CHAPTER 100

87 6 0
                                        

CHAPTER 100
ALEX'S P.O.V
Ilang araw narin since nakalabas ako ng Hospital. At tulad nga ng pangako ni MM, lagi nga siyang nakabantay sa akin. Hindi din niya ako pinababayaan na mag-isa. Tinupad talaga niya ang pangako kay Nanay, takot sigurong bugbugin ni Nanay. At speaking kina Nanay at Ate, nandito parin sila sa bahay. Dito muna daw sila habang hindi pa sila bumabalik sa Canada. Kaya naman doon muna natutulog si Ate sa kwarto ko samantalang si Nanay naman ay sa isa pang kwarto. Ako naman ay pinalipat na ni Nanay sa kwarto ni MM. Sapilitan po iyan! Wala po kaming nagawa! Gusto ko mang tumanggi kaso mapilit talaga si Nanay at sadyang tinakot pa ako na kapag hindi ako pumayag ay sasabihin niya kay MM na buntis ako. Eh di kahit labag sa kalooban ko! Pumayag na lang ako! Mas mabuti din naman iyon eh! Kasi parang isa sin yata siya sa pinaglilihihan ko. Gustong-gusto ko kasi na palagi siyang nakikita. 
"Oh! Lalim naman ng iniisip mo! May problema ka ba?"tanong niya sa akin sabay upo sa tabi ko. Umiling naman ako
"Wala! Iniisip lang kita!"sagot ko naman. Kita ko namang napangiti siya
"Ayiieee!! Kinikilig siya"tukso ko pa. Inakbayan naman niya ako.
"Ikaw kasi eh! Ang galing mong magpakilig"sagot niya pa. Natawa naman ako
"Himala yata ah! Hindi ka tumanggi"sabi ko pa. Tumawa naman siya
"Bakit pa naman ako tatanggi? Eh halatang-halatanaman"sagot naman niya. Lumingon naman ako sa kanya para tingnan ang mukha niya.
"I miss you"sabi ko pa. Lumingon din naman siya sa akin dahilan para magtama ang aming mata.
"Namiss din kita! Kahit araw-araw na tayong nagkikita!"nakangiting sabi naman niya. Napangiti naman ako, sabay pisil sa ilong niya. Masaya ako kasi unti-unti na siyang bumabalik sa dati. Kahit hindi pa niya ako maalala, atleast bumalik na siya sa dati.
"Baka naman matunaw ako niyan!"pilyong sabi pa niya. Hinampas ko naman siya ng mahina.
"Aray! Grabe ka talaga! Pinisil mo na nga ang ilong ko, hinampas mo pa ako"reklamo pa niya. Napangiti naman ako at hindi ko napigilan na ikiss siya, pero sa pisnge lang.
"Uy ha! Dumadamoves ka! Madaya ka!"sabi pa niya. 
"Wala namang madaya doon ah! Eh di gumanti ka na lang"pilyong sabi ko pa. Ngumisi naman siya sa akin
"Ah! Oo nga naman! Pwede nga pala akong gumanti"pilyongsabi din niya. Umurong naman ako palayo sa kanya. Pero nahawakan niya ako kaagad at agad na hiniga.
"Hoy! Anong gagawin mo?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at inilapit ang mukha niya sabay kagat sa tainga ko.
"Uy ano ba! Nakikiliti ako"saway ko sa kanya. Pero tumawa lang siya.
"Di ko alam na may kikiti ka pala dito"bulong pa niya. 
"Uy! Ano bang ginagawa mo!? Tumayo ka nga diyan"tanong ko pa. Umiling naman siya
"Ayaw ko ngang tumayo dito! Nag-eenjoy pa ako eh! Atsaka sabi mo, pwede akong gumanti! Kaya heto gaganti ako sa pagnanakaw mo ng halik sa akin."sabi pa niya.
"Kiss lang naman iyon sa pisnge ah! Eh bakit ganito iyong sayo?"sagot ko pa. Tumawa naman siya
"Siyempre! Para maiba! Ayaw ko ng gaya-gaya eh! Gusto ko iyong mas intense"pilyong sagot niya. Kaya hinampas ko naman siya. Loko siya ah! Parang iba iyong naiisip ko sa mga pinagsasabi niya.
"Loko! Umayos ka nga!"saway ko pa sa kanya.
"Ayos naman ako ah! Ayos na ayos pa nga eh! Ganda kaya ng pwesto ko"sagot pa niya. Hahampasin ko naman sana ulit siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Hep! Hep! Hep! Isa pang hampas mo! Hahalikan na kita! Hanggang sa hindi ka na makahinga"pagbabanta pa niya.
"Baliw! Eh di namatay naman ako pag hindi ako nakahinga!"sagot ko sa kanya. Tumawa lang naman siya tapos hinalikan ako. 
"Sarap!!"nakangiti pa niyang sabi. Gusto ko man siyang hampasin, kaso hawak niya ang kamay ko. Oh no!! Sinapian na naman siya ng kalandian niya!!
"Ano ba ang kinain mo? At mukhang sinapian ka na naman ng kalandian mo!!"tanong ko sa kanya pero ngumis lang siya.
"Grabe ka naman! Kalandian ba ang tawag sa ginagawa ko? Eh paano pa kaya ang gagawin ko? Ano kayang tawag doon"pilyong tanong pa niya. Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"kinakabahang tanong ko.
"Wala naman akong gagawin na hindi mo magugustuhan eh! Kaya huwag kang kabahan diyan!"nakangisi niyang sabi sabay halik sa noo ko, papunta sa ilong ko tapos ay sa pisnge. Tumingin naman siya sa akin tapos ay ngumiti. Naku! Naku po!! Bakit ang landi nito? 
"Excited ka na ba sa gagawin ko?"pabulong na tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. 
"A-ano ba ang gagawin mo?"hinihingal na tanong ko. 
"Ganito"nakangisi niyang sabi sabay halik sa akin. Nang una nagulat pa ako, pero napangiti na lang ako at tumugon sa halik niya....
'Namiss ko ito'

"Tok...tok...tok..tok..."

Rinig kong may kumakatok kaya agad akong umiwas sa kanya.
"May kumakatok"hinihingal na sabi ko sa kanya. 
"Hayaan mo na iyon! Huwag mo na lang pansinin! Titigil din iyon"sagot niya at hinalikan ulit ako.

(Tok..tok..tok...tok..)

Agad ko naman siyang itinulak..
"Buksan mo na ang pinto! Baka si Nanay iyon"utos ko sa kanya. Kita ko namang napasimangot siya at napahilamos sa mukha.
"Buwesit!!!"inis na sabi pa niya. Napangiti na lang ako at napailing..
"Okay lang iyan!! Huwag ka ng mainis"nakangiting sabi ko pa. Pero nakasimngot parin siya kaya hinalikan ko siya sa labi, pero saglit lang naman.
"Sige na! Buksan mo na ang pinto! Kanina pang katok ng katok eh! Baka si Nanay iyan! Patay tayo"utos ko pa. Tumango naman siya at nakasimangot na naglakad papuntang pintuan.
"Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng daot!! Buwesit eh!!"reklamo pa niya. Napailing na kang ako, halatang inis na inis siya, hahaha

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon