CHAPTER 49

111 9 0
                                    

ALEX'S P.O.V
"Hoy!!"pagtawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinapansin. Patuloy lang siya sa paglalakad palayo sa akin.
"Hoy! Pansinin mo naman ako!"tawag ko ulit habang sinusundan siya. Lumingon naman siya sa akin tapos umirap. Taray! 
"Che!! Ewan ko sayo!!"galit na sabi pa niya. Bakit ba talaga siya nagagalit sa akin?
"Sorry na!"sabi ko pa, kahit hindi ko naman alam kung bakit siya nagagalit. Hay!
"Sorry mo mukha mo! Magsama kayo ng ex mong siraulo!"sabi pa niya at naglakad na ulit. Gusto kong matawa sa mga inaasta niya! Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Konting-konti na lang iisipin ko na talagang nagseselos siya. 
"Hoy sandali!"tawag ko pa, saan ba ito pupunta! Papasok ba siya sa gubat? Kaloka ha! Agad ko siyang hinawakan ng maabutan ko siya. Hiningal ako doon ah! 
"Bakit?"pagtataray pa niya! 
"Umamin ka nga! Nagseselos ka ba?"lakas loob na tanong ko. Kita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. 
"Anong sabi mo? Ako? Nagseselos? Wow naman! Lakas ng tiwala sa sarili ah!"sabi naman niya. Tiningnan ko naman siya sa Mata.
"Eh bakit nagkakaganyan ka? Bakit galit na galit ka? Kung di ka nagseselos, ano iyon?"tanong ko pa. Inirapan naman niya ako.
"Wala! Naiinis at napipikon lang ako! Iyun lang! Basta hindi ako nagseselos! Tapos!"sagot niya. Napangiti naman ako, at lalong lumapit sa kanya.
"Talaga?"tanong ko pa.
"Talagang-talaga!"sagot naman niya. 
"Okay! Sabi mo eh!"sabi ko na lang, pero nakangiti parin ako.
"Oh bakit ka nakangiti diyan?"tanong naman niya.
"Wala lang naman! Natutuwa lang ako"sagot ko pa.
"Bakit naman?"tanong pa niya. 
"Basta!"sagot ko. At nagsimulang maglakad..di ko alam kung saan papunta ito.
"Bakit nga?"pagtatanong pa niya. Humarap naman ako sa kanya habang paurong na naglalakad.
"Natutuwa ako kasi....nandiyan ka!"sagot ko sabay kindat sa kanya. Hindi ko nakita ang reaction niya kasi agad na rin akong tumalikod at binilisan ang paglalakad. Ramdam ko naman na sumusunod lang siya.
"Ako din masaya!"sigaw niya, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin din sa akin.
"Masaya ako kasi...kasama kita!"sabi pa niya habang naglalakad palapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya...bakit parang bumilis iyong tibok ng puso ko? Anyayare? Tumigil naman siya sa harapan ko.
"Tutunganga ka na lang ba diyan? O magsisimula ka ng maglakad?"biglang tanong pa niya. Kaya natauhan naman ako..
"Ha? Oo nga pala!"nahihiyang sabi ko pa at nakayukong naglakad. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Bagal mo!"sabi pa niya at hinila ako. Nagpahila na lang naman ako sa kanya, ewan ko ba? Pero hindi ko mapigilan hindi mapangiti. Teka! Kinikilig ba ako? No hindi pwede ito! Bigla naman siyang huminto..
"Nandito na tayo!"sabi pa niya, agad ko namang nilibot ang paningin ko sa paligid. Di ko naman mapigilang hindi mapahanga sa Ganda ng lugar. Nababalot ito ng puro bulaklak, tapos sa gitna ay may isang puno.
"Wow! Ang Ganda!"hangang-hangang sabi ko pa. 
"Ang Ganda nga!"sabi din niya, tumingin naman ako sa kanya. Pero to my surprised sa akin siya nakatingin. Agad din naman siyang umiwas. 
"Tama ka! Sobrang ganda ng lugar na ito! Kaya nga binili ko siya! At sinisiguradong maalagaan"dagdag pa niya. 
"Sino na ang nakapunta dito?"biglang tanong ko. 
"Ikaw pa lang"sagot niya. Nagulat naman ako,
"Ako pa lang?"pag-uulit ko, tumango naman siya, 
"Oo! Ikaw pa lang! Maliban sa mga nag-aalaga ng lugar na ito!"sabi pa niya. 
"Pero bakit mo ako dinala dito?"tanong ko ulit. Tumingin naman siya sa akin
"Kasi gusto ko lang!...."sagot niya at nagsimula ng maglakad. Napangiti na lang ako, isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko! At aaminin ko na kinikilig ako. I feel special..
"Tara!"pagyaya pa niya habang nakalahad ang kamay sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya at inabot ang kamay niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang nilagyan ng bulaklak ang tainga ko.
"Bagay sayo! Lalo kang gumanda"nakangiti niya pang sabi bago ako hinila papunta sa may puno. Oh my!! Pwedeng sumigaw!! Wahhhh bakit ganito siya?!!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon