I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Utoy, nandito na tayo sa maynila."
Nagising ako dahil sa pag alog ng aking balikat. Pupungas-pungas akong nagising, napatingin ako sa bintana ng bus, madilim pa pala. Dala-dala ang aking bag ay nagmadali na akong bumaba sa Bus at nagpasalamat sa driver.
Naglakad ako sa may kanto para maghintay ng masasakyang taxi pauwi, sumilay muna ako sa aking cellphone para tingnan ang oras.
DEC. 23 / 2:00 am
"Dec. 23 na pala, dalawang araw na lang at pasko na," isip-isip ko pa habang humihikab, sakto naman na may dumating na taxi at mabilis naman akong sumakay doon para makauwi na.
Kahit antok na antok ay pinilit ko pa ring manatiling gising ang aking sarili. Excited na akong makauwi, at makita si Dylan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa subdivision.
Kahit madilim pa ay masaya pa rin akong binati ng mga guard ng subdivision. Nagnining-ning naman ang ngiti sa aking labi, masaya at masigla akong nagtatakbo pa uwi.
Pagkatapos ng ilang liko sa ilang street dito sa loob ng subdivision ay nakarating din ako sa harap ng aming bahay ni Dylan. Habang pinagmamasdan ang kabuohan ng bahay mula sa labas ay muli akong napangiti. Namiss ko ang bahay na ito, pero mas namiss ko ang may ari ng bahay na ito.
Dahil may susi naman ako kaya nakapasok agad ako sa loob ng bahay, kahit hindi ko halos maaninag ang paligid at loob ng bahay na tunay kong mahal, ang bawat sulok nito ay napaka espesyal para sa akin.
Habang naglalakad ako papasok ay halos madulas ako ng may mayapakan akong bilog na bagay, pinulot ko agad ito at napangiwi na makitang lata pala ito ng beer.
Nang mabuksan ko ang ilaw ay bumulaga sa aking harapan ang magulong sala at maraming nakakalat na bote at lata ng beer.
Di ko tuloy maiwasang mapailing. Bago ko ayusin ang kalat na ito, ay kailangan ko munang siguraduhing na maayos din ang taong may kagagawan ng kalat na ito.
Tsk. Tsk. Dylan talaga.
Nagpasya muna akong magpunta sa aking kwarto para magbihis bago puntahan si Dylan sa kanyang kwarto.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at sumilip sa loob nito.
Marahan ang ginawa kong paghakbang palapit sa kanyang higaan. Kahit madilim ay halos atakihin ako sa puso dahil sa eksenang nasa harapan ko ngayon.
'TAMA BA ANG NAKIKITA KO??'
'S-Si Dylan! M-May kayakap na b-babae!! At parehas silang walang saplot!!!'
BLAGG!!!!
"Ah!" napasigaw ako sa gulat nang biglang mahulog ang cellphone ko, napatakip naman ako agad sa aking bibig para di na ako makagawa ng ingay.
Dahil sa nangyari ay nagising ako sa katotohanan, napatingin agad ako kay Dylan at nakita itong mag isang nakahiga sa kanyang kama.
Napapunas ako ng pawis sa aking noo. Mabuti na lang dahil imahinasyon ko lang pala iyon. Antok pa ata ako, kung ano-anong naiisip ko eh.
Nagpatuloy na lang ako sa paglapit sa kanya, napangiwi pa ako dahil sa mabahong amoy ng alak galing sa kanya.
Umupo ako sa tagiliran ng kama at pinagmasdan ang maamo niyang mukha habang natutulog. Binuksan ko ang lamp shade sa kanyang bedside table para makita ng maayos ang kanyang itsura.
"Kawawa naman ang Dylan ko," mahinang bulong ko pa habang hinahaplos ang namumutla niyang mukha at pansin ko rin ang nangingitim niyang eyebags.
Ramdam ko na hindi siya kompurtable sa kanyang pagtulog dulot ng pawis na namumuo sa kanyang noo at kayawan.
