I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
DEC. 23
"Ry ko."
"Ry koo!"
"Ry koooo !!!"
Nakakabingi na tong si Dylan ah, kanina pa siyang tawag nang tawag sa pangalan ko na parang walang bukas.
Kunot na kunot ang kilay ko habang para namang baliw itong si Dylan na ayaw akong tantanan. Kung saan ako magpunta nandun din siya, lagi na lang nakasunod. Katulad na lang ngayon, habang nagluluto ako ng agahan namin ay nakayakap siya sa likod ko.
Sa totoo lang, hindi ako makagalaw dahil sa laki niya.
"DYLAN! Umupo ka muna dun!!"
"Pero Ry k--"
"Walang pero- pero," inis na saad ko pa sabay turo sa upuan sa island counter.
Para naman syang pinalong tuta habang malungkot na naglalakad patungo sa isang upuan
"Ry ko, namiss lang naman kasi kita ng sobra kaya ayaw kong mawala ka sa paningin ko baka mamaya na-nanaginip lang pala ako at bigla kang mawala," malungkot na turan pa niya habang nakatingin sa akin.
Napabuntong hininga naman ako bago tumapit sa kanya.
"Dylan, hindi ito panaginip at hindi ako mawawala. Nandito lang ako lagi para sayo," nakangiti ko pang tugon at ginulo ang kanyang buhok.
Kinuha naman niya ang kamay ko na nasa kanyang ulo at inilapit iyon sa kanyang labi para halikan.
'Wag mo akong lambingin ng ganito, Dylan, hindi pa ako halos nakaka move-on sa confession mo sa akin kanina,' isip-isip ko pa habang napapakagat labi dahil sa pagpipigil ng ngiti.
Alam kong namumula na naman ang mukha ko kaya mabilis kong binawi ang aking kamay sa kanya.
Tumalikod ako at ipinagpatuloy ang pag luluto ng ulam, magsasaing na sana ako ng kanin ng makitang may laman ito.
"Dylan, sinong nagluto ng kanin?" takang tanong ko habang nakatingin pa arin sa kanin sa kaldero, mukhang kagabi pa ito. Maayos ang pagkakasaing nito ah.
"Ako Ry ko, bakit?" nag aalala pang sabi naman niya.
Tumingin ako sa kanya at...
"Good job."
▼△▼△▼△▼△
10:30 am
"Ry ko, ano pang bibilhin natin!?" pasigaw na tanong pa ni Dylan habang namimili kami sa supermarket para sa noche buena bukas.
Sobrang daming tao na ngayon sa mga supermarket sa oras na ito, dapat pala bago ako umalis ay nag grocery na kami.
"Yung pang macaroni salad," sagot ko naman, kaya kahit sobrang daming tao ay nakipagsiksikan kami para makuha ang sangkap para dun.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...