I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
["Nay, sa tingin ko po ay Mahal ko na rin si Dylan" ]
"Nak, Okay ka lang," biglang sabi ni nanay kaya napatingin ang ako sa kanya.
"He-he opo nay," sagot ko naman.
Hayss... kala ko tunay na, nag iimahenasyon lang pala ako. Kung malakas lang ang loob ko ay siguradong nasabi ko na yun, kaso hindi eh.
"Nay medyo antok na rin po ako, tulog na tayo," pag aaya ko pa kay nanay papasok ng bahay.
Katamtaman lamang ang laki nitong bahay namin, pero may dalawang maliit na kwarto. Doon sa isang kwarto ay kay nanay at tatay, dun naman sa isa ay tulugan namin ng aking mga kapatid. Sa banig lang kami noon natutulog pero ngayon may kutson na. Natutuwa lang isipin na may maitutulong ako sa kanila kahit maliit na bagay lamang.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nakita ko pa na mahimbing ng natutulog ang kambal, dahan-dahan lang ang aking galaw pahiga sa tabi nila, baka kasi magising pa sila.
"Kamusta ka na kaya Dylan? Okay ka lang ba diyan?" alalang tanong ko pa sa aking isip habang nakatingin sa bubong ng aming bahay, nag aalala na talaga ako sa kalagayan niya doon.
"Dylan? Siya po yung boss niyo di ba?"
"Oo sya n--- Teka! Ben? Bakit gising ka pa?"
Halos mapabalikwas ako ng higa dahil sa gulat ng magsalita ang aking kapatid, T-Teka? Ibig sabihin ay narinig niya ang iniisip ko?
"Kuya hindi po, ibinubulong niyo lang kaya narinig ko," sagot niya muli. Jusko, kailangan ko ng tigilan ang bagay na yun.
"Ganun ba, pasensya na nagising pa kita," nakangiting sagot ko na lang sa kanya.
"Okay lang po kuya, salamat nga pala po dahil umuwi kayo ngayon para makasama namin at saka ipinamili niyo pa kami ng mga damit at sapatos."
"Naku, wala yun kayo pa, mga kapatid ko kayo kaya nga ako nag tatrabaho para sa inyo at sa buong pamilya natin," sabi ko dito sabay gulo sa buhok niya, naka tagilid siya pahiga para makausap ako.
"Kuya, masaya kaming makasama ka, pero mukhang miss mo na ang boss mo," nakangisi pang sabi naman ni Ken. Hindi ko inaasahan na gising din pala siya.
"K-Kayo talaga, hindi naman, nag aalala lamang ako sa kanya," nahihiyang pagtanggi ko pa.
"Yiee! Kuya namumula ka oh."
Ang kukulit talaga ng kambal na ito. Galing din mang asar eh.
"Naku kayo talaga, sya- sya matulog na tayo."
Sumunod naman sila, pero tinawanan muna ako bago yumakap sa akin. Kahit nag alala ay nakatulog ako na may ngiti sa labi.
▼△▼△▼△▼△
DEC. 22
DYLAN POV
WALANG kabuhay-buhay akong nagising sa araw na ito, bumangon, naligo at nagbihis. Yan lang ang ginawa ko bago magpunta sa opisina. Simula nang umalis ang Ry ko, nawalan na ako ng ganang kumain, lahat ng pagkain para sa akin ngayon ay parang wala ng lasa.
Mukhang sobra akong nasanay sa luto ng mahal ko, lahat kasi ng niluluto at ginagawa nyang dessert ay puno ng pag mamahal. Kaya ngayong wala siya ay daig ko pa ang taong namatayan ng buong pamilya dahil sa sobrang lungkot.
Gustong-gusto ko syang tawagan, pero pinipigilan ko ang aking sariling gawin ang bagay na iyon, ayaw kong istorbohin ang oras niya para sa kanyang pamilya. Matagal din silang nagkahiwa-hiwalay kaya naman gusto ko na mag focus muna siya sa kanyang pamilya ngayo. Pangako naman niya sa akin na basta nakalipas ang pasko ay uuwi na rin siya.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...