I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
DUMAAN ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napapansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis kasi niya ay saka lamang nagsisimula ang aking araw bilang kasambahay.
Dahil malinis naman ang bahay kaya kaunting vacuum lamang ay okay na. Pagtapos ko na lahat ng gawain sa loob ng bahay ay pagdidilig, pagwawalis at nagbubunot ako ng mga damo dito sa front yard ang aking pinagkaka abalahan.
Pumupunta din ako sa garahe upang labahan ang mga basahan doon. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.
Mabilis akong nagluto ng kanin at kinuha ko rin ang ibinabad 'kong bangus kagabi sa ref bilang ulam ngayon.
Habang nagsasandok ako ng kanin ay hindi ko mapigilang matawa nang maalala ko si Dylan, siguro kung nandito siya ngayon ay aagawin na naman niya ang plato ko para lagyan ng sandamakmak na pagkain.
Para daw tumaba naman ako at sa tingin ko ay nagbunga naman ang effort niya sapagkat pansin kong medyo nagkakalaman na nga ako at mas lalo pang pumuti ang balat ko dahil sa palagiang nasa loob ng bahay.
⋇⋆✦⋆⋇
NANG sumapit ang alas tres ng hapon, natagpuan ko ang aking sarili na naka upo sa harap ng computer na matatagpuan sa mini-library dito sa loob ng bahay.Simula nang turuan ako ni Dylan gumamit nito upang hindi daw ako mainip ay talaga namang na aliw ako sa panunod ng iba't ibang recipe ng mga nakikita 'kong dessert.
Ngayon ay nanunuod ako dito sa isang social media kung paano gumawa ng dessert na may simple at murang ingredients. Bukod pa roon ay mukhang madadali lamang gawin ang mga ito kaya gusto 'kong subukan.
Dahil sa mga napapanuod ko dito ay parang gusto ko na ring subukang gawain para kasing ang dadali lang, at talagangDahil sa pagkasabik ay nagmadali akong punta sa kusina upang tingnan kung may mga sangkap na pwede akong magamit doon. Graham cracker, milo, at kremdensada, masaya ako sapagkat mayroon dito.
Gusto 'kong subukan 'yong una 'kong napanuod na dessert, isa iyong milo graham cake. Ang proseso ng pag gawa ay parehas lang. Sa halip na mangga, mulo ang ilagay sa bawat layer. Habang naghahalo ako ng cream ay narinig ko ang telepono na tumutunog sa sala kaya pinuntahan ko muna.
"Hello? This is Hendricks residence," magalang ko pang bungad.
"Ry ko!" masayang bati ng boses mula sa kabilang linya.
"Oh, Dylan ikaw pala, bakit ka napatawag?"
"Maaga akong uuwi ngayon, gusto mo ba ulit ng donut?"
"Sige, gusto ko iyong munchkins, Dylan." Lagi kasi niya akong dinadalhan no'n kaya naging paborito ko na.
"Sige Ry ko, bye."
"Bye din, ingat ka sa pagmamaneho ha," pagpapa-alaala ko pa sa kanya.
"Syempre naman gusto ko pang makauwi at makasama ka."
'Luh,' nababaliw na naman 'tong si Dylan kaya hindi ko na lang sinagot, bahala siya.
Nang makabalik ako sa kusina ay nalibang na ako sa aking ginagawa kaya hindi ko na napansin pa ang oras. Matapos ayusin ang bawat panghimagas sa bawat tupperware ay inilalagay ko na sila sa ref. Ilang sandali pa lamang ang nakakalipas nang marinig ko naman ang boses ni Dylan.
"Ry ko! I'm home," turan nito habang papasok ng kusina.
"Dylan! Welcome home," tugon ko naman.
Batay kasi sa mga napapanuod 'kong teleserye iyon daw dapat pala ang isasagot mo pagsinabihan ka ng 'I'm home.'
BINABASA MO ANG
🌈THE KASAMBAHAY ✔
Humor[UNEDITED VERSION] [TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD] Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta bastang lugar l...