Chapter 16

9.8K 408 58
                                    

I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ






RYLAN POV

TAHIMIK lang kami dito sa loob ng sasakyan niya, pero ang pakiramdam ay hindi nakakailang at awkward. Hindi man kami nag uusap ay sapat nang dinarama namin ang presensya ng bawat isa.

Ang maaliwalas na pakiramdam at panahon ay talaga namang napapakapagpadagdag ng magandang mood.

Habang napapalinga rin sa loob ng kotse ay may napansin akong isang maliit na screen dito sa harapan ng dashboard medyo katabi nung manebela, nahiwagaan ako kung ano iyong mga buton na nandun kaya pinindut ko isa-isa nagulat pa ako ng biglang may tumunog.

"Radyo yan, Ry ko," natatawa pang saad ni Dylanmula sa tabi ko.

Napatango naman ako sa sinabi nya. 'Oo nga pala, marunong na akong mag seat belt! haha proud na proud naman ako sa sarili ko.'

Ang ganda ng kanta di ko mapigilang hindi damdamin ang bawat liriko nito.

"Akala'y di pa handang tumibok ang damdamin ngunit bigla kang dumating sa buhay ko."

Sumasabay si Dylan sa pagkanta, parang feel na feel nya ang bawat lyrics nito, nakakatuwa siya pagmasdan sapagkat hindi man sya ganun kagaling kumanta pero marunong naman siya. Minsan napapansin ko na sumusulyap siya sa dereksyon ko.

"Kay tagal kitang hinanap,
kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka o aking mahal"

Bakit ba laging ganun ang mensahe ng kanta, para laging patungkol sa nararamdaman ko, tapos minsan pansin ko rin na habang kumakanta siya ay sinasabayan pa niya ng pagsulyap sa akin. Buti na lang at medyo traffic kung hindi siguradong naaksidente na kami.

"Pangakong hindi ka iiwan at di pababayaan" Napangiti na lamang ako nang banggitin niya ang mga katagang iyon.

PAGKATAPOS nga na abutin kami ng siyam-siyam sa traffic ay nakarating din kami sa simbahan. Marami ng tao dahil medyo tinangghali kami dahil sa traffic, buti na lang at may nakita pa kaming mauupuan. Lumuhod ako para magsimula nang magdasal sa Dyos na sana ay maging ligtas lagi ang aking  pamilya at lahat ng mahal ko sa buhay.

Nagpasalamat din ako para sa lahat ng biyayang natatanggap ko sa araw-araw. Ramdam kong ganun din ang ginawa ni Dylan sa aking tabi, pero nang lingunin ko siya ay laking gulat ko nang makitang wala na siya sa tabi ko, naisip ko tuloy na baka nauna na syang bumalik sa  upuan.

Alam ko namang hindi siya aalis sa tabi ko kaya malakas ang loob ko na kausapin siya kahit hindi ako nakatingin sa kanya, sa harap lang ako nakatitig para makita ko ang pari.

"Dylan, may gusto sana akong puntahan mamaya, pwede ba?" tanong ko sa katabi ko.

Dumaan ang ilang minuto, ngunit wala akong nakuhang sagot kaya nakaramdam ako ng panglulumo.

"Ayaw mo ba? sya sige, sa susunod na lang," medyo malungkot kong saad.

Balak ko sana siya lingunin at alamin ang dahilan bakit hindi siya nagsasalita, naisip ko na baka may ginagawa siya kaya di siya makasagot, pero nang lumingon ako sa aking katabi ay hindi ko mapigilang di mapataas ang kilay sapagkat wala si Dylan sa aking tabi sa halip ay isang matandang babae na na ang aking katabi ngayon. Dahil sa gulat at pagtataka ay hindi ko mapigilang di lumingon sa paligid para hanapin ang kasama ko. At mukhang napansin iyon ng lola na katabi ko ngayon.

🌈THE KASAMBAHAY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon