Chapter 37

4.1K 217 3
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

"Sir kayo po pala?" gulat na sabi ng mga Guards ng makita kung sino ang humigit sa akin.

"Kilala nyo po ba sya?" tanong pa ng mga ito sabay turo sa akin.

"Yes, ako na bahala sa kanya."

"Sige po sir, mauuna na po kami," pagpapaalam pa ng mga guardya.

"N-Nico? Ikaw pala," di makapaniwalang saad ko habang nakatingin sa kanya.

"Rylan! Anong ginagawa mo dito," masiglang sagot naman niya at inalog-alog pa ang magkabila kong balikat.

"Ah kasama ko si Dy---"

"Ry ko!!! " sigaw na nakapagpagulat sa amin ni Nico. Napatawa naman ako ng mapansing medyo napatalon pa si Nico dahil sa takot.

"Ry ko! Bakit bigla kang nawala? At bakit kasama mo si Nico," tanong pa ni Dylan nang makalapit siya sa aming pwesto.

"Sorry Dylan, nalibang kasi ako sa pagtingin sa paligid, tapos dumating yung mga guards para palabasin ako, pero iniligtas ako ni Nico," masayang pagkukwento ko pa sa kanya, kaya naman napatingin siya ng masama kay Nico.

Tinaasan lang naman siya ng dalawang kilay ni Nico at nginisihan.

"Hayss, kaya pala kahit salita ako ng salita kanina ay walang sumasagot, natakot ako ng mapansing nawala ka," nag-aalala namang sabi ni Dylan.

"Pasensya na talaga Dylan."

Tumango siya at bahagyang ngumiti sa akin na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hinawakan na rin niya ako sa kamay para daw di ako mawala ulit.

Yumuko na lang ako at hindi na pinapansin ang mga tingin na ipinupukol ng mga empleyado sa akin dahil sa paghawak ni Dylan sa aking kamay,  at pagsunod ni Nico sa aming likuran habang papasok sa elevator.

Nang makapasok kami sa loob ng elevator ay mas nakahinga ako ng maluwag dahil kami lang ang nandito. At wala na din ang kakaibang tingin na nagmumula sa mga tao.

"Okay ka lang Ry ko?" tanong pa sa akin ni Dylan habang umaandar ang elevator paakyat sa kanyang floor.

"Ayos lang ako Dylan."

Maya-maya pa ay tumigil na ang elevator ng makita kong umabot na ito sa pinakataas na floor, naglakad kami sa isang mahabang pasilyo na may nakalatag na red na carpet.

Wow ang ganda-ganda talaga dito. Sa pader nito ay nakalagay ulit ang pangalan ng kumpanya, katulad ng makikita mo pagpasok palang ng building.

     HENDRICKS ENTERPRISE

Habang papalapit kami sa isang pinto dun sa pinakadulo ay may madadaanan muna kaming table.

"Ry ko, yan ang table ni Nico," ani Dylan habang tinuturo ang malinis at organize na table sa tabi ng pinto ng opisina niya.

"At ito naman ang opisina ko," pagmamalaki pa niya nang makapasok kami sa loob ng silid niya.

May karapatan naman talaga syang ipagyabang ito sapagkat malaki at maluwag ang kanyang opisina. Nasa unahan ng bintanang malaki ang kanyang table tapos may maliit ba sala din dito.

Sa aking paglinga sa paligid ay napansin ko rin na may isa pang pinto.  'Siguro ay banyo yun?' isip-isip ko pa.

Umupo na siya sa kanyang likod ng kanyang magandang mesa, si Nico naman ay nakasunod lang sa amin mula ng makapasok kami rito.

"Rylan, ito upuan oh," alok pa ni Nico sabay lapag ng upuan sa tabi ng table ni Dylan.

"Salamat Nico, maasahan ka talaga," pagpuri ni Dylan at sumaludo naman si Nico.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon