I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN'S POV
"Gusto mo ng ma-iinom?" tanong pa ng aking katabi.
"Nako, wag ka nang mag abala pre, maraming salamat sa pagkain na binigay mo. Kahapon pa ako huling kumain," ani ko naman sabay subo ng fries na isinawsaw ko sa ketsup.
"At saka, salamat din pala sa pagligtas mo sa akin kanina. Kung hindi mo ako tinutungan ay baka naging call boy na ako."
"Ang dami mo namang pasasalamat, wala lahat iyon," tugon niya, pansin ko ring nakatayo na pala siya sa aking harapan.
"Dito ka lang, bibili lang ako sa loob."
Hindi ko na siya napigilan sapagat ang bilis niya maglakad. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Hindi nagtagal at nakabalik na rin siya.
"Ito oh," alok niya, sabay abot ng biniling softdrink.
Tinanggap ko na lang iyon at nagpasalamat. Makalipas ang ilang minuto, malapit na akong matapos kumain, pero bigla naman siyang nagsalita kaya napalingon ako sa kanya.
'Nandito pa pala sya,' isip-isip ko pa. Nalibang kasi ako sa pagkain sapagkat ngayon lamang ako nakatikim ng ganito.
"Mag-iisang buwan na muli nang ako'y maka-uwi dito sa pilipinas, ilang taon rin kasi akong nagtrabaho sa ibang bansa," kwento pa niya.
Hindi ako sumagot at nakinig na lamang. Binigyan niya ako ng pagkain kaya pakiramdam ko ay obligado akong makinig sa kanya. 'Hays, iba din ang paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ah.'
"Ikaw Rylan, saan ka bang probinsya galing at bakit mo naisipang pumunta dito sa maynila?"
Napabaling ako sa kanya dahil sa kanyang naging tanong.
"Ah, sa Bulacan ako galing, nagbaka sakali ako dito sa maynila katulad ng ibang taga-probinsya na gustong makapag trabaho. Hindi naman bago sa akin ang kaibahan ng lungsod at probinsya. Maraming tao doon sa'min ang nagpayo sa'kin na mag ingat sa pagpunta ko dito. Lalong-lalo na ang aking mga magulang, alam kong nag aalala na sila sa'kin, pero nagpursige talaga akong pumunta dito kasi gusto ko silang matulungan."
Nakatitig lamang siya ng deretso sa aming harapan, pero pansin 'kong tumatango siya pa minsan-minsan ibigsabihin ay nakikining siya.
"May mga nakababata pa akong kapatid na nag aaral ngayon kaya naman, kung makahanap ako ng trabaho dito ay gusto 'kong suportahan ang pag aaral nila, gusto ko ring padalhan si inay ng pera para mabawasan naman ang aming utang at kung papaladin ako ay baka mapatigil ko na sila sa pag tatrabaho lalo na si tatay. Sobrang delikado kasi ang trabaho niya."
"Ano ba ang trabaho ng tatay mo?" tanong naman niya habang napapalingon sa akin.
"Nagtatrabaho siya sa isang pataniman ng palay."
"Ano naman ang sobrang delikado doon? Nangangain ba ang lupa na pinagsasakahan niya?" napapatawang tanong muli niya.
Inip ko naman siyang tiningnan bago sumagot..."Hindi naman siya magsasaka, taga-spray siya ng kemikal sa mga palayan," giit ko pa.
'Loko kasi, kung nangangain daw ba iyong lupa? Iba din 'to.'
"Oo nga naman, baka magkasakit nga siya dahil doon," pagsang ayon pa niya habang napapakamot sa batok.
Ngayon ata ay napagtanto na niya ang kanyang sinabi kanina. At ang munting bagay na iyon ay pumawi sa lungkot na aking nararamdaman. 'Marunong rin pala siyang mag joke' napapangiti ko pang saad sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...