Chapter 49

4.7K 220 40
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ



RYLAN POV

"Dylan!!! Ano na naman ba ito ha?" inis na tanong ko sa kanya nang maibagsak niya ako sa kama.

Kutulad noon ay nginisihan niya lang ako at tingnan na parang may masamang balak, tinanggal din niya ang kanyang damit at inihagis iyon sa aking mukha. 'Bastos talaga ang lokong ito,' isip isip ko pa habang tinatanggal ang damit nyang nakatapal sa mukha ko.

"Dylan hindi na ako nagbibir--AHH."

"Na-miss kita ng sobra Ry ko," masayang saad niya at bigla na lang akong dinaganan, nakapatong siya sa akin, pero hindi naman niya inilalapat ang kanyang buong bigat.

Isinisik pa niya ang kanyang mukha sa aking leeg at inamoy iyon ng parang wala ng bukas, kung makayakap din siya sa akin ay parang sampung taon kaming hindi nagkita.

"Sa tunay Dylan, aso ka ba?" tanong ko pa, sobra maka pang amoy eh.

"Oo Ry ko, na uulol na nga ako sayo eh," sagot pa niya habang nakangisi.

Kahit medyo na iinis ako sa kakulitan niya, isa naman iyon sa pinaka namiss ko ng panahong hindi niya ako pinapansin. Sobrang sakit sa damdamin na mabalewala kaya naman ngayon ay hahayaan ko na lang siya, bukod pa roon ay masaya akong nadadama ko na ulit ang maiinit niyang yakap at malambot na labi na laging dumadampi sa aking balat.

"Ry ko namiss mo ba ako?" tanong pa niya habang nakatingin sa akin.

Pinamulahan naman ako ng mukha at napaiwas na lang ng tingin dahil sa lapit ng kanyang mukha sa akin, kaunti na lang kasi ay maglalapat na ang aming mga ilong, tumango na lang ako at iniyakap ang braso sa kanyang leeg.

"May tanong pa ako sayo, sagutin mo ng maayos ha," seryosong bulong niya sa aking tenga.

"Ano yun Dylan," mahinang sagot ko naman sa kanya.

"Bakit si Brandon ang isinama mo sa ceremony?" pabulong na tanong niya na may halo pa ring inis.

Dahil gusto ko siyang inisin pa lalo ay hindi ako sumagot, nanatili lang akong tahimik habang nakasiksik ang aking mukha sa matigas nyang dibdib. Pinagsasawa ko pa ang aking sarili na amuyin siya.

'Namiss ko siya ng sobra,' napapangiti ko pang saad sa aking isipan.

"Hindi ka sasagot?" ramdam ko na ang inis niya hindi lang sa boses, napa-aray pa ako dahil sa gulat nang kagatin niya nang mahina ang aking tenga.

"Dylan, bakit ka ba nangangagat ha?"

"Tinatanong kita, pero di ka sumasagot, siguro gusto mo talagang maging aso ako?" tanong pa niya sabay kagat na naman sa tenga ko.

Jusko ko po, aso nga ata ang boss ko, hilig mang amoy at nangangagat pa eh. Pilit ko namang inilalayo ang mukha niya sa may tenga ko, iba na kasi ang pakiramdam ko, Unti-unti na ring nag iinit ang aking katawan kahit wala naman akong lagnat.

"Ahh~ Dylan, t-tama na," hindi ko mapigilang mapa-ungol ng sipsipin niya ang likod na parte ng tenga ko, napaka sensitibo pa naman ng parteng iyon.

Naramdaman ko pang napangisi siya at imbis na makinig sa akin ay kinagat-kagat pa ang parteng iyon, para naman akong mauubusan ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko isama pa ang pamumula ng aking mukha at leeg.

Pagkatapos ng ilang sandali ay naramdaman kong bumaba na sa leeg ko ang kanyang paghalik, ang katawan ko ay tila naestatwa at di na alam ang gagawin. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa habang nawalan na ako ng lakas para magpumiglas pa, ramdam ko ang mumunting kuryenteng dumadaloy sa aking katawan sa bawat paglapat ng kanyang labi sa aking balat.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon