kang sira! Sige na! Una na ako! Bye!"sabi ko pa at naglakad na papuntang park. Agad akong nagpalinga-linga, at hinanap si Tyrone. Pero hindi ko siya makita, don't tell me niloloko niya lang ako! Patay talaga siya sa akin. Naalala ko namang puntahan siya sa favorite spot namin dito sa park. Baka kasi nandoon siya.. Malayo palang ako ay natanaw ko na siya..

"Love!!"pagtawag niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisnge.....

MM'S P.O.V
Gusto kong palakpakan ang sarili ko ngayon. Ang galing-galing ko kasi! Ang galing kong magkunwari at magpanggap. Ang hirap pala ng ganito! Ang hirap na ngumiti at magkunwaring wala kang alam. Pero higit sa lahat mas mahirap iyong umasa. Umasa na baka magsasabi siya sayo ng totoo! Pero hindi! Iyong alam mo ng nagsisinungaling siya! Pero nakangiti ka pa! Ang galing di ba? Artista nga ako! Iyong gusto ko siyang tanungin! Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kasi gusto ko siya iyong kusang magsabi sa akin. Iyong tipong gusto ko siyang pigilan pero alam ko naman na wala akong karapatan. Ang hirap! Ang hirao! At ang sakit! 
"Ano ka ba MM! Para kang sira!!"saway ko pa sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Naghintay lang ako ng konting minuto at bumaba narin ako ng sasakyan para sundan siya. Yes tama ang basa niyo! Sinundan ko siya! Wala talaga akong ibang pupuntahan. Sinabi ko lang iyon para hindi siya maghinala at para madali ko siyang masundan. Inayos ko muna ang sarili ko at nagtago sa isang sulok. Kita kong naglakad siya papunta sa medyo tagong bahagi ng park. At mula sa pwesto ko tanaw ko si Tyrone na nakaupo. Ilang saglit pa ay tumayo narin ito at nagtatakbong lumapit kay Alex. Nagulat naman ako sa sumunod na nangyari.

"Love!!"sigaw niya sabay halik at yakap kay Alex.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon