I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Dylan, pasensya ka na talaga ha, ginabi ako sa labas," napapayukong paghingi pa ng paumanhin sa kanya, habang naglalakad na kami patungo sa kusina.
"Okay lang Ry ko, mukhang nag enjoy ka naman sa paglalaro," nakangiti pa nyang tugon.
"Hindi ka ba galit?" pagkukumperma ko pa, nakasimangot kasi siya pagbukas ng pinto kanina.
"Hindi ako galit, nag alala lang ako sayo kasi gabi na," aniya, habang nakasunod sa akin.
"Okay lang ako Dylan, salamat sa pag aalala mo." Lumingon ako sa kanya para silayan ang kanyang reaksyon.
Nagulat ako ng bumukas kanina ang pintuan, nakasimangot siya habang nakatingin sa akin, wala naman siyang ibang sinabi kung hindi lang ay tungkol sa pagbibihis at pagpapahinga bago magluto. Siguro napansin niya na dederetso ako agad sa kusina ng makarating ako kanina. Nahihiya kasi ako sa kanya sapagkat ginabi na ako sa labas tapos di pa ako nakakapagluto.
Nang makita kong kalmado naman siya ay saka ko pinagpatuloy ang pagsasalita. "May humarang kasing babae sa kin diyan sa labas kanina kaya ako ginabi."
"Ha! Sinong babae?" gulat na bulalas niya habang nanlalaki pa ang mga mata. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mag aalala sapagkat ang reaksyon kanyang ay parang sinabi kong buntis ako. Sinabi ko lang naman na may kumausap sa aking babae. 'OA talaga siya minsan.'
"Si Lily yon, yung nakatira diyan sa pink na bahay malapit dito sa bahay mo," paliwanag ko pa, kunot na kunot pa rin ang kilay niya habang nakikinig sa akin.
"Bahay natin," pagtatama pa niya sa akin, kala ko naman kung anong sasabihin.
"Ano sabi sayo ng Lily na yon?" tanong pa niya, habang ako naman ay naghuhugas ng bigas para isaing na. Walang mangyayari kung magkukwentuhan lang kami dito, kaya pinagsasabay ko na ang pagsagot sa interrogation niya at pagluluto.
"Tinanong lang niya kung matagal na daw ba akong nakatira dito. Hindi daw kasi niya ako laging nakikita," tugon ko sa kanya at saka isinalang ang bigas sa rice cooker.
"Tapos?" Nakatingin lang siya sa akin na para bang naghihintay ng matinding ganap sa aking kwento.
"Yun nga, sabi ko hindi ako nalabas ng bahay kaya hindi niya ako nakikita," napapakibit-balikat ko pang saad.
"Hayss, sorry na talaga Ry ko kung pinagbabawalan kita na lumabas, pero para sayo din naman iyon, ayaw kong mapahamak ka sa labas," aniya, habang napapakamot sa batok.
Nagsisimula na naman siyang magdrama kaya hindi na lang ako sumagot. Minsan nasagi sa utak ko kung lalaki ba talaga ang tingin sa akin ni Dylan, o isang batang walang kalaban-laban.
"Mabait naman si Lily at saka masaya ako sapagkat may bago akong nakilala," makatotohanan kong ani, para makunsensya siya ng kaunti.
Halos sinukin ako dahil sa pagpipigil ng tawa dahil sa nakakatawang itsura ni Dylan, bigla kasi siyang napatulala at halatang pino-proseso ang pahayag ko.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ko sapagkat mukhang wala nang balak si Dylan na kausapin ako. 'Baka gutom na siya kaya na tutulala na.'
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON POV
MONDAY / HENDRICKS ENTERPRISE
MULA umaga ay napapansin ni Nico na may kakaiba sa kanyang boss na si Dylan. Tahimik ito at halatang may malalim na iniisip. Naninibago siya sapagkat natural na masayahin at energetic ito.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...