ALEX'S P.O.V
Nakakaloka talaga ang mga magulang ko. Iyong takot na takot ako kanina dahil baka magalit sila tapos iyon pala expected na nila iyon.
"So ano nga pong pustahan iyon ma! Pa?"tanong ko ulit. Tumingin naman sa akin si Papa tapos ay ngumiti.
"Ganito kasi iyon Princess! Napag-usapan namin kayo noong nakaraang linggo. Tapos nasabi ko sa mama mo, na hindi magtatagal at magkakaapo na tayo. Natawa lang naman siya at ang sabi ay napakaimposible daw. Ang sabi ko naman kahit magpustahan pa kami. Eh pumayag ang mama mo! Ako naman hindi nababahala kasi sigurado naman ako na ako ang panalo. Sa itsura niyo pa ba naman! Halos ilang beses namin kayong madatnan na...alam niyo na"kwento pa ni Papa. Napanganga na lang ako, hindi ako makapaniwala! Grabe! Ang mga iniisip nila sa amin!
"So ibig sabihin po, expected niyo na mangyayari ito?"tanong ko pa. Tumango naman si Papa.
"Oo! Kaya hindi na ako nagugulat"balewalang sagot niya pa. Napailing na lang ako, pambihira!
"Grabe naman kayo pa! Sobrang advance niyo mag-isip! At kaloka ha! Talagang pinagpustahan niyo pa kami!"sabi ko pa.
"Pasensiya ka na Princess ha! Ito kasing papa mo! Sari-sari ang naiisip kaya pati ako nahawa narin"hinging paumanhin naman ni mama.
"Okay lang po iyon ma! Ang cool nga po eh! Nakakatawa po siya! Natatawa ako doon sa pustahan!"natatawang sabi naman ni MM. Kinurot ko naman siya
"At talagang natawa ka pa ha!"sabi ko pa sa kanya.
"Eh sadya namang nakakatawa eh! Mantakin mo iyon! Kabadong-kabado ka! Takot na takot ka na sabihin sa kanila kasi baka magalit sila tapos iyon pala inaasahan na nilang mangyari iyon"sagot naman niya. Napailing na lang ako
"Ang galing niyo naman po Pa! Mantakin mo iyon! Nahulaan mo"baling naman ni MM kay papa.
"Malamang! Paano ko hindi mahuhulaan? Eh alam ko namang malandi ka! Kaya alam na!"sagot naman sa kanya ni papa. Napasimangot naman siya...hahaha.
"Pa naman! Grabe naman iyong malandi! Ouch ha"nakasimangot na reklamo niya kay papa.
"Anong grabe doon? Eh sadya namang malandi ka talaga! Huwag kang tumanggi! Babatukan kita!"banta naman ni papa sa kanya. Parang gusto ko namang matawa, 'hahaha! Ganyan nga papa! Malandi po talaga iyan'
"Baby! Tingnan mo si Papa oh! Inaaway ako"pagsusumbong niya sa akin. Tumawa lang naman ako
"Nagsasabi siya ng totoo Baby! Malandi ka naman talaga"sagot ko sa kanya. Lalo naman syang sumimangot
"Ang galing mo Pa talagang manghula!"sabi ko pa kay papa.
"Uy! Uy! Huwag mo akong bolahin! Dahil isa ka pa din! Hindi ka din talaga nakatiis eh!"sabi naman ni Papa sa akin. Napanguso naman ako, akala ko okay na?
"Pa naman eh!"dabog ko.
"Huwag mo akong ma-'pa naman eh' hindi dahil hindi ako nagalit ay ayos na ang lahat!"sagot ni papa sa akin. Napasimangot na lang ako, kita ko namang natatawa si MM sabay belat sa akin. Kainis!!
"Sorry na Pa! Bati na tayo! Huwag mo na ako awayin! Sige ka! Magagalit sayo ang apo mo!"pananakot ko sa kanya.
"Huwag mo gamitin ang apo ko! Makalolo iyan! Kaya hindi iyan magagalit sa akin!"sagot naman niya. Hanu raw? Makalolo? Wow! Si papa na talaga ang pinakaadvance na mag-isip na nakikilala ko.
"At paano mo naman Pa nalaman na Makalolo siya?"tanong ko pa.
"Simple lang...dahil advance ako mag-isip! Paki mo ba!"sagot niya sa akin. Rinig ko namang nagtawanan sina mama at MM.
"Huwag mo na lang pansinin ang papa mo iha! Di lang iyan nakainom ng gamot niya"natatawang sabi naman ni Mama sa akin.
"Uy! Sweetheart! Huwag kang ganyan! Dapat kampi tayo dito!"maktol naman ni Papa kay Mama.
"Sweetheart! Kung gusto mong suportahan kita....umayos ka!"sagot ni mama sabay pongot kay papa.
"Aray naman Sweetheart! Masakit"reklamo pa ni Papa. Natawa naman ako, nagulat naman ako ng biglang umakbay sa akin si MM. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Cute nila no?"bulong niya sa akin, tumango na lang naman ako.
"Uy! Uy! Nawaglit lang kami eh!"biglang singit naman ni Papa at inalis ang pagkakaakbay ni MM sa akin. Tapos ay umupo sa gitna namin.
"Pa! Ano na naman ito?"tanong ko.
"Di pa tayo tapos! Si porke't di kami nagalit ay ganun-ganun na lang!"sagot ni papa. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ibig niyo pong sabihin?"tanong ko.
"Kailangan kitang makausap"sagot niya pero kay MM nakatingin.
"Siya lang po? Eh ako po?"tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Doon ka muna sa taas"sagot pa niya. Nanlaki naman ang mata ko.
"No Pa! Ayaw ko doon! Dito ako"matigas na sabi ko. Umiling naman si Papa
"Huwag ng matigas ang ulo Alex! Lumakad ka na sa taas! Doon ka muna sa kwarto!"utos ni Papa. Tumingin naman ako kay mama para humingin ng tulong pero sinenyasan niya lang akong sumunod.
"Sige na Princess sumunod ka na"sabi pa ni mama. Napanguso naman ako, bakit ang daya! Di ba dapat kasali ako!
"Baby!"tawag ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya
"Sige na Baby! Sumunod ka na kay Papa! Ako na bahala dito! Kakausapin lang naman nila ako eh"nakangiting sabi pa niya.
"Sure ka po Pa? Kakausapin mo lang siya ha! Huwag mo siyang sasaktan"sabi ko pa.
"Huwag kang mag-alala iha! Walang masamang gagawin ang Papa mo kay MM"sagot ni mama.
"Sabi niyo iyan ha!"paninigurado ko pa. Tumango naman sila, kaya tumayo na ako at naglakad pataas ng hagdan. Huhuhuhu bakit ang daya nila! Bakit sila lang tatlo? Di ba dapat kasama din ako? Waaaaaahhhh Ang Daya!!!!-