Wala din syang suot na damit at naka boxer lang. Kaya medyo nagtataka ako kung bakit pinagpapawisan pa siya eh ang lamig-lamig naman dito sa kanyang kwarto.Pumunta muna ako sa banyo para kumuha ng basang towel para mapunasan siya, baka sakaling humupa ng kaunti ang kanyang kalasinhan. Nagdala na din ako ng pulbo.
Dahan-dahan kong pinunasan ang bawat parte ng kanyang katawan, mula ulo hanggang paa. Kahit namumula at nanginginig ang aking kamay habang ginagawa iyon ay mas inisip ko na kailangan niya ako ngayon kaya dapat iwaksi ko muna kung ano man ang iniisip ko.
Dumaan ang aking kamay sa kanyang mukha, leeg , matipuno at matigas nyang dibdib at abs. Pinunasan ko din ang hita niya at binti pati ang paa.
"Hayss, okay pulbo naman, para mabango ka na ulit Dylan," nakangiti ko pang sabi habang naglalagay ng pulbo sa aking kamay at handa nang ipunas iyon sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay napangiti ako nang malawak habang pinagmamasdan ang kabuohan niya, mukha syang isang pulburon dahil sa sobrang dami ng pulbos sa katawan at mukha.
"Hindi ka lang mukhang baby, amoy baby pa," nang gigil na bulong ko pa habang hinahalikan ang kanyang pisngi nang paulit-ulit.
"Ayy!" gulat na sigaw ko ng biglang may kamay na yumakap sa aking bewang.
"Hmm, Ry ko?" mahinang bulong niya habang nakapikit.
"D-Dylan?" pagtawag ko pa sa pangalan niya dahil akala ko ay gising na siya.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang nakayakap ang kamay niya sa akin.
Nagulat ako ng makitang napangiti siya kahit nakapikit, siguro ay maganda ang napapananginipan niya tapos bigla siyang lumuha. Ang tubig na galing sa kanyang mga mata ay unti-unting nakabasa sa kanyang unan.
Halos madurog naman ang puso ko dahil sa nasaksihang iyon, pero lalong nasaktan ang aking kalooban ng bigla nyang tawagin ang aking pangalan, At kausapin ako na parang nasa loob ng kanyang panaginip.
"Ry kom M-Miss na miss na kita," mahinang bulong nito habang lumuluha pa arin.
Parang natutunaw ang aking puso sa lahat ng nangyayari kaya naman dahan-dahan kong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.
"Mahal ko. P-Please---umuwi-- kana," sabi pa niya na tila nagmamaka-awa.
Napasinghap ako nang maramdaman ang pagkabasa ng aking pisngi. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na rin pala ako.
Ganito na ba nuya ako ka miss para iyakan at magpakalasing pa.
"Dylan, nandito na ako, wag ka ng malungkot," bulong ko pa sa kanya.
Nakita ko naman na napangiti siya at maya-maya pa ay napansin ko na humihik na pala.
Napangiti ako at inayos ang aking itsura. Hinalikan ko ang kanyang noo at dahil sa antok ay nakihiga na rin ako sa kanyang tabi.
"Sweet Dreams, Dylan.
▼△▼△▼△▼△
DYLAN POV
MAGAAN ang aking pakiramdam at masaya akong nagising sa umagang ito. Nakangiti akong bumangon at nag inat ng braso at katawan.
'What a great dream,' isip-isip ko pa habang napapangiti. Napanaginipan ko
kagabi na umuwi na daw ang mahal ko at ngumiti pa sa akin.Naaalala ko rin na nag inom ako kagabi, pero ngayon ay hindi ganun kasakit ang ulo ko, ang astig talaga ng mahal ko, napanaginipan ko lang siya ay nawala na ang mga problema ko.
Para akong baliw na hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Nagtungo na ako sa banyo para maligo, feeling ko magiging maganda ang araw na ito para sa akin.
Pahimig-himg pa ako habang naliligo at ganun din nang ako'y nagbibihis na.
'I'm makes sure that NO one can ruin my day.'
Maliban na lang nang halos mapatalon ako sa takot at gulat ng mapansing may bagay/tao o multo sa ilalim ng aking kumot. Hugis tao ito pero...
'Imposible! I don't remember bringing any girls last night!'
Then who the hell is this!?
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...