CHAPTER 9
ALEX' P.O.V
Tahimik lang ako habang nasa sasakyan kami. After kasi ng photoshoot ay kaagad narin kaming umuwi. Dalawa na lang kami ni MM sa loob ng sasakyan, kasama ang driver so bale tatlo pala kami. Humiwalay na kasi sa amin ang tatlo, may lakad pa daw kasi sila. Kaya heto! Ang tahimik naming dalawa! Walang kibuan. Sabagay din naman wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Kaya tahimik lang ako habang nakatingin sa daan. Siya naman busy sa kanyang cp.
"Okay ka lang? Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain muna tayo?"rinig Kong tanong ni MM. Teka ako ba ang tinatanong niya? Napalingon naman ako sa kanya, para siguraduhin kung ako nga ang tinatanong niya.
"Ako ba iyong tinatanong mo?"tanong ko pa.
"Ay hindi! si manong driver ang tinatanong ko"sagot niya, napatungo na lang ako. Mali pala! Hindi pala ako!
"Pasensiya na akala ko ako iyong tinatanong mo"hinging paumanhin ko pa.
"Eh sino pa nga ba? Talagang naniwala kang si manong driver nga iyong tinutukoy ko? Ay grabe!! Ang slow mo din!"sabi pa niya. Inangat ko naman ang tingin ko sa kanya. So ako nga?
"Ako nga iyong tinatanong mo?"pagsisigurado ko pa.
"Natural! Dalawa lang naman tayo dito eh!"sagot pa niya.
"Ay!oo nga! Pasensiya na akala ko talaga ay hindi ako eh"sabi ko pa. Napailing lang naman siya..
"So ano nga?"tanong pa niya..
"Ha?"balik na tanong ko, inirapan naman niya ako.
"Hay naku! Ewan ko sayo! Kuya daan po tayo sa malapit na restaurant! Mukhang gutom na kasi itong kasama ko! Lutang na eh"sabi pa niya. Nahiya naman ako..grabe siya talaga!!
"Sige po ma'am"sagot naman ni manong driver, na natatawa na lang. Tumahimik na lang ako, at nagbisibisihan na lang sa cp ko. Oo nga pala! Wala man lang akong natanggap na text or tawag mula Kay love. Kamusta na kaya siya? Busy pa kaya siya? Sinubukan ko namang tawagan siya kaso, hindi ko siya makontak. Kaya tinext ko na lang para kamustahin.
Text message: To Love
Hi Love! Kamusta ka na? Miss na kita! I love you😘😘😘
'Message sent'
Napangiti na lang ako, habang hinihintay ang reply ni Tyrone. Pero lumipas ang ilang minuto pero wala siyang reply!
'Busy pa yata siya'
Muli ko pang tiningnan ang cp ko at umaasang magrereply siya! Pero wala! Kaya tinago ko na lang ulit ang cp ko. Sakto namang tumigil ang sinasakyan namin sa tapat ng isang restaurant.
"Tara na! Huwag mo ng hintayin ang text niya! Nasa Batangas sila ngayon! Nagkayayaan sila ng mga kabarkada niya! Baka lasing na siya ngayon!"biglang sabi sa akin ni MM. Nakakunot-noo naman akong tumingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? Paano mo po nalaman?"tanong ko sa kanya.
"Heto oh!"sagot niya sabay pakita sa akin ng post ni Tyrone. Hindi ko naman napigilang hindi malungkot, akala ko sobrang busy niya lang iyon pala! Nag-eenjoy lang siya kasama ang mga kabarkada niya. Hindi man lang niya ako nagawang tawagan o itext man lang.
"Huwag ka ng sumimangot diyan! Ikain mo na lang iyan!"nakangiting sabi pa niya sabay baba sa sasakyan. Tumango na lang ako sa kanya at bumaba narin sa sasakyan. Kaagad naman akong napatingin sa restaurant na tinigilan namin. Hala! Mukhang mahal dito ah! Patay ako nito! Wala akong pambayad.
"Ah! Ma'am balik na po ako ulit sa sasakyan! Mukhang mahal po yata diyan eh! Wala po akong pambayad"nahihiyang sabi ko pa sa kanya. Kita ko namang natawa siya! Kita niyo na! Tinawanan pa ako! Eh sa wala akong pera eh. Di naman ako katulad niyang mayaman!
"Alam mo nakakatawa ka talaga!!?"natatawang sabi niya sa akin.
"Dahil po ba sa wala akong pambayad diyan?"agad na tanong ko, umiling naman siya.
"Hindi iyon!"sagot niya
"Eh ano po?"tanong ko pa..
"Eh kasi naman! Nakakatuwa ka kasi, ang totoo mo lang! Hindi ka nahihiyang magsabi ng totoo!"sagot pa niya, naguluhan naman ako sa sagot niya, ha ano raw?
"Eh ano pong nakakatawa doon?"tanong ko ulit.
"Iyong reaksiyon mo! Iyon ang nakakatawa! Atsaka huwag kang mag-alala! Hindi naman kita pagbabayarin eh!"sagot pa niya habang natatawa. Nagulat naman ako sa sinabi niya..
"So ililibre niyo po ako?"di makapaniwalang tanong ko pa. Ngumiti naman siya sa akin..
"Oo! Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan! Atsaka tama na iyang kakatanong mo! Gutom na ako!"sabi pa niya sabay hila sa akin papasok sa restaurant. Nagpahila na lang ako sa kanya. Ako pa ba ang tatanggi? Eh gutom na rin ako no! Atsaka sayang naman! Libre to!
"Hayan maganda ka kapag nakangiti ka"gulat na napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin..nginitian ko naman siya.
"Mukhang maganda na ang mood mo po ngayon ah! Hindi na po kasi mainit ang ulo niyo sa akin"sabi ko pa, natawa naman siya.
"Pasensiya na ha! Badtrip lang talaga ako kanina! Tapos dumagdag ka pa! Kaya hayun nasungitan kita. Pero okay na ako! Bakit natakot ba kita?"tanong pa niya
"Medyo"sagot ko
"Pasensiya na ulit! Pero huwag kang mag-alala mabait ako!!hahaha!"sabi pa niya. Natawa narin ako..
"Atsaka nga pala huwag mo na akong i-po at huwag ng ma'am ang itawag mo sa akin. Okay na iyong meme or ate MM! Kung saan ka kumportable."dagdag pa niya, tumango naman ako..
"Sige p..este sige! Ate MM"nakangiting sabi ko.
"Better! Tara! order na tayo! Gutom na talaga ako!"hirit pa niya..sabay tawag sa waiter. Hinayaan ko na lang siya ang umorder ng pagkain namin...
