I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Cherry? Nasaan na yung cherry?" bulong ko pa habang hinahanap ang lata ng cherry na narito lang kanina sa tabi ko.
Nandito ako sa kusina ngayon at sinisimulan ng gawin ang mga dessert para sa birthday party ni Gab. Gusto nga sana tumulong ni Lily at Brandon, pero sinabi ko sa kanila na kaya ko na lahat at saka busy din naman sila ngayon sa pag aayos ng mga gagamitin at mga palaro. Nag-hire sila ng catering para sa decoration ng venue ganun din para sa ibang pagkain at clown din para sa mga bata.
Tapos ko nang gawin ang fruit salad at buko pandan. Patapos na rin dapat ako sa black forest graham cake kaso nga lang ay ngayon pa naisipan ng cherry na yun na taguan ako. Ang natitira ko na lang na gagawin ay choco fudge ice cream at oreo ice cream. Gumawa na rin daw ako ng mga cookies at macaroon pang give a way.
"Sigurado ako dito ko lang yun nilagay," sabi ko sa aking sarili, wala naman akong ibang kasama dito ngayon sapagkat nasa trabaho si Dylan. Nakakalungkot man dahil nami-miss ko ang kakulitan niya.
Napapabuntong hininga na lang ako, kasalanan ito nung Cherry eh, kung sana di siya nawala ay di ako malulungkot. Ewan pati cherry ay sinisisi ko na.
"Nasan na kasi yunnn!?" inis na turan ko.
Kanina ko pa kasi hinahanap, pero di ko talaga makita, nakalkal ko na lahat ng nakapatong dito sa counter. Ganun din yung nasa cabinet at pati yung mga nasa paper bag kasi baka nailagay ko ulit dun, kaso wala talaga.
"Cherry ba ang hinahanap mo?"
"Oo yun nga, kanina ko pa nga hinahanap. Alam mo ba kung nasaa---" natigil ang aking sinasabi dahil bigla may nagsalita sa aking likuran, wala naman akong kasama. Patay may multo nga ata dito.
Dahan-dahan akong lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita.
"Ito yung Cherry oh," nakangiti pa niyang sabi habang inaabot ang lata sa aking harapan.
"N-Nico? Ano ang ginagawa mo dito?"
"Ah, si boss isinam--"
"Ry ko! Nandito na ako," masiglang hiyaw ni Dylan, sabay biglang sulpot mula sa pinto ng kusina.
Nagulat naman ako at napatingin sa orasan dito sa kusina. Woah! 2:30 pm pa lang, ang-aga niya umuwi at kasama pa talaga si Nico.
"W-Welcome home, Dylan at saka salamat Nico," nauutal na sabi ko pa dahil sa gulat, sabay abot sa lata ng cherry na hawak niya.
"Ang aga nang uwi mo ngayon Dylan, at bakit kasama mo pa si Nico? Wala ba kayong masyadong ginagawa sa opisina?"
"Umuwi talaga ako ng maaga Ry ko, Ipinacancel ko muna lahat ng meeting ko ngayon para tulungan ka, isinama ko na rin si Nico para makatulong din natin."
"Pero boss di naman ako marunong magbake at maggawa ng mga dessert, magaling lang ako kumain," natatawang rason ni Nico habang napapakamot sa batok.
"May sinasabi ka Nico?" tanong ni Dylan habang pinandidilatan ito ng masama.
"Hehe wala boss," napapatawang tugon ni Nico
"Nico, saan mo nga pala nakita itong lata ng cherry?" Hindi kasi mawala sa isip ko kung saan nagtago ang cherry na ito.
"Ah dito sa may pintuan ng kusina Rylan, bakit?" naguguluhang tanong pa niya, habang nakaupo na sa counter at nakatingin lang sa aking ginagawa.
Si Dylan naman ay tinitingnan ang mga panghimagas sa loob ng freezer.
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...