Chapter 44

3.8K 211 15
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ






RYLAN POV

MALUNGKOT ako sapagkat hindi natupad ang aking panalangin ng gabing iyon.

Ang totoo nya ay lumipas na ang ilang araw, pero kahit kailan ay hindi iyon natupad, nagpatuloy ang malamig na pakikitungo sa akin ni Dylan. Lagi na rin siyang gabi na umuwi, kaya natuto na akong kumain mag-isa at itapon ang mga pagkain na hindi niya kinakain pagdating ng umaga.

Halos ang nagpapasaya na lang at nagbibigay sa akin ng insperasyon ay ang cooking class na aking pinapasukan, mawawala ang aking isipin pag nandun ako dahil maraming bagay akong na nalalaman.

Minsan pumupunta rin ako kayna Lily para makakwentuhan siya, alam kong napapansin niya na may mali sa akin, pero hindi pa niya ako kinukulit para alamin iyon. Tinanung niya lang ako nang isang beses kung okay lang ako. Syempre, Oo ang isinagot ko sa kanya para hindi na siya mag alala pa.

Martes ngayon at day off din ni Lily kaya gusto ko siyang puntahan. Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang mag simulang maging malamig ang pakikitungo ni Dylan sa akin. Bigla siyang nagbago, minsan naiisip ko kung siya ba ang Dylan na dati kong kilala.


NAG DOORBELL ako nang makarating  sa tapat ng bahay nina Lily.

"Cutie! Buti naman dumalaw ka ulit," masayang pagsalubong pa niya sa akin.

Napangiti naman ako dahil sa sigla niya. Pinapasok niya ako at mabilis na kinuha sa paper bag na aking dala. Alam niya kasing pagkain ang laman noon kaya inihahanda na niya. Bumalik siya sa sala na nakalagay na sa plato ang Strawbery short cake na dala ko at may dalawa ding baso ng juice.

"Cutiee, kumusta ang cooking class mo?" tanong pa niya nang makaupo sa aking tabi.

"Okay naman Lily, masaya at marami din akong natututunan."

"Hmm, eh kumusta naman yung mga kaibigan mo dun?"

"Okay naman sila, hilig pa rin mag away."

"Eh yung Chef nyo, kamusta?"
Tanong ulit niya.

"Okay naman si Chef, super galing pa rin magturo."

"Kamusta si Dylan?"

"Ok-- Okay naman, lagi naman siyang okay," natatawa ko pang sabi, pero siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Eh ikaw, kumusta ka naman?" bulong pa niya. Napatahimik naman ako dahil sa kanyang tanong.

'Okay nga lang ba ako? Maayos pa ba ako' gusto kong matawa sapagkat ni sa aking sarili ay hindi ko na alam ang sagot.

"Silence means yes din ba, Lily," saad ko para patawanin siya, pero naka-serious mode ata siya ngayon kaya hindi man lang umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Yes!!!--"

"----yes sa eyebag mo, yes dahil namumutla ka na," nakasimangot pa niyang tugon sabay turo sa aking itsura.

Hindi naman ako nakatanggi pa dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako makatulog sa gabi, lagi akong nag aalala pag wala at di pa umuuwi si Dylan.

"Rylan, di ba sinabi ko sayo noon na pwede mong sabihin sa akin ang nararamdaman mo?" aniya sabay hawak sa aking balikat.

Napatango naman ako bilang sagot sa kanya, huminga ako ng malalim at sinimulan itong sabihin sa kanya lahat.







"Ano!!! Ang kapal din naman ng mukha ng babaeng yan!" inis na sigaw pa ni Lily matapos kong mag kwento.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon