Chapter 25

5.1K 247 13
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

DAHIL sa nangyari ay minabuti na naming bumalik ng maaga sa maynila.

Nandito kami sa parking lot ng hotel habang isa-isang inilalagay sa compartment ng kotse ang aming mga bag na dala at iba pang supot na may lamang souvenir. Buti na lang at nakabili kami kahapon.

Pagkapos naming ayusin lahat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan paalis sa lugar kung saan naganap ang una naming bakasyon. Dahil halos hindi ako nakatulog buong magdamag ay antok na antok ako ngayon sa byahe.

"Ry ko, sige na matulog ka na."

Dahil antok na antok ako ay sinunod ko na lang ang payo ni Dylan. Iyun nga lang ay hindi ko pa matagal na naiipikit ang aking mata ay bigla na lang akong magising dahil sa biglaang pagpapatakbo ni Dylan ng mabilis sa kotseng aming sinasakyan.

"Dylan!!! Anong nangyayari?" takot na hiyaw ko sa kanya.

"May humahabol sa atin," seryosong tugon niya at maya't mayang tumitingin sa side mirror ng kotse.

Dahil sa sinabi niya ay napalingon din naman ako para tingnan ang tinutukoy niya. Tama nga si Dylan, may kulay pulang kotse na mabilis din na nagpapatakbo palapit sa amin, kaya naman ginagawa lahat ni Dylan ang makakaya niya para maka-over take sa mga sasakyang nasa unahan namin para matakasan ang kotseng pula.

Kaso kahit anong gawin namin ay nakakahabol pa rin ito. Palapit na ito nang palapit sa amin, natatanaw ko na rin ang itsura ng sakay nito dahil hindi naman tinted ang kotseng sinasakyan niya.

Mula sa aking kinalalagyan ay di ako makapaniwala sa aking nakikita. 'Si... L-Leo nga.'

Masama siyang nakatingin sa amin, wala na ito sa katinuan niya, habang nakatitig ako sa galit at nakakatakot na mukha niya ay mas kinilabutan ako ng bigla namang syang ngumiti ng parang sa isang demonyo.

"Ry ko!!!" iyon na lang ang huli kong narinig kasabay ng isang malakas na tunog ng pag bangga.







"AHHHH, D-Dylan!!!" sigaw ko habang hinahabol pa ang aking hininga.

"Ry ko?" tugon ni Dylan, habang nagmamadaling lumalapit sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya sabay yakap sa akin at madahang hinahaplos ang aking likuran para pakalmahin ako.

Jusko! Hayss buti na lang at panaginip lang ang lahat. Habang nakayakap ako kay Dylan ay inilibot ko ang aking paningin, nandito na pala kami sa bahay at nakahiga ako sa kama ni Dylan, hindi na pala niya ako ginising ng makarating kami rito.

"S-Salamat Dylan," nauutal na ani ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang nagwawala kong puso dulot ng kaba at takot.

"Walang anuman, Ry ko. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong pa niya habang hinahaplos ang aking pisngi.

Tumango na lang ako para ipaalam sa kanya na maayos na ang pakiramdam ko. Ayaw ko namang mag alala pa siya kaya hindi ko na binanggit kung anong napanaginipan ko.

▼△▼△▼△▼△

AYAW ko naman magkulong sa bahay buong maghapon kaya naisipan kong pumunta sa court para makipaglaro sa aking mga kaibigan at syempre ay maibigay din ang mga pasalubong ko.

Hindi ko gustong matakot dahil lang sa mga panaginip at kutob na di naman tunay kaya kahit may kaunting pangamba ay minabuti ko pa rin na gumalaw na parang wala lang ang lahat.

Nang makauwi kami kahapon ay halos ayaw akong lubayan ni Dylan, kung saan ako magpunta ay lagi siyang nakasunod sa akin. Ayaw din niyang pumayag na matulog ako sa aking kwarto ng mag-isa kaya sa kwarto niya kami natulog ng gabing iyon.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon