Fin.

5.3K 261 44
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ

RYLAN POV

"Lily kinakabahan ako," bulong ko pa habang inaayusan niya ako.

"Ngayon mo pa talaga na-tripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal niyo," sagot naman niya habang inaayos ang buhok ko.

"Hindi ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha.

"Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman nita sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko.

"Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba dati?" tanong ko naman.

"OO DAPAT!!! Kaso nauna kayo di ba? Dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa niya kaya napailing na lang ako.

"Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Ano bang mabilis? Isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan," saad pa niya kaya napatango naman ako.

"Hays, sabi ko nga," sabi ko na lang sabay kibit balikat.

"Ayaw mo bang magpakasal? Di ka ready gurl, kami kaya muna," pang aasar pa ni Lily kaya sinimangutan ko siya.

"Ewan ko sayo Lily, syempre gusto ko. Mahal ko si Dylan at gusto kong magkaroon kami ng sariling pamilya," napapangiti ko pang sagot.

"Yun naman pala eh! Sya suot mo na yang gown mo," nakangisi pang sabi niya ulit. Sinimangutan ko ulit siya at kinuha ang tuxedo na puti para suotin.

"Anak, ready ka na ba?" rinig ko pang sabi ni nanay habang nagbibihis ako.

"Hindi pa po, nay." Lumabas ako nang tapos na akong magbihis.

"Anak, ang gwapo mo," sabi ni nanay at tatay.

"Bagay na bagay sayo kuya."

"Oo po, kuya ang ganda mo!"

Kahit kinakabahan at parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito ay di ko napigilang mapatawa ng malakas dahil sa kapatid ko, kakaiba talaga siya.

'Maganda daw ako? Luko din itong si Ben.'

"Ano gurl, ready ka na?-- Ayy tita, tito nandyan na pala kayo," sabi pa ni Lily pagpasok sa pinto.

"Anak, tandaan mo ha, nandito lang kami para sayo, proud na proud kami sayo at mahal na mahal ka namin," sabi ni nanay sakin saka sila sumama kay Lily para mauna na sa simbahan.

Jusko lalo na akong kinabahan.

Pabalik-palik ang lakad ko sa buong paligid dahil sa halo-halong emosyon ko ngayon. Kinakabahan, excitement at kasiyahan lahat yan ay parang full force ang pag atake sakin ngayon.

"Sir, the bridal car is ready," sabi pa ng lalaki kaya lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib.

Habang nakasakay ako sa puting kotse ay di ko mapigilang maisip na, "Jusko tuloy na tuloy na talaga ang kasalan ko, di pa rin ako makapaniwala na mauuwi sa ganito ang pagpunta ko sa maynila noon, trabaho lang ang gusto ko pero asawa naman ang ipinagkaloob sa akin ni God, hayyss sino ba ako para tumanggi eh ang binigay naman niya sa akin ay isang gwapo, mabait at mayamang  lalaki." napangiti naman ako sa iniisip ko.

▼△▼△▼△▼△

DYLAN POV

"Nico, Okay lang ba ang itsura ko?" tanong ko pa kay Nico na nasa sa tabi ko habang naghihintay kami sa aking mahal.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon