CHAPTER 115

88 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Walang paglagyan ang kasiyahan ko dahil nagkaayos na kami ni MM. Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Nakahiga lang habang nakayakap ako sa kanya. Namiss ko kasi talaga siya eh!sobra! Sobra!
"Namiss kita sobra! Iyang amoy mo! Itong yakap mo! Iyong ganito tayo! Namiss ko lahat"sabi ko pa habang sinisiksik ang sarili ko sa kanya.
"Namiss din kita sobra! Iyong amoy mo!(sabay amoy sa akin) iyong yakap mo(yumakap din naman siya sa akin) iyong ganito tayo!"ulit niya sa sinabi ko. Pero bigla siyang humarapa sa akin
"Pero alam mo ang pinakanamiss ko?"tanong pa niya. Parang alam ko na ang ibig sabihin niya ah! Loko talaga! 
"Ano?"kunwaring tanong ko. Pilyong ngumiti naman siya
"Iyong kiss mo"pilyong sabi niya. Ngumiti naman ako
"Ako din! Namiss ko din iyong kiss mo"pilyong sagot ko. 
"Talaga? So baka naman pwede bang makahingi ng isang kiss diyan?"tanong niya. 
"Pwede naman! Kahit sampu pa!"pilyong sagot ko. Natawa naman siya at walang pasabing inangkin ang labi ko. Napangiti na lang ako at tumugon sa halik niya. 
"Isa!"sabi pa niya ng maghiwalay ang mga labi namin. 
"May siyam pa"pilyong sabi niya. Natawa na lang ako
"At talagang nagbilang ka ha"natatawang sabi ko.
"Siyempre"nakangiting sagot niya sabay halik ulit sa akin. Ganun lang siya hanggang sa makarating siya ng siyam.
"So paano ba iyan! Iisa na lang?"asar ko pa. Pero ngumisi lang siya, at umayos ng higa katabi ko. Napakunot naman ang noo ko
"Akala ko ba hanggamg sampu? Eh bakit hanggang siyam lang?"takang tanong ko. Natawa naman siya
"Pamaya na iyong pangsampu! Special kasi iyon eh"sagot niya.
"Ha? Bakit naman naging special ang pangsampu?"tanong ko ulit.
"Basta! Malalaman mo din pamaya! Ang mabuti pa ay kumain muna tayo sa baba! Para malakas tayo pamaya"pagyayaya niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Anong sabi mo? Para ano?"paglilinaw ko. 
"Ha? Sabi ko tara sa baba! Kumain muna tayo! Para lumakas tayo! Ganun"sagot niya. 
"Pero parang iba iyong sabi mo kanina"sabi ko pa. 
"Ha? Iyon kaya ang sinabi ko kanina!"sagot pa niya at bumangon na. Inalalayan naman niya ako sa pagtayo, sweet talaga! 
"Sigurado ka? Iyon talaga amg sinabi mo?"tanong ko pa. Tumango naman siya
"Oo nga! Teka! Ano ba iyong rinig mo?"tanong naman niya sa akin. Umiling naman ako
"Wala! Baka nga iba lang ang rinig ko!"sagot ko.
"Ano nga iyon?"tanong pa niya.
"Wala nga! Mabuti pa ay tayo na sa baba!"pagyaya ko na lang at hinila na siya.
"Daya nito!"rinig ko pang bulong niya. Pero hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang ako pababa.
"Anong gusto mong kainin?"tanong ko sa kanya pagkarating namin sa kusina.
"Bakit?"tanong niya. Ha? 
"Siyempre para malaman ko at ng maluto ko na"sagot ko..
"Eh kaso hindi naman niluluto ang gusto kong kainin eh!"malungkot na sabi naman niya kaua nagtaka naman ako.
"Bakit ano bang gusto mong kainin?"tanong ko. Naglakad naman siya palapit sa akin at yumuko at tumapat sa tainga ko.
"Gusto ko kasing kainin ay Ikaw"buong niya. Nagulat naman ako kaya naitulak ko siya.
"Loko ka! Sari-sari ka na"mataray na sabi ko pa. Tumawa lang naman siya
"Tinatanong mo ako kung ano ang gusto kong kainin di ba? Kaya sinagot kita!"natatawang sabi pa niya. Inirapan ko lang naman siya.
"Ewan ko sayo! Siraulo ka! Ang halay talaga ng utak mo no! Kaloka"sagot ko sa kanya. 
"Ha? Alin naman ang mahalay doon? Wala naman di ba?"patay malisyang tanong pa niya. Hinampas ko naman siya
"Anong wala ka diyan?! Eh hindi mahalay iyong sagot mo na ako ang gusto mong kanain!!"sagot ko sa kanya. Tumawa naman aiya ng malakas.
"Eh ano naman ang masama doon?"tanong pa niya. Tinalikuran ko lang naman siya
"Che! Ewan ko sayo!! Maghanap ka ng kausap mo! Lumabas ka na nga! Magluluto na ako!"pagtataray ko pa. Bigla naman niya akong niyakap.
"Ito naman! High blood agad! Joke lang naman iyon eh! Sorry na!"paglalambing pa niya.
"Ikaw kasi! Puro ka kalokohan! Kaya nakakapikon tuloy"sagot ko. Inikot naman niya ako paharap sa kanya
"Kaya nga sorry na! Nagbibiro lang naman ako eh"pagpapacute pa niya. Di ko naman mapigilan hindi mapangiti. Agad kong hinawakan ang mukha niya at pinanggigilan ito.
"Aray naman! Kawawa na talaga amg mukha ko sayo! Sigurado talaga ako kamukha ko ang magiging baby natin"sabi pa niya habang hawak-hawak ang namumula niyang mukha. 
"Hindi kaya no! Ako kaya ang magiging kamukha ni Baby!"sagot ko. Umiling naman siya
"Hay naku Baby! Sigurado ako! Ako ang magiging kamukha talaga ni Baby. Lagi mo kaya akong pinanggigilan! Tapos ako pa ang pinaglilihihan mo! Kaya sigurado ako na ako talaga ang kamukha ng baby natin."laban niya. Aba!!!
"Eh di ikaw na kung ikaw!!"sagot ko sabay irap sa kanya.
"Hay! Okay! Sige na! Parehas na lang tayong kamukha ni Baby! Okay na ba iyon? Huwag ka ng magalit!"paglalambing pa niya. Napangiti na lang ako. Ayaw talaga niya n nagkakaway kami! Ang sweet niya talaga!! Hay! Ang swerte ko talaga sa kanya...
"Hindi po ako galit! At sana nga parehas nating kamukha si Baby"nakangiting sagot ko. Ngumiti naman siya at yumakap sa akin...

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon