ALEX'S P.O.V
Nakangiti ako habang nakatingin sa maliit na litrato, mula sa ultrasound ko kanina. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may baby na dito sa loob ng tiyan ko. Parang kailan lang ng magkakilala kami ni MM, tapos ngayon magkakababy na kami. Wala man siya sa plano, at hindi inaasahan. Pero masaya ako, at pinapangako ko na aalagaan ko itong baby na ito at mamahalin. Pero alam ko na hindi madali ang pwede naming pagdaanan. Maaaring may marinig kaming negative comments mula sa ibang tao. Pero handa naman ako doon, ang hindi lang ako handa ay sa magiging reaction ng parents ko. Kabilin-bilinan pa man din nila na kasal muna bago Baby. Tapos heto na nga! Excited si Baby, kay nauna na bago pa man kami ikasal. Alam ko na pwedeng magalit, o magtampo sina mama at papa pero naniniwala naman ako na matatanggap din nila ito. Siyempre apo nila ito, kaya sigurado akong matutuwa sila na makita siya. Hay! Dami kong iniisip! Kabilin-bilinan pa man din ng Doctor na huwag akong magpapastress tapos heto ako kung ano-ano ang iniisip. Hay! Saka ko na lang isipin ang mga iyon! Ang mahalaga ay masaya ako at healthy si baby. Excited na nga ako na sabihin ito kay MM eh! Ano kaya ang magiging reaction niya? Alam ko magugulat siya! Sana naman maging masaya siya! At matanggap niya si Baby.
"Baby! Excited ka na ba makilala si Daddy?"tanong ko pa habang hinahaplos ang tiyan ko. Hindi pa siya halata ngayon kasi iisang buwan pa naman si Baby eh. Excited lang talaga ako! Ganito pala ang pakiramdam ng first time mom. Masaya na natatakot na ewan! Basta ganun!.
"Okay Baby! Ako din eh! Excited na sabihin kay Daddy mo na nandiyan ka na"sabi ko pa at naglakad na palabas. Palabas na sana ako ng makita ko si MM. Nakatalikod siya pero kilala ko siya iyon. Kausap niya si Doctor Santos. Balak ko sana siyang gulatin kaso napahinto ako ng marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Mabuti naman kung ganun! Pero maiba! Nasabi mo na ba sa kanila?"rinig ko pang tanong ni Doctor Santos kay MM. Ano iyong pinag-uusapan nila? Nagtago muna ako at nakinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Hindi pa po"sagot naman ni MM. Kita kong parang nalungkot siya, tinapik naman ni Doc ang balikat niya.
"Iho! Hindi naman sa pangingialam ha! Pero siguro dapat mo ng sabihin sa kanila ang totoo."sabi pa ni Doc sa kanya. Napakunot naman ang noo ko. Teka! Ano bang pinag-uusapan nila? Ano ba iyong dapat sabihin sa amin ni MM?
"Balak ko na nga po sabihin eh! Kaso hindi ko po alam kung paano ko po sasabihin. Lalo na po kay Alex"sagot naman ni MM. Lalo naman akong naguluhan ng marinig ko ang pangalan ko. Parang kinakabahan ako dito ah!
"Hay naku iho! Iyan na nga ang sinasabi ko sayo! Di ba binalaan na kita noon? Pero hindi ka nakinig! Hayan tuloy! Nahihirapan ka ngayon"sabi pa ni Doc. Iyong kahit hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, parang nasasaktan na ako.
"Alam ko naman po iyon Doc eh! Alam ko po na mali ang ginawa kong pagsisinungaling. Pero nadala lang po ako ng selos ko! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisip kong gawin iyon"sagot naman ni MM. Napataklob na lang ako sa bibig ko. No! Mali iyong iniisip ko! Hindi iyon ang tinutukoy nila!
"Hay! Ewan ko ba sayo! Pero ang mapapayo ko na lang sayo ay gawin mo ang tama. Sabihin mo na sa kanila habang maaga pa. Lalo na kay Alex! Bago niya pa malaman ang totoo. Sigurado akong magagalit siya sayo kapag nalaman niya ito."
Habang patuloy ko silang pinapakinggan parang unti-unting binibiak ang puso ko.
"Opo! Balak ko na pong sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko narin po kasing magsinungaling sa kanya. Kita ko po kung paano siya nahirapan dahil sa ginawa ko. At ayaw ko na po siyang saktan."
Parang unti-unti namang nanghihina ang tuhod ko dahil sa naring ko. Kahit ayaw kong tanggapin pero parang alam ko na kung ano ang tinutukoy nila. Please! Sana mali ako!!
"Mabuti iyan iho! Sana nga ay maging maayos na kayo!"
Akala ko tapos na silang mag-usap kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at naglakad na palapit sa kanila..pero hindi pala...at parang sinaksak ang puso ko sa mga sumunod niyang sinabi.."Salamat po Doc. Sana nga po! Sana nga po mapatawad niya ako sa ginawa ko. Sana po ay mapatawad niya po ako kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya. Sana mapatawad niya ako kapag nalaman niya na hindi talaga ako nagkaroon ng amnesia"
'Hindi talaga ako nagkaroon ng amnesia'
'Hindi talaga ako nagkaroon ng amnesia'
'Hindi talaga ako nagkaroon ng amnesia'Paulit-ulit na umeecho ito sa utak ko..
Hindi ko namalayan na umuurong na pala ako palayo sa kanila habang umiiyak.
'Nagsinungaling siya sa akin? Sa amin! Hindi totoo na nagkaroon siya ng amnesia! Ibig sabihin lahat ng iyon! Puro kasinungalingan lang! Gawa-gawa lang niya! Pero bakit? Bakit kailangan niyang gawin ito? Bakit kailangan niyang magsinugaling? Bakit kailangan niyang saktan ako ng ganito?? Bakit?? Bakit??'"Miss ano ba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!!"sigaw sa akin ng babaeng nakabunggo ko. Pero hindi ko siya pinansin, iyak lang ako ng iyak.
"Okay ka lang ba miss?"tanong pa nito. Tumango lang naman ako
"Okay lang po ako! Pasensiya na po"sagot ko. Tatakbo na sana ako paalis ng biglang may humawak sa akin.
"Alex! Sandali!"sabi pa niya. Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya. Kita ko iyong pag-aalala sa mukha niya. Pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"nag-aalalang tanong niya. Napangiti na kang ako ng mapait. Akma naman niya hahawakan ang mukha ko ng tabigin ko ito!
"Huwag mo akong hahawakan!"madiin na sabi ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Bakit? Teka! Baby! May problema ba?"tanong pa niya. Baby? Problema?
"Problema? Tinatanong mo kung ano ang problema ko?"sigaw ko sa kanya. Tumango naman siya kahit naguguluhan siya
"Ito ang problema ko!!"sigaw ko pa sabay sampal sa kanya. Kita kong nagulat siya pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong tumakbo palayo-
Magandang hapon sa inyo😘