Chapter 29

5.2K 269 9
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ






RYLAN POV

"HHAA!" paghihikab ko pa habang nag iinat, hayss ~ bagong umaga, bagong araw na naman ng buhay ko.

Habang nagluluto ako sa kusina ng aming almusal at baon ni Dylan ay di ko mapigilang maisip at ramdaman na bumalik na sa normal ang buhay ko, kahit ngayon di pa rin ako makapaniwala na masasangkot ako sa isang kidnapping. Sa mga pelikula ko lang kasi na papanuod yung mga ganun.

Napatawad ko na si Leo at tapos na ang lahat, dapat ko nang ibaon sa limot ang lahat.

Pagkatapos kong magluto ay nagpunta na ako sa kwatro ni Dylan para gisingin siya at ipaghanda ng susuotin.

"Dylan!!! Gising na ik-- Ahhh!!!"

"Good morning Ry ko," nakangisi pang sabi niya, pagkatapos akong higitin pahiga sa kanyang kama.

"Bumangon ka na kung gising ka na pala."

"Agang-aga ay nagsusungit ka na naman Ry ko, "natatawa pa niyang ani, habang naglalakad papasok ng banyo.

Napailing na lang ako habang inaayos ang hinigaan niya, pagkatapos ko ay inihanda ko naman ang damit nyang susuotin para sa araw na ito.

Nang maihanda ko na ang lahat ay nagpasya na akong bumaba para ihayin naman ang almusal naming dalawa.

Pagkatapos kong maghayin ay bumaba na si Dylan para mag almusal, sinabayan ko na ito para mapadali kami di kasi sya pumapayag na di ako sasabay sa kanya, nangungulit pa ito ng sobra.

"Dylan, dinagdagan ko ulit ang baon mo, ibigay mo kay Nico ang para sa kanya ha," sabi ko pa habang inaabot ang baon niya.

"Eh bakit ba laging meron si Nico?" nakangusong pa niyang reklamo.

"Gusto mo bang agawan ka ni Nico ng pagkain?"

"Ayaw ko," parang bata pa nyang sagot.

"Ayun naman pala e, kaya ibigay mo na yan para di ka na niya agawan pa."

Tumango na lang siya, pagkatapos ay naglakad na papunta sa garahe kaya sumunod ako na ako para ipagbukas siya ng gate.

"Ry ko, mag iingat ka lagi dito ha, wag kang pupunta kung saan-saan."

"Oo naman Dylan, kayna Lily lang ako pupunta mamaya pagtapos ko na ang mga gawain ko."

"Tatawagan kita lagi, para malaman kong okay lang."

"Okay po, sasagutin ko lahat ng tawag mo," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige, ano gusto mong pasalubong?" nakangiti pa niyang tanong, pagkatapos kong mabuksan ang gate at mailabas na niya ang sasakyan.

"Hmm, ikaw na bahala Dylan."

"Sige, bye Ry ko."

"Ba-bye din Dylan, mag iingat sa pagmamaneho ha."

Sumaludo pa siya sa akin at pinaandar na ang kotse paalis. Habang nakatanaw ako sa sasakyang paalis ay bigla akong nagulat nang...

"Oyy agang-aga sweet niyo ha, kung magpaalamanan ay parang di na magkikita," nang aasar na saas pa ni Lily.

"Agang-aga din Lily ay nasa kapitbahay ka na," tugon ko naman habang isinasara ang gate ng garahe.

"Di naman, napansin ko lang kayo."

"Bakit nga ba nandito ka na naman e, dun pa bahay niyo ah." pagtataboy ko pa kanya.

"Sabi ko nga cutiee, may sasabihin kasi ako sayo," nahihiya pa niyang bulong.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon