ALEX'S P.O.V
"Ano na? Girl o Boy?"excited na tanong pa nila. Nagkatinginan naman kami ni MM, sabay ngiti.
"Hoy! Huwag na kayong magtinginan diyan! Sabihin niyo na!"pangungulit pa ni ate Cassy.
"Di makapaghintay? Atat lang?"pambabara pa ni MM.
"Oo! Di na talaga kami makapaghintay! Kaninang-kanina pa namin gustong malaman kung anong gender ni Baby"sagot naman ni Jon.
"Oo nga! Kaninang-kanina pa! Kung hindi lang niyo kami pinagtripan!"pagpaparinig pa ni Pauline. Kaya napanguso ako
"Sorry na! Di ko na uulitin!"nakangusong sabi ko pa.
"Talagang hindi na mauulit!"sabay-sabay na sagot nila. Kaya mapangiti na lang ako
"So ano na nga iho! Iha! Anong gender ng apo namin?"tanong naman ni Nanay. Kaya huminga muna ako ng malalim saka ngumiti ulit at tumingin sa kanila
"Si-"
"Ano na!!? Ang tagal naman eh!"reklamo pa ni Lexi, kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Kung di ka sana nagsalita diyan! Sana nasabi ko na!"mataray na sagot ko sa kanya. Nagpeace sign lang naman siya
"Sorry!"nakangiting sabi pa niya. Tumango lang naman ako
"So ayon nga! Ang gender ni Baby ay..........."
"ANO?????"pasigaw na tanong nila. Tumingin muna ako kay MM bago ulit humarap sa kanila
"Girl!!!"
Nanlaki naman ang Mata nila,
"Babae?? Yess!!!"tuwang-tuwang sabi naman Nina Jon. Kaya nagkatinginan kami ni MM at napakunot ang noo.
"Tama ako!! Babae nga!! Yahoo!!!"sigaw pa ni papa.
"Oo na! Panalo na kayo!!"naiinis na sigaw naman ni mama. Ano raw?
"Sabi ko naman sa inyo sweetheart! Hindi kayo mananalo sa akin!"pagyayabang pa ni Papa. Kami naman ay naguguluhang nakatingin at nakikinig sa kanila.
"Thank you Tito! Buti na lang po pala, sa inyo kami kumampi!"nakangiting sabi naman nina Jon, Pauline, at Ate Cassy kay Papa.
"Wala iyon! Ang mahalaga! Panalo tayo! Talo sila!!"tuwang-tuwa pang sabi ni Papa.
"Sige! Ipaglandakan niyo pa! Kami na ang talo!"inis na sabi nina Lexi at RC. Hindi naman ako nakatiis, kaya sumabat na ako
"Teka lang ha! Ano po iyong pinag-uusapan niyo?"tanong ko sa kanila, dahilan para tumingin sila sa amin.
"Oo nga po! Ano pong pinag-uusapan niyo!"tanong din ni MM.
"Ganito kasi iyon! Noong nakaraang-araw! Nagtalo-talo kami kung anong magiging gender ng anak niyo? Sabi nila (turo kina Mama! Ate! Nanay! Lexi! RC! At Rhian) lalaki daw ang magiging anak niyo! Sabi ko naman! Babae iyon! At hayun! Tama ako!!"kwento pa ni Papa. Tumango na kang ako
"Ah! Okay po!"sagot ko.
"Pag sapustahan talaga! Lagi siyang panalo!!"reklamo pa ni Mama. Kaya napalaki naman ang Mata ko
"Ano po iyon? Pustahan?"gulat na tanong ko. Tumango naman sila
"Pinagpustahan niyo ang gender ng baby namin?"gulat na tanong ni MM.
"Oo iho! Ang nanalo kami!"nakangiti pang sagot ni Papa. Napanganga na lang ako
"At talagang proud pa kayo? Grabe! Lahat na lang po pinagpupustahan niyo!"inis na sabi ko pa.
"Sorry iha! Napagkatuwaan lang naman namin eh"hinging pasensiya naman sa akin ni Nanay. Tumango naman ako
"Okay lang po iyon"sagot ko. Kahit po nakakaloka!
"Sa akin hindi okay iyon! Kaloka sila! Gawain na yata talaga nila ang magpustahan!"reklamo naman ni MM. Tumingin naman ako sa kanya at hinawkan ang kamay niya.
"Baby.."pagtawag ko sa kanya.
"Huwag ganun!"sabi ko pa. Nakasimangot lang naman siya.
"Eh baby kasi..pinagpu-"
Para tumahimik na siya ay hinalikan ko na lang siya. Nanlaki naman ang Mata niya kaya napangiti na lang ako.
"Okay na ba?"nakangiting tanong ko. Tumango naman siya, kaya napailing na lang ako
"Hayun!! Ang landi talaga!!!"pang-aasar pa ng mga beks. Kita ko namang sinamaan siya ng tingin ni MM.
"Oh tama na iyan!! Mabuti pa ay kumain na muna tayo"pag-aaya sa amin naman ni Mama. Kaya tumango na lang kami.-