Chapter 36

4.5K 227 4
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ




RYLAN POV

"Bukas pwede na nating kunin ang uniform mo."

"Talaga Dylan, naka-enroll na ako kahit hindi na tayo pumupunta dun sa school?"

"Oo naman Ry ko, may online enrollment naman sila kaya di na tayo kailangan pumunta dun, at saka nabayaran ko na ang tuition mo for one month," nakangiting sagot niya.

"Salamat Dylan, pwede bang ibawas mo na lang sa sahod ko ang ibinayad sa tuition fee?"

"Wag na, saka na lang may income ka na sa negosyo mo."

"Eh pero matagal pa iyon," takang tanong ko naman.

"Edi mas magaling, ibig sabihin ay matagal pa tayong magkakasama," malambing na saad pa niya, sabay kindat sa aking dereksyon.

Hayss, wala talaga akong laban sa kanya, nakakatakot ang kakulitan niya.

▼△▼△▼△▼△

MONDAY

ITO na ang araw na pinakahihintay ko, halos hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa pagkasabik. Ngayon ay pupunta na kami doon sa school na nag ooffer din ng cooking class para kunin ang aking uniform at schedule ng klase.

Hindi ko mapigilang mapahimig habang nagluluto dahil sa saya. Maaga din akong nagising para magluto at ipaghanda si Dylan ng susuotin niya, sabi nga pala ni Dylan ay sasamahan niya akong pumunta sa school kaya lalong nadoble ang aking sayang nararamdaman.

"AH! Dylan naman!" inis na sigaw ko pa ng biglang may yumakap sa aking likod.

"Good Morning Ry ko, mukhang maganda ang mood mo ngayon ah, excited?" wika niya habang nakapatong ang baba sa aking balikat.

"Oo excited ako, pero mukhang mas excited ka pa sa akin ah kasi ngayon ka lang bumangon sa higaan mo ng mag isa.  Aba himala talaga," natatawa ko pang tugon.

"Hm... masaya lang ako Ry ko, at oo na inaamin ko na excited din ako para sayo," bulong niya bago subsub ang mukha sa aking leeg. Nagbigay namin iyon ng matinding kiliti sa aking katawan.

"Sige na, maupo ka na Dylan. Luto na ito at ihahayin ko na." Pagtataboy ko pa sa kanya.

"Okay Ry ko!" masigla pa niyang sagot.

Pagkahanda ko ng almusal sa mesa ay sinimulan na naming kumain.

"Ry ko, samahan kita pumunta sa School mo ha."

"Sige ba, pag nakuha na natin edi sasakay na lang ako pauwi dito," sabi ko habang iniiwas ang plato ko sa kanya, nilalagyan na naman kasi nya ng ulam ay puno pa ang plato ko.

"Nope--" seryosong sagot nito kaya napatigil ako at tiningnan siya na puno ng pagtataka.

"---pagkakuha natin ang kailngan mo sa School ay ihahatid kita dito sa bahay," dugtong pa niya na bakas ang kaserysohan sa mukha.

Dahil sa gulat ay hindi ako nakailag nang bigla nyang lagay ng tatlong pirasong sausage ang plato ko.

'Para-paraan nga naman Dylan,' napapailing na isip-isip ko.


PAGKALIPAS ng ilang minutong paghahanda ay dumeretso na ako sa sala para sana hintayin si Dylan, pero nagulat ako ng makitang naroon na siya at tahimik na naghihintay sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bigla tuloy akong nailang sa aking suot na T-shirt na puti, may print ito na maliit na bear sa may dibdib at pantalong itim at vans na black n white.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